SWK 18

7.3K 213 24
                                    

Gretch: "Ano ba yan, lumabas ka nga muna, hindi kita maintindihan puro pukpok ang naririnig ko eh!"

Sigaw ni Gretch sa telepono na narinig naman ni Alyssa kaya lumayo siya sa mga gumagawa sa paligid niya na mga karpintero. Pinapaayos niya ang bago niyang branch at hands-on siya talaga dahil gusto niyang matapos ito agad at maging perfect ang lahat.

Ilang buwan na ang lumipas na mag-isa nang hawak ni Gretch ang isa nilang branch at siya naman ay natagalan sa paghanap ng magandang location at pagsesecure ng mga permit. Interior decoration na lang naman ang inaayos at malapit na din silang magbukas.

Alyssa: "Ayan, okay na?"

Gretch: "Yan! Narinig mo ba sinasabi ko kanina?"

Alyssa: "Di masyado. Sabi mo lang Fille, ikaw, ako, tsaka duwag si Gretch yun lang narinig ko."

Gretch: "Ewan ko sa'yo. Ang sabi ko, sumama ka sa amin, pupunta kami sa Boracay, birthday ng friend ni Fille. Baka gusto mong sumama."

Alyssa: "Pre, alam mo namang busy ako."

Gretch: "Akala ko ba, matatapos naman na yan?"

Alyssa: "Oo nga. Kaya nga hindi ako pwedeng umalis para sigurado akong perfect ang lahat."

Gretch: "Ay sus. Ang arte mo kasi eh."

Alyssa: "Gusto ko kasi maganda yung ambience."

Gretch: "Gusto mo lang binubuhay yung memories niyo ni Miss Destiny mo."

Napangiti si Alyssa.

Tumingin siya sa paligid at nakita niya ang napakagandang painting ng view ng Mount Pulag sa isang pader. Doon mostly nakalagay ang mga upuan kung saan uupo ang mga customer. AV's coffee pa din ang pangalan pero magkaiba sila ng design ni Gretch. Sa branch ni Gretch ay para itong music inspired. Sa isa pa nilang branch na hawak ng kaibigan nilang si Kim ay sports themed. Kay Marge naman ay puro artworks.

Sa branch naman ni Alyssa ay gagawin niyang nature ang tema. Maraming pictures ng iba't ibang bundok o mga tanawin ang ilalagay niya, meron din siyang fountain at garden sa loob. May mga tent din siyang ilalagay sa mga sulok kung saan pwedeng pumasok ang mga tao , humiga, at tumingala kung saan merong painting ng night sky na may glow in the dark stickers ng stars.

Alyssa: "Inggit ka lang kasi baka mawalan ka ng customer dahil lahat sila pupunta dito imbis na diyan sa'yo."

Gretch: "Che. So ayaw mo ngang sumama? Sayang naman."

Alyssa: "Pass muna. Ingat na lang kayo. Uwian mo ako ng buhangin."

Gretch: "Keychain lang pasalubong ko sa'yong bwisit ka."

Alyssa: "Ayos na yun, tutal ganun lang naman talaga level ng friendship natin. Pangkeychain lang."

Gretch: "Mabuti at alam mo."

Alyssa: "Sige na, bye. Madikit ka sana sa jelly fish."

Gretch: "Baldo!"

Binaba na ni Alyssa ang tawag na tatawa tawa.


----------


"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday to you!"

Nakatitig lang si Dennise sa kandila sa cake niya habang kumakanta si Gretch at Fille.

"Blow the candle! Make a wish!"

Someday We'll KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon