Salisi.
Nakakainis nga naman kapag nangyayari yun.
Kumbaga kung napaaga ka lang sana ng kaunti magkikita na kayo.
Kung hindi ka tumigil sandali para bumili ng candy, nagkasalubong pa sana kayo.
Kung hindi ka umikot para dumaan sa CR, nagkabunggo sana kayo.
Nananadya nga naman minsan ang tadhana.
Pero gaya ng konsepto ng "right love at the wrong time", kelangan din natin ng "right place at the right time".
Timing pa rin ang problema natin. Bastos talaga.
Salisi.
"Nagkasalisi po kayo ma'am."
Sabi ng supervisor kay Alyssa nang pumunta siya sa bakeshop kung saan sila kumukuha ng cakes at iba pang pastries para sa coffee shop. Kakausapin niya sana ito tungkol sa mga oorderin nila para sa buwan na ito pero hindi niya ito inabutan dahil pumunta na daw ito sa coffee shop niya.
Alyssa: "Ganun ba. Sige salamat na lang."
Lumabas na si Alyssa habang kinukuha ang shades sa likod na bulsa at dumiretso na sa sasakyan niya. Yumuko siya para kunin ang cellphone sa kanyang bag dahil tatawagan niya si Gretchen.
Habang kausap niya ito ay napansin niya pa ang sasakyan na bagong dating na kulay blue.
Naalala niya si Dennise at napangiti siya.
Gretchen: "Hello? Tol? Andiyan ka pa ba?"
Alyssa: "Ah oo tol. Ganito--"
Nagpatuloy siya sa pakikipag-usap dito at lumingon sa kabilang side ng sasakyan palayo sa sasakyang bagong dating para hindi madistract sa pakikipag-usap kay Gretchen tungkol sa business.
Nakaparada naman na ang dumating na sasakyan at bumaba ang nagmamaneho nito.
Dennise: "Ito ba yun? Nakakainis naman kasi si Mama, akala mo buntis. Pinahirapan pa kong hanapin yung bakery na binibilhan niya ng cake. Chocolate cake lang din naman, bakit hindi na lang yung mga binebenta sa malalapit na tindahan sa amin."
Umaatras na si Alyssa dahil sinabihan niya na si Gretchen na siya na lang ang umasikaso ng order nila dahil may pupuntahan na lang siyang iba.
Hinahalungkat ni Dennise sa bag ang flyer nung bakery na tinutukoy ng Mama niya para masiguradong nasa tama siyang lugar. Nang masiguradong nasa tama siyang lugar ay papasok na sana siya sa pinto nang mapansin niya ang isang sasakyan na papalabas ng parking lot sa tapat nito.
"Nice car. Orange."
Naalala niya si Alyssa at napangiti siya. Tsaka siya tuluyang pumasok na sa loob.
Krrrring
Pumasok si Dennise sa bakery at binati siya ng babaeng nasa may counter.
Dennise: "Hello! May ipipick up lang sana akong order ng Mama ko, si Arlene Lazaro."
Crew: "Ay yes ma'am! Okay na po nakaready na. Kukunin ko lang po sa likod."
Tumango lang si Dennise at umalis na ang babae. Habang naghihintay ay napansin niya ang flyers sa may counter.
AV's Coffee.
Uy malapit ito sa may titirhan kong condo ah. Ano ba ito, branch nila? Sa isip ni Dennise.
Natigil siya sa kakaisip nang bumalik na ang babae at inabot sa kanya ang cake.