"Mukha kang zombie."
Kakabukas lang ni Dennise ng skype nila ni Ella tapos yun ang unang bati sa kanya ng kaibigan. It's been 6 months since Dennise started her Med School journey, at medyo haggard na siya. Noong una medyo madali pa dahil parang review pa lang siya ng mga inaral niya nung college, pero nung natapos na ang mga yun ay napunta na sila sa mga topics na hindi niya pa naencounter. Madaming madaming nakatambak na readings at madaming madaming kelangan aralin araw araw para makasunod sa klase.
Dennise: "Kasi pagod ako. Eh ikaw mukha kang zombie kahit hindi ka naman busy."
Ella: "Wow ang sungit ah. Binibiro lang eh. Bakit ang init ng ulo mo?"
Dennise: "Ikaw kasi."
Ella: "Sus. Ano nga?"
Dennise: "Eh kasi, yung isa kong classmate ang kulit kulit."
Ella: "Anong ginagawa?"
Dennise: "Araw araw kasi akong binibilhan ng chocolates."
Ella: "Nakakainit nga ng ulo yon! Napakasama niyang tao!"
Natawa na lang si Dennise dahil alam niyang sumasakay lang ang kaibigan niya sa sama ng loob niya. Pero alam niya din namang sarcastic lang yon.
Ella: "Alam mo, nababaliw ka na siguro kakaaral. Hindi ko gets bakit ka maiinis dun. Dati nga lagi mong kinakain yung mga chocolate ko sa ref natin sa dorm."
Dennise: "Excuse me. Ikaw itong kain ng kain ng chocolates ko."
Ella: "Ay oo nga ano. Haha! Eh ano ngang masama dun?"
Dennise: "Eh kasi gusto niyang manligaw. Eh sabi ko nga, ayoko. Pero ayaw tumigil."
Ella: "Bakit ayaw mong magpaligaw?"
Dennise: "Ehhhhh ano. Focus muna sa studies."
Kumuha pa si Dennise ng mga readings niya sa bag at nilagay sa harap ng laptop niya para kunwaring mag-aaral siya pero tinatamad talaga siya ngayong araw. Wala naman silang pasok bukas kaya naisip ni Dennise na kahit paano ay magpahinga naman.
Ella: "Weh. Sa akin ka pa nagsinungaling eh kilalang kilala na kita. Itago mo na yan. Di mo naman babasahin."
Dennise: "Grabe ka. Eh ayaw ko lang nga talaga sa ngayon."
Natahimik si Ella at tumitig lang kay Dennise. Nakipagtitigan naman si Dennise.
Tsaka tila may lightbulb na biglang umilaw sa utak ni Ella.
Ella: "Alam ko na! Inaantay mo pa din si destiny?"
Nanlaki ang mata ni Dennise sandali tsaka siya yumuko at nag-iwas ng tingin kay Ella. Mahinang mahina lang ang sagot niya.
Dennise: "Hindi ah."
Ella: "Sus. Deny pa sige."
Nakataas lang ang kilay ni Ella dahil alam niyang tama siya. Nagbuntong hininga na lang si Dennise dahil alam niyang bistado na din siya ng kaibigan.
Dennise: "Eh baka naman kasi ano.. baka nadelay lang ng konti. Magkikita din kami nun."
Ella: "Shunga ka kasi, nagpapahabol ka eh hindi naman niya alam saan ka hahabulin."
Dennise: "Oo na, jusmiyo parati mo na lang ba akong sesermonan tungkol diyan."
Ella: "Oo! Kasi naman, mainit na mainit na yung bagong luto na ulam, nilagay mo pa sa ref. Naagaw tuloy ng iba."
