Yes or no.
Simple lang, diba? Parang true or false lang, the best na type ng exam. At least may 50% chance kang tumama sa bawat item.
Simple lang, diba? Positive or negative. Walang in between. No space for doubts. Straight to the point. Kung oo, oo. Kung hindi, hindi. Tapos.
Simple lang, diba? Masaya o malungkot. Kung accepted, or rejected. Kung thumbs up, o thumbs down. Kung magtatatalon ka na ba sa tuwa, o magmamadali ka nang umuwi para umiyak sa unan mo. Wala nang tulala habang tumatawid at bubusinahan ka ng parating na sasakyan tapos sisigawan ka ng 'kung magpapakamatay ka, wag mo kong idamay!'. Wala nang emote sa bintana habang umuulan. Kasi alam mo na agad kung may chance ka bang tumuloy o hahanap ka na ng iba. Kung may pag-asa ka ba o kung magmomove on ka na lang.
Yes or no lang naman, pero madalas ang hirap hirap pang sagutin.
Pwedeng dahil pa tayo decided.
Pwedeng dahil decided na tayo pero ayaw nating makasakit.
Pwedeng dahil sadyang magulo lang tayong mag-isip.
O kaya.. yes and no at the same time.
Yes, with reservations.
Tipong 'go ako, pero..'
Tipong 'okay na sana, kaso..'
Tipong 'mahal kita, kaya lang..'
"Ayan! Diyan tayo sablay eh! Sa 'Mahal kita, kaya lang...' Bakit hindi pwede na simpleng "Mahal kita!' Yun lang naman gusto marinig ng iba e!" (Kim Chiu, Paano na kaya movie kung saan din kilala ang linya na "syinota mo ang best friend mo!")
Yes or no.
Minsan yun lang dapat ang pagpipilian mo para wala kang pinapaasa na tao.
Sino ba ang may kasalanan, yung paasa o yung umasa?
"Ayan, asa ka kasi ng asa. Hopia ka tuloy."
Binato ni Dennise ang remote kay Ella.
Ella: "Bakit kasi gandang ganda ka sa sarili mo? Haba ng hair mo gurl!"
Dennise: "Inggit ka lang."
Nakarinig ng konting kuskos si Dennise at napaayos siya ng upo at sumilip siya sa pinto.
Ella: "Nako, paa ko lang yun. Ayan sige, mapanot ka kakahintay at kakaasa diyan."
Dennise went back to slouching on the couch and pouted.
Dennise: "Malay ko ba naman na ganyan pala yang kaibigan mo."
Hindi man lang siya tinignan ni Ella na busy sa pagkain ng popcorn habang nanonood ng TV.
Ella: "Malay ko din ba na ganyan ka pala ka-pabebe."
Natahimik lang si Dennise at nag-isip. She didn't realize how bad the situation was. She didn't know that her impulsive reaction may cause such a bad effect on her almost progressive love life.
Magsisimula pa lang sana, natapos na ata agad.
Dennise: "Mali ba talaga yung nagawa ko? Sobrang mali ba?"
Ella: "Hmmm. Sigurado ka gusto mong malaman ang sagot?"
Dennise: "Tingin mo ba itatanong ko kung hindi?"
Binitawan ni Ella ang popcorn at nilagay sa lamesa sa harap nila. She placed her hand on her chin to look like she's actually thinking.
Then she slammed her hands on the table as she shouted her answer.
