SWK 26

7.8K 174 30
                                    

Nagising ang diwa ni Dennise kinabukasan at agad niyang napansin ang kaibahan ng umagang iyon sa lahat ng ibang araw na nakalipas.

Una, alam niyang wala siyang pasok. Walang exam na paparating, walang lecture na kailangang paghandaan, walang readings na kailangang basahin.

Pangalawa, nasa Baguio siya para magbakasyon. Hindi siya nasa bahay lang para humabol sa lahat ng series na hindi niya napanood sa mga nakalipas na buwan, hindi niya kailangang problemahing iligpit na ang mga nakakalat niyang readings, notes, libro, at lumang exams na ginamit niya para magreview. Nandoon siya ngayon para magrelax at mag-enjoy.

Pangatlo, at posibleng pinakamahalaga sa lahat sa pananaw niya..

Kasama niya si Alyssa.

Hindi lang kasama, katabi pang matulog.

Hindi lang katabing matulog, kayakap pa.

Kung hindi pa naman talaga good ang morning ni Dennise, ewan na lang.

Dumilat siya at nangiti siya agad nang makitang nakayakap pa rin siya kay Alyssa na nakayakap rin pabalik sa kanya.

Kiniss niya si Alyssa sa lips, smack lang. Hindi niya kasi matiis eh.

Nakita niya namang unti-unting namula ang mukha nito, kaya natawa siya dahil nagtutulug-tulugan lang pala. Pero nakapikit pa din ito at nagpipigil ng ngiti.

Dennise: "Ay sus, wag ka na umarte. Alam kong gising ka na, kamatis."

Nag-adjust lang ito ng pagkakahiga at itinago ang mukha sa may buhok ni Dennise.

Kanina pa gising si Alyssa, pero dahil ayaw niyang bumitaw sa yakap kay Dennise ay pinagmasdan niya lang itong matulog. Nang mapansing tila nagising ito ay pumikit siya para nga kunwaring tulog, pero nahuli siya agad.

Hindi niya naman kasi akalaing ikikiss siya ni Dennise eh.

Alyssa: "Good morning."

Kinilig naman si Dennise sa morning voice ni Alyssa na bihira niya lang marinig.

Dennise: "Good morning!"

Alyssa: "Mukhang maganda ang gising mo ah."

Dennise: "Oo naman! I just have a feeling that this is going to be a great day."

Alyssa: "Bakit naman?"

Dennise: "Wala lang. Feeling ko lang. Ikaw ba may idea ka kung bakit?"

Kahit ayaw ni Dennise na umasa eh hindi niya maiwasang isipin na baka ngayong araw na siya tatanungin ni Alyssa. Naimagine niya pa nga ang scenario, sa ilalim ng sunset, habang kumakanta ito at nagsasayaw sila. Parang noon sa Pulag.. nung gabing..

Alyssa: "W-wala."

Para namang kabado si Alyssa kaya lalong mukhang tama ang hinala ni Dennise sa tingin niya. Yung madalas niyang kausap sa phone baka daw si Gretch, nagpaplano sila. Naiimagine niya na ang pagpapanic ni Alyssa, kaya naman natawa siya.

Dennise: "Okay!"

Bumangon na siya at pumunta sa banyo para maghilamos. Kumatok naman si Alyssa.

Alyssa: "Gutom ka ba? We can eat breakfast here or downstairs. Whichever you prefer, o gusto mong maligo muna?"

Dennise: "Ligo muna ako, pero can you try and get the food and bring them here na? Diyan na lang tayo sa may balcony para may view."

Natuwa naman si Dennise sa sarili niyang suggestion at naghigh-five sa sarili niya.

Alyssa: "Sure."

Someday We'll KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon