Dennise: "Saan ba kasi tayo pupunta?"
Pang-limang ulit na yatang tanong ni Dennise yun kay Alyssa.
Nasa sasakyan sila ngayon papunta ng airport, nakaready lahat ng gamit ni Dennise (alam niyang may beach kasi pinagdala siya ni Alyssa ng bathing suit) pero hindi niya alam kung saan sila pupunta. Excited siya, pero siyempre curious siya kung saan ba sila pupunta.
Alyssa: "Secret nga kasi."
Sagot ni Alyssa habang nakangiti pero nakatutok ang mata sa kalsada kasi siya ang nagmamaneho.
Dennise: "Ano ba naman yan, malalaman ko din naman mamaya pag nagcheck-in tayo. Sabihin mo na kasi."
Tinusok tusok lang ni Dennise gamit ang hintuturo niya ang braso ni Alyssa. Natatawa tawa na lang si Alyssa kasi parang bata na naman si Dennise.
Alyssa: "Hay ang kulit kulit po ni Prinsesa Denden."
Dennise: "Eh kasi ang tigas tigas ng ulo mo. Saan na nga?"
Alyssa: "Andito naman na tayo, antayin mo na lang pag nagcheck-in na tayo."
Lumingon si Dennise at nakitang papasok na nga sila sa may parking ng airport.
Dennise: "Ugh! Kainis ka talaga!"
Alyssa: "But you love me though."
Bumaba na sila at kinuha ni Alyssa ang mga gamit nila sa likod. Nagsuot si Dennise ng dala niyang gym bag para sa handcarry niya, si Alyssa naman nakasabit din ang gym bag pero hatak hatak ang maleta nilang dalawa. Naglakad na sila papunta sa entrance.
Dennise: "Minsan din talaga nagtataka ako kung bakit eh."
Alyssa: "Ang pogi ko kasi ano?"
Lumingon si Dennise kay alyssa. Pinagmasdan niya ito ng maigi.
Nakasuot ito ng rayban na wayfarer na itim, tapos puting tshirt na pinatungan ng maong na polo. Nakakhaki na shorts, tapos chucks.
Pogi.
Pero siyempre hindi niya sasabihin yon.
Dennise: "Hindi. Yung abs mo lang siguro talaga ang nagdala."
Alyssa: "Sabi ko na nga ba, katawan ko lang ang habol mo sa kin."
Dennise: "Tsaka malakas yung business mo, so pera na din siguro."
Alyssa: "Ha! Ikaw magiging doctor, so mas yayaman ka pag nagkataon."
Dennise: "Pero pag mayaman na ko, di ka naman kasali don!"
Dumaan na sila sa entrance at sa unang part ng security. Nakatago na lahat ng gadgets sa bag nila kaya diretso na sila.
Alyssa: "Bakit naman?"
Dennise: "Ganun talaga. Ang pera ko ay pera ko, ang pera mo ay pera ko. So galingan mo pa sa AV's ha?"
Alyssa: "Ayan tayo eh."
Kinuha ni Alyssa ang mga gamit nilang dumaan sa scanner at nauna na si Dennise sa pagpasok ng terminal.
Dennise: "Love you!"
--
Dennise: "BORACAY? OMG!"
Nasa may check-in area na sila at nalaman na ni Dennise na sa boracay sila pupunta.
Alyssa: "Naalala ko kasi yung sabi mo dati sa Pulag, you said you've always wanted to go there."
Dennise: "Pero nagpunta na ako sa birthday ko years ago. Kasama ko pa nga sina Gretch at Fille eh."