SWK 3

7.8K 232 3
                                    

Malapit nang magdilim pero wala pa sa camp site ang tatlo. 

Dennise: "Malapit na po ba tayo Mang Antonio?"

MA: "Malapit na. Bababa na lang tayo dito at doon tayo sa tabi ng ilog magpapalipas ng gabi."

Lumingon naman ang dalawa at nakita ang pababang daan na maraming maliliit na bato.

MA: "Mag-ingat kayo sa pagbaba ha, medyo madulas ang mga maliliit na bato na yan."

Nauna na ulit si Mang Antonio na maglakad at sumunod si Baldo. Naiwan naman si Dennise.

Baldo: "Okay ka lang?"

Hindi kasi nakalakad pababa si Dennise. Pagod na pagod na siya. Kalahating araw na silang naglalakad at masakit na ang talampakan at binti niya. Kung madudulas at babagsak siya eh baka mahulog siya sa bangin sa gilid.

Dennise: "Pwede bang dito na lang ako matulog?"

Bakas sa mata ni Dennise ang pagod at takot. Kaya naman umakyat pabalik sa kanya si Baldo.

Baldo: "Hey... it's gonna be alright. Here, hold my hand."

Dennise: "What if I fall?"

Baldo: "I'm here. I won't let you fall."

Napatingin si Dennise kay Baldo sa sinabi nito.

Baldo: "Not alone, that is. Hahaha kung mahuhulog ka eh di mahuhulog din ako."

Dennise: "Nakuha mo pang magjoke!"

Baldo: "Eh wala naman kasing magagawa kung mag-eemote tayo dito. Wag mong masyadong dibdibin ang problema. Think positive. What if madulas tayo tapos dumausdos tayo hanggang dun sa baba? Eh di tapos! Makakapagpitch na tayo ng tent at makakapahinga na."

Dennise: "Ewan ko sa'yo."

Sabi ni Dennise na kunwari naiirita kahit na natutuwa naman siya dahil gumaan naman ng konti ang pakiramdam niya sa kakajoke ni Baldo . At feeling niya safe siya pag hawak nito ang kamay niya.

Baldo: "Tara na?"

Nakahawak naman nga ang kamay ni Dennise kay Baldo habang pababa sila. Nadudulas dulas si Dennise pero natutulungan siya ni Baldo  na bumalanse para hindi mahulog. Nakababa din sila matapos ang ilang minuto.

Dennise: "Yes!"

Baldo: "O diba? Tara na, dumidilim na."

Naglakad sila papalapit kay Mang Antonio na nakasetup na ng tent at nagluluto na ng hapunan.

MA: "Doon na lang kayo sa banda roon medyo mas patag ang lupa at madamo para malambot."

Baldo: "Salamat po."

Agad na naglakad si Baldo  at Dennise papunta sa may open space sa gilid at nagsimula na silang magpitch ng tent. Pinagtabi lang nila ang tent nila at hindi nila pinagharap. 

Matatapos na si Baldo sa tent niya nang biglang sumigaw si Dennise.

Dennise: "Oh shit!"

Baldo: "Bakit?"

Dennise: "Kulang yung pole ko!"

Baldo: "Awww. Pano yan?"

Dennise: "Ewan! Ayan mukhang tanga! Tatayo pa naman.. pero sana hindi umulan."

Baldo: "Sana nga. Anong dinner mo?"

Hinalukay naman ni Dennise ang bag niya at nakita ang delata na baon niya. Dahil hindi naman masyadong marunong magluto at puro prito lang ang alam niya ay puro delata ang dala ni Dennise.

Someday We'll KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon