SWK 9

7.2K 219 2
                                    

Halik.

Ano nga bang meron sa isang halik?

Why do we make such a big deal out of it?

It can start a relationship.

It's like the signature you put in on the contract of being "yours" and "mine".

And it can end a relationship.

If you sign on a different contract while the other is still binding.

What is it with a kiss?

Ayon sa mga kaibigan nating scientist, the lips are the most exposed erogenous zone. It is packed with sensitive nerve endings kaya naman even the slightest touch can transmit a lot of information to our brain and it makes us feel good.

There really is such a thing as chemistry. When we kiss, we are so close to the other person and we learn things about them with our sense of smell, touch, and taste. It may be weird, pero malaki ang factor ng kiss sa relasyon ng dalawang tao. Let's not discuss in detail the scientific part of that.. Let's just say that in a kiss, our body is actually trying to determine how we really feel for the other person.. and it can say if the relationship will go somewhere. As it produces chemical signals that affect how we feel, we convey the messages that words cannot describe.

Kissing is showing love.. affection.

Why do we kiss someone?

Iiling iling na lang si Mang Antonio sa ikinikilos ng dalawang kasama niya. Matapos niya itong picturean kanina sa sunset sa summit ay parang biglang nagka-ilangan ang dalawa at hindi na nag-usap. Nakarating na sila sa campsite at natatanaw niyang hindi nag-uusap ang dalawa. Bumalik na lamang siya sa tent niya sa di kalayuan at hinayaan na lang ang dalawa.

Pilit na tinutuon ni Alyssa ang pansin sa niluluto niyang pasta.

Pilit na tinutuon ni Dennise ang pansin sa.. sa lupa. Wala naman kasi siyang ibang magawa dahil nagluluto si Alyssa.

Padilim na at naka-ayos na ang tent nila. Kakain na lang sila ng dinner at matutulog na sana para maagang makapaglakad pababa ng bundok bukas.

Magkakahalo ang emosyon na nararamdaman nina Dennise at Alyssa.

Masaya dahil nakarating na sila sa summit kanina. "High" pa din ang feeling nila dahil nga narating nila ang tuktok nito at naging worth it ang lahat ng paghihirap nila sa pag-akyat.

Lungkot dahil malapit nang matapos ang climb. Lungkot dahil alam nilang sa isang araw ay maghihiwalay na sila.. at hindi pa nila alam kung magkikita pa ba sila muli.

Kaba dahil.. matutulog silang tabi ngayong gabi.

They haven't actually talked.. about the kiss. And the 143 bombs they dropped earlier at the summit.

Pilit nilang sinasabi sa mga sarili nila na totoo iyon at di lang dahil sa nasa summit sila.. pero natatakot sila na baka ang isa ay nadala lang ng emosyon kanina.

Alyssa: "Let's eat?"

Dennise: "Tara."

Tahimik pa din sila habang kumakain. Pasulyap sulyap lang sila sa isa't isa. Kung mahuli man nila ang isa't isa na nakatingin eh mag-iiwas sila pareho ng tingin.

Nakatapos na silang kumain at wala pa ding nagsasalita.

Hanggang sa may naisip na ideya si Dennise.

Nagtaka si Alyssa nang bigla na lang pumasok si Dennise sa tent papunta sa kung saan niya nilagay ang iba niyang mga gamit. Naghintay lang si Alyssa na lumabas ito ulit.

Someday We'll KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon