SWK 13

7.1K 237 31
                                    

Never make final decisions based on temporary feelings.

Minsan kapag nag-uumapaw ang emosyon natin ay hindi na tayo nakakapag-isip ng maayos.. kaya naman bandang huli ay puro pagsisisi lang ang aabutin natin.

Pag may nasabi ka na, hindi mo na mababawi.

Pag may nagawa ka na, hindi mo na mababalikan.

Kaya bago mo sabihin o gawin, isipin mo muna. Huminga ka ng malalim. Maglakad lakad ka muna. Kumain ka ng ice cream. Kumanta ka ng paborito mong kanta.

Wag mo lang gagawin ang sinabi ng isip mo pag galit ka. Pag nasasaktan ka. Pag malungkot ka.

Gaya na rin ng wag kang magpangako kapag masaya ka.

Kasi baka nasabi mo lang dahil ang saya saya mo non, pero pagkatapos at normal na ang pakiramdam mo, hindi mo pala kayang panindigan.

Nagpaasa ka na ng tao sa pangako mo.

Paano mo sasabihin na hindi mo pala kayang gawin yung pinangako mo? Na hindi totoo yung sinabi mo, nagulat ka lang. O kaya naman wala ka sa tamang pag-iisip nung panahon na yon.

Awkward yun.

Awkward.

Bumitaw si Alyssa sa pagkakayakap ni Laura sa kanya at humarap kay Dennise. Agad na nagpunas ng luha si Dennise.

Alyssa: "Uhm. Lau. This is Dennise.."

Laura: "Oh hi! Sorry hindi kita napansin agad. I'm Laura, by the way. Alyssa's girlfriend."

Napatingin lang si Dennise kay Alyssa sa sinabi ni Laura. Hinihintay niyang sabihin nitong wala na sila, tapos na yun, si Dennise na ang gusto ko.. pero nakatingin lang sa sahig si Alyssa.

Pinilit ni Dennise na pigilan ang nararamdamang sakit at galit at ngumiti siya saka nito inabot ang kamay niya para makipagkamay kay Laura. Hindi naman nahalata ni Laura na pilit lang ang ngiti nito sa kanya.

Dennise: "Ahm. Hello! Dennise. Nakasabay ko lang si Alyssa sa climb. Nice to meet you."

Tsaka naman napalingon si Alyssa kay Dennise. Sa totoo lang ay gulat pa siya sa lahat ng nangyayari kaya hindi siya makasalita. Nahalata naman ni Laura ang reaksyon ni Alyssa pero sinabi niya sa sarili na wala lang yon.

Laura: "Mukhang pagod na kayo, tara na pasok na tayo."

Pumasok naman na silang tatlo. Maliit lang ito, may parang living room na may dalawang couch at coffee table sa gitna. May kitchen para makapagluto at dining table para sa apat na tao. Isa lang ang kwarto sa taas pero walang kama, parang meeting room lang kasi siya at maraming monobloc sa paligid.

Nilagay nina Alyssa at Dennise ang gamit nila sa kwarto. Pumunta si Alyssa sa may side ng pintuan, pero lumayo si Dennise sa kanya. Kumuha na sila ng gamit para maligo dahil dalawa naman ang banyo doon.

Iniisip pa ni Alyssa ang sasabihin niya kay Dennise kaya hindi niya pa ito kinausap agad. Pero nung tumalikod na si Dennise para pumunta sa banyo ay hahabulin niya sana ito para kausapin pero biglang lumapit si Laura.

Laura: "Magsisimula na kong magluto, okay? Bilisan mo na lang maligo para makakain at makapahinga ka agad later."

Tumingin tingin pa si Alyssa sa kung saan lumabas si Dennise bago siya sumagot kay Laura. Muli ay napansin ito ni Laura, pero ayaw niyang tanggapin ang sinasabi ng utak niya.

Alyssa: "Okay, sige."

Sumunod na si Alyssa pero hindi niya na inabutan sa labas si Dennise. Narinig niya na ang umaagos na tubig at alam niyang naliligo na ito. Pumasok na lang din siya sa kabilang banyo para maligo na din. Pagpasok niya pa lang sa loob ay hindi niya na napigilan ang sama ng loob niya sa sariling katangahan kaya naman hinampas hampas niya ang pader.

Someday We'll KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon