Hindi na nagpitch pa ng tent si Dennise dahil sabi ni Alyssa ay share na lang daw sila sa tent niya para na din hindi na maputol ang tulog nila kung sakaling umulan sa kalagitnaan ng gabi. Hindi naman na tumutol si Dennise dahil hirap talaga din siyang gumalaw kaya tinatamad na siyang magasikaso pa ng tent.. at gusto niya rin namang makasama sa tent si Alyssa.
Kasalukuyang nakaupo sa may gilid ng tent si Dennise habang nagluluto si Alyssa sa harap niya. Nagpapakulo pa lang ito ng tubig at nagulat naman si Dennise sa nilabas ni Alyssa sa bag niya.
Dennise: "Wow."
Alyssa: "You like this?"
Dennise: "White or red?"
Alyssa: "White."
Dennise: "Yes!"
Ngumiti na lang si Alyssa sa parang bata na si Dennise na nakataas pa ang dalawang kamay dahil nagbubunyi siya sa lulutuing pasta.
Alyssa: "So mahilig ka sa pasta? Buti na lang pala. Sakto ang nadala ko."
Dennise: "Yup. Fave food ko. Ikaw?"
Alyssa: "Hmmm. Adobo."
Dennise: "Hindi ka mahilig sa pasta? Bakit yan ang dinala mo?"
Alyssa: "Kasi madali siyang lutuin pero masarap? Tipid sa gas?"
Dennise: "Sabagay. Akala ko ba hindi ka naman mountaineer pero bakit parang ang dami mo namang alam. Kumpleto ka din naman sa gamit."
Alyssa: "Nagresearch ako bago pumunta dito eh. Nakaplan na ito for months now."
Dennise: "Eh di ikaw na. Ako na ang pabigla bigla."
Alyssa: "Buti na lang kamo at ako ang inabutan mo. Paano na lang kung puro lalaki or walang tao doon non?"
Dennise: "Hindi ko alam. Baka sinadya ng tadhana yun kasi kulang pa daw mga problem ko sa buhay kaya pinakilala ka nila sa akin."
Alyssa: "Bakit naman ako naging problema?"
Kasi nalilito na ko sa pagkatao ko dahil sa'yo. Kasi pumunta ko dito para ichallenge ang sarili ko.. para malaman ko kung kaya ko.. pero eto ako naging dependent ako sa'yo. Hindi naman sa nagrereklamo.. pero paano kung magbago ang lahat pagkatapos ng climb na to? Sa isip ni Dennise.
Dennise: "Kasi po ang hilig mong mabwisit."
Alyssa: "Wow. Ang bait bait ko nga sa'yo oh. Binuhat pa kita kanina. Pinagluluto pa kita."
Dennise: "Nanunumbat ka na niyan?"
Alyssa: "Hindi naman. Hahahaha! Pero magpasalamat ka naman dahil narinig mo ang aking golden voice."
Dennise: "Salamat pala kasi gumaan pakiramdam ko doon kanina."
Alyssa: "Mabuti naman."
Dennise: "Natawa kasi ako dahil basag ang boses mo talaga! Hahahahaha!"
Alyssa: "Ay grabe. Ang bully mo."
Dennise: "Injured ako. Pagbigyan mo na."
Alyssa: "Sige na pagbibigyan na. Gusto mo pati puso ko ibigay ko na din sa'yo eh."
Sabi ni Alyssa tsaka kumindat kay Dennise at naglipat ng tingin papunta sa niluluto pagkatapos na pagkatapos.
Namula naman si Dennise sa kilig. Hindi niya na pipigilan. Nagkakagusto na talaga siya kay Alyssa. Dalawang araw pa lang silang magkasama pero nahulog na ang loob niya dito.
