SWK 14

6.9K 203 35
                                    

"Good afternoon, welcome to AV's coffee."

Lumingon si Alyssa sa pinto para tignan kung sino ang pumasok.

Gretch: "Hindi ko gets. Ni hindi mo nga sigurado na dito sa Manila nakatira yung nakilala mo sa Pulag, tapos sa tuwing may pumapasok dito sa coffee shop, feeling mo siya yun? Ano ka, hilo? Ikaw lang anak ng diyos? Nasa iyo ang lahat ng pagpapala?"

It's been days since Alyssa returned to Manila after her trip to Mount Pulag. She's currently with her friend Gretch, who is also her business partner, in her office at the coffee shop. Iniiwan niyang bukas ang pinto para maririnig niya pa din kung may problema sa labas. Pero sa ngayon, iba ang dahilan ng pagsilip silip niya sa loob ng shop.

Alyssa: "Tantanan mo nga ako."

Gretch: "Para ka kasing baliw. Isang linggo mo nakasama di mo nakuha yung apelyido."

Alyssa: "It was part of the deal, okay?"

Hindi man tinignan ni Alyssa si Gretch. Inaangat lang nito ang ulo sa tuwing may papasok sa loob ng shop para silipin kung sino ang pumasok. Umiinom lang ng kape si Gretch sa isang tabi habang tambak ang papeles sa ibabaw ng desk ni Alyssa.  

Gretch: "Ayan dami mo kasing alam. Nababaliw ka na tuloy kakahanap. Ano ba kasing pangalan, para matulungan kita?"

Alyssa: "Hindi na noh. Kilala kita."

Gretch: "Ano ka ba naman! Hanggang ngayon ba hindi pa tayo tapos diyan?"

Alyssa: "Hindi ko talaga makakalimutan yon noh! Biruin mong sa'yo ko lang naamin na gusto ko siya, tapos inagaw mo pa?"

Gretch: "Ewan ko sa'yo Alyssa. Hindi ko inagaw sa'yo yun, kasi hindi mo man lang nga makausap. Paano naging iyo, aber?"

Alyssa: "Kahit na. Bro code pre. Bro code."

Gretch: "Dami mong arte. Akala ko ba si Ms. Pulag ang destiny mo? Ano pa pinuputok ng butchi mo diyan?"

Alyssa: "Wala. Gusto ko lang ipamukha sa'yong walang kwenta kang kaibigan."

Gretch: "Gusto ka na ngang tulungan, wala pa ring kwenta. Bahala ka nga. Goodluck sa paghahanap!"

Tumayo na si Gretch pagkatapos ishoot ang basura niya sa trash can sa tabi ng pintuan ni Alyssa. Hindi pa rin siya tinitignan nito dahil nakatuon ang pansin ni Alyssa sa mga papeles na nasa lamesa niya. Madami siyang natambak na trabaho dahil sa isang linggo siyang nawala.

Alyssa only stopped working for a while and lifted her head to check who just came in when she heard the door bell ring.

"Good afternoon, welcome to AV's coffee."

Sinilip lang ni Alyssa ang pumasok at dahil hindi niya naman ito kilala ay binalik niya ang tingin sa papeles. Natawa na lang si Gretch.

Gretch: "So umaasa ka talaga ano?"

Alyssa: "Malay mo naman diba? Mabuti na yung nag-eeffort akong tumingin kesa dumaan siya tapos tinamad ako kaya hindi ko siya nakita."

Naupo ulit si Gretch at humarap sa kaibigan. Hindi ito nakatingin sa kanya pero alam niyang malungkot ito. Matagal na silang magkakilala ni Gretch, nung highschool pa. May isa pa silang kaibigan pero kasalukuyan itong nasa ibang bansa at nagkahiwa-hiwalay din sila nung college. Matapos gumraduate ay naisipan ni Alyssa magbukas ng coffee shop, at niyaya niya si Gretch dahil wala pa din naman itong ibang ginagawa sa buhay noon. The business was successful, kaya nakapagbukas pa sila ng ibang branches sa tulong ng ibang mga kaibigan ni Alyssa.

Someday We'll KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon