SWK 16

7.2K 221 20
                                    

"Wag hanapin ang pag-ibig, ito'y darating sa'yo." (Magmahal muli. Milby, Sam. 2005)

Sabi ng matatanda, kapag may nawawala kang bagay, wag mong hanapin. Madalas makikita mo iyon pag hindi mo siya hinahanap.

Pero paano kung may kumuha pala, kaya hindi mo mahanap? Paano kung habang hinihintay mong bigla mo na lang siyang makita, may naghanap na iba kaya nakuha niya na?

"Kung mahal mo, habulin mo, ipaglaban mo. Wag mong hintaying may magtulak sa kanya pabalik sa'yo. Hilahin mo. Hanggang kaya mo, wag kang bibitaw." (That Thing Called Tadhana. Castillo, Mace. 2014)

Ano ba talaga?

Hanapin mo? O hintayin mong mahanap ka?

Habulin mo? O hintayin mong bumalik sa'yo?

Paano kung kailan naghintay kang bumalik siya, hindi siya dumating?

Tapos paano kung kailan hinahanap mo siya tsaka siya bumalik kaya hindi kayo nagkita?

Salisi.

Paano kung nakatadhana pala kayong magkasalisi?

Nakatulala lang si Alyssa sa mga ilaw mula sa mga building at bahay na natatanaw niya mula sa kinauupuan niya nang biglang nakaramdam siya ng patak ng ulan.

Tumingala siya at nakaramdam pa ng patak sa noo niya naman pero hindi pa rin siya tumayo dahil naisip niya na baka ambon ambon lang at mawawala din iyon agad.

Pero biglang lumakas ito at nang tumakbo siya pabalik sa sasakyan niya ay basang basa na siya nang makasakay sa loob.

Hassle naman oh. Sa isip ni Alyssa.

Kinuha niya ang phone na nasa bulsa at pinunasan ito gamit ang panyo niya na nakatago sa sasakyan kung sakaling kailanganin niya nito. Kinuha niya na ang nakatago niyang tshirt, at nagpalit siya ng suot. Tsaka niya tinignan kung okay pa ang cellphone niyang medyo nabasa kanina.

Bumukas pa naman ito at nakita niyang may text si Gretch sa kanya. Sinabi nito kung saan siya kakain at kasunod nito, "Sumunod ka kung gusto mo. Ililibre pa naman sana kita kung um-oo ka kanina, kaso wala eh ang arte arte mo. Bleh."

Sasama na nga lang akong kumain dito sa baliw na to. Sa isip ni Alyssa.

----------

Ring ring ring

Kinuha ni Dennise ang cellphone sa bag niya habang tumatawa sa kwento ni Fille. Ilang minuto na mula nang nakarating sila sa restaurant at kumakain na sila pero hindi natigil ang kwentuhan.

Gretch: "Grabe ka. Syempre kabadong kabado ako nun."

Fille: "Bakit naman kasi kabadong kabado ka pa? Eh alam mo namang gusto na din kita nun."

Gretch: "Kahit na ba. Malay ko ba kung biglang magbago isip mo."

Fille: "So naisip mong kung baligtad yung tshirt mo, mas magugustuhan kita? Hahaha!"

Gretch: "Grabe! Ang tagal ko kasi namili ng susuotin non. Kaya nung nakapili ako, gahol na ko sa oras di ko napansin na baligtad pala suot ko dahil sa kaba."

Namumula na yung mukha ni Gretch. Parati talaga siyang nahihiya sa tuwing naaalala yung araw na tinanong niya si Fille kung pwede na ba siyang maging girlfriend niya.. pero ang unang naisagot ni Fille, "Baligtad ba yang tshirt mo?"

Fille: "Binibiro lang naman kita. Sobrang cute mo kaya nun. Kahit nakalimutan mo pang magpantalon o magkaiba sapatos mo, sasagutin pa din kita nun."

Someday We'll KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon