SWK 24

11.4K 239 60
                                    



"Kung hindi ka gutom, bakit mo pa ko niyayang kumain sa labas?"

Napaangat ang tingin ni Dennise kay Ella. Tila ba nainis pa siya dahil naistorbo siya sa pagkabusy niya sa pag-ikot ikot ng pasta sa tinidor niya.

Nasa isang restaurant sila ni Ella, restaurant na malayo sa condo ni Dennise, malapit sa condo ni Ella.

Oo, may condo na si Ella. Ilang buwan matapos niyang magsimula sa trabaho niyang bago ay nakalipat din siya sa condo niya na binenta ng kaibigan ni Gretch. Medyo may kalayuan sa condo ni Dennise dahil malapit sa work nga ni Ella iyon.

Ella: "Kanina mo pa pinaglalaruan yang pagkain mo. Aba, kung ayaw mo ibigay mo na lang sa akin kaya?"

Dennise: "Grabe, pang dalawang tao na nga yung inorder mo, gutom ka pa rin?"

Ella: "Hindi naman ako gutom, pero hindi pa ko busog. Tsaka kahit busog ako, kakainin ko yan dahil ayokong may nagugutom sa mundo."

Dennise: "Eh kakainin ko pa to. Kumalma ka lang kasi diyan."

Ella: "Alam ko naman kasing may problema ka na naman kaya mo ko niyayang lumabas."

Dennise: "Grabe ka naman. Di ba pwedeng namiss kita?"

Napataas lang ang kilay ni Ella.

Dennise: "Ibaba mo yang kilay mo, alam mo namang wala yang laban pag ako ang nagtaas ng kilay."

Binaba naman nga agad ni Ella.

Ella: "Okay, fine. Pero kasi ang ridiculous naman kasi ng sinabi mo. Alam ko namiss mo ko, pero hindi ka gagastos para ilibre ako ng pagkain kung wala kang problema na gustong pag-usapan."

Napabuntong hininga na lang si Dennise.

Dennise: "Okay, fine."

Binaba ni Dennise ang tinidor. Nagpunas si Ella ng bibig gamit ang tissue tsaka pinatong ang dalawang siko sa may lamesa at nilagay ang dalawang palad sa magkabilang pisngi.

Inirapan siya ni Dennise dahil alam niyang interesado na naman sa chismis si Ella.

Ella: "So? Si Alyssa ba?"

Dennise: "Oo na hindi."

Ella: "Hindi naman tayo nagred horse at sosyalin tong restaurant na to. Alam ko namang di ka nalalasing masyado sa wine kahit na iced tea lang naman itong iniinom natin. Pero bakit para kang lasing kausap?"

Dennise: "Eh hindi ko nga alam kung paano ipapaliwanag eh."

Ella: "Bakit, di niya ba sinusuportahan pag-aaral mo?"

Napangiti si Dennise sa tanong ni Ella.

Bumalik sa kanya ang isang alaala.

Flashback

Puputok na ang utak ni Dennise sa sobrang dami ng binabasa niya at nirereview. Kahit na gutom na ay tinatamad naman siyang lumabas para bumili ng pagkain, at wala naman siyang ready-to-eat na pagkain sa condo dahil inubos lahat ni Ella bago ito lumipat sa sariling condo.

Kaya nagpatuloy na lang siya sa pagrereview.

Hanggang sa nakarinig siya ng katok sa pintuan.

Tok tok tok

Nagtaka naman si Dennise dahil wala naman siyang ineexpect na pupunta. Kausap niya lang si Alyssa kanina at nasa shop pa ito dahil medyo madaming tao given nga na hell week ng karamihan ng universities at maraming mga studyante ang nagrereview or group study sa mga coffee shop.

Someday We'll KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon