SWK 27 - Final Chapter

6.8K 158 15
                                    

Walang imposible.

Ewan kung sino ang unang nagsabi niyan, pero hanggang ngayon maririnig mo pa rin yang sinasabi sa mga taong may mataas na pangarap at alam nilang malayo ang lalakbayin para ito'y marating.

Sinasabi din yan sa mga taong may gusto sa isang taong tingin nila ay di hamak na 'mas mataas' sa kanila, o kaya naman ay malabong magkagusto din sa kanila.

Walang imposible.

Kahit ano nga naman ay pwedeng mangyari diba? Sabi nga din nila, 'believe you can and you're halfway there'.

Kung ikaw nga naman mismo hindi naniniwalang pwede itong mangyari, eh wala talagang pag-asa.

Magsisimula ang lahat sa iyo.

Sabi nga sa kanta, 'there can be miracles when you believe'.

When you believe.

Believe.

Maraming pinaniniwalaan si Alyssa, pero ang hindi niya mapaniwalaan ay kung gaano kaganda si Dennise (hindi lang sa labas na anyo, kundi sa pagkatao) at kung ano ang nagawa niya sa buhay niya para madeserve ang katulad nito.

It's her hair and her eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I'm falling
Further in love
Makes me shiver
But in a good way

Yung ganda ni Dennise eh hindi pilit. Hindi niya kailangan ng makapal na make-up, o magarbong outfit, o mamahaling accessories. She's innately beautiful.

Di na namalayan ni Alyssa na nakatitig na pala siya kay Dennise ng matagal, narealize niya lang nang siniko siya ni Gretch na nasa tabi niya sabay sabing, "Pre, laway mo tumutulo."

Nagpunas naman siya kasi nga para siyang nasa isang spell sa ganda ni Dennise at tumawa si Gretch.

Nandoon na sila sa kasal ni Laura, naglalakad na ang mga abay habang may tumutugtog ng piano at may kumakanta. White and blue ang motif, ang magkakaibigan ay nakasuot ng mga medyo formal na damit.

Si Gretch ay nakasuot ng white na long sleeves polo at blue na chinos pero nakasuot ng boat shoes na dominant white din. Si Fille naman nakawhite na dress. Si Ella nakablue na blouse at white na pants.

Si Dennise nakasuot ng blue na dress na may topper na puti, at sandals na puti.

Si Alyssa nakaputing long sleeves polo din pero nakasuot ng cardigan na blue, khaki pants, at stan smith kasi wala siyang dalang formal na sapatos. Pogi pa rin naman daw eh.

Puno ng bulaklak ang lakaran, sa isle pati na rin sa sahig na binato ng mga flower girls sa kanilang paglalakad mula sa entrance hanggang sa may altar.

All the times I have sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair
And she purses her lips
Bats her eyes and she plays with me
Sitting there slack-jawed
And nothing to say

Nangiti na lang si Alyssa nang mapalingon din si Dennise sa kanya, siguro naramdaman na kanina pa may nakatitig sa kanya.

Ngumiti din si Dennise at natuwa siya nang makitang nakatitig si Alyssa sa kanya. Nakatayo kasi sila habang naglalakad ang mga abay sa kasal ni Lau at Von, nasa kabilang side sila nina Ella at Fille kasi sabi ni Ella, "Maghiwalay muna kayong magjowa para di kayo maglandi at umagaw ng spotlight nina Lau!"

Kumindat si Alyssa kay Dennise at namula naman ang huli.

Cos I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
Cos she's all that I see
And she's all that I need
And I'm out of my league once again

Someday We'll KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon