Prologue

13.1K 299 10
                                    

P L A C E: JAPAN

T I M E: 11:00 PM

"BANE"

"BANE"

"BANE"

Sigaw ng mga tao na nasa Underground habang hinihintay na magsimula ang pinakahihintay nilang laban. Tanging ilaw lang ng magagandang kotse ang pinagmumulan nang liwanag. Kitang kita ang pagka-excite ng mga tao. Sa kabilang banda naman ay naghahanda na si BANE.

"Kaya mo yan BANE, pabagsakin mo ang mayabang na yan" Sabi ni Armand habang hinihilot hilot ang braso ng magandang dalaga.

Si Armand ang tumatayong manager ni BANE. Siya ang nag aayos ng mga laban nito. Binigay na niya ang mouthpiece nito at tumungo na sa gitna si BANE.

Sa pagsigaw ng isang lalaki nagsimula ang laban.

Panay iwas lang si BANE na kinainis ng kalaban.

(Instant Translation from Japanese to Filipino)

"Ganyan ba BANE? Iiwasan mo lang ako? Napakahina mo naman pala" Sabi ng kalabang babae na nanggigigil na dahil hindi parin sumusuntok si BANE.

Ngunit isang nakakatakot na ngiti ang pinakawalan ni BANE na nagpanginig sa sistema ng kalaban.

Isang malakas na suntok ang kumawala mula sa kanan ni BANE. Mas lalong umingay sa Underground. Bumagsak ang kalaban at may naiwang dugo sa ilong nito. Sinugod ni BANE ang babae kahit hindi pa ito nakakatayo.

NO RULES. Ganyan ang underground boxing na hilig ng dalaga. Sunod sunod ang pagsuntok niya. Nung mapansing hilo na ang kalaban ay ngumiti na naman ito ng nakakatakot.

"Kilalanin mo ang pagmamayabangan mo" at sa huling pagkakataon ay sinuntok niya ito. Nawalan na ng malay ang kalaban.

"At ang nanalo, ang undefeated queen. The queen of Death, BANE" sa pagsigaw ng lalaki, naghiyawan ulit ang mga tao.

"The target is Mana Tsugani the Head of Drug Manufacturer in Japan. She's in the Private Spa in Samoa. Terminate her as soon as possible to dismantle easily."
Yan ang nakuhang text ni BANE mula sa secretary ni Mr. Kitagawa.

Mula sa Dracfield kung saan naganap ang underground boxing ay dumiretso na ito sa location ng target. Hindi na niya kailangan pang umuwi dahil may damit na siya sa kanyang kotse.

Bumaba na siya ng kotse at pumunta sa front desk.

"Miss, is the room 321 still available?" Inosente nitong tanung.

Walang alinlangan na sinagot naman siya nito. Sa inosenteng mukha niya ay hindi mo aakalaing kaya niyang gumawa ng mga bagay na hindi kayang gawin ng normal na tao.

"It is occupied by one of our VIP. Just choose another room madam" Nginitian na lamang niya ang babae at naglakad na ang dalaga papuntang elevator.

Sinigurado lang niya na nandoon nga ang target.

Pagbukas palang ng elevator ay sumalubong na sa kanya ang mga bodyguard ni Mana. Mahigpit ang hawak nila sa braso ni BANE, pero walang takot na nababakas sa mukha ng dalaga.

"You must be the Inheritor of Red Dragon. The largest and most powerful Mafia in the world." Tanung ni Mana na nakahiga sa kama habang hinihilot siya ng dalawang staff nung salon. Sinenyasan niya ang mga ito na lumabas. Tanging mga body guard lang niya na armado ang naiwan.

"Are you done? Are you ready to... die?" Isang nakakatakot na ngiti ang pinakita ni BANE na nagpanginig sa sistema ni Mana.

Pinakalma ni Mana ang sarili. "Don't be so confident kiddo. You can't kill me" Isang mas nakakatakot na ngiti na naman ang pinakawalan ni BANE.

Sa isang kisap mata hindi makapaniwala si Mana na napatumba na niya ang mga armadong bodyguard nito. Kumalat ang dugo sa buong kwarto.

Lumapit si BANE kay Mana. Pilit na inaayos ni Mana ang baril na hawak niya pero huli na dahil nasa harapan na niya si BANE.





"Noooooooo......"



"BREAKING NEWS. 4 MEN AND A WOMAN FOUND DEAD THIS MORNING AT SAMOA SPA. THE JAPAN POLICE ARE LOOKING FOR MORE EVIDENCE IN THIS CASE. UP NEXT...."

BANETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon