BANE - Fifteen

2.8K 111 1
                                    

KYOHEI'S POV

Nasa tuktok ako ng 18-story building. Dito ko sinet up ang mga baril ko. Mula sa kinauupuan ko, kinuha ko yung telescope sa kalapit kong table at nakafocus ang tingin kay BANE. Tumayo na siya at naglakad palapit sa target.

"BANE, anong gagawin mo?" Tanong ko. Nakaconnect kasi sakin yung sinuot niyang earphone.

Napatayo na lang ako sa upuan ko at tinanggal yung earphone. Zinoom ko yung telescope. Tama nga ako, sinira niya yung earphone kaya walang nagreresponse sa akin. "Damn BANE, anong plano mo?" sa gagawin niyang yan parang papatayin na niya ang sarili niya. Maraming armadong pulis ang nasa paligid. Mga 100 sila, wala pa yung mga napatumba kong 10 sniper kanina.

Nakakalungkot isipin na hindi siya nakikinig sa paalala ko...

"Kyohei nasaan na ba tayo?" tanong ni BANE. Habang naglalakad nakaalalay ako sa kanya dahil may blindfold yung mga mata niya. Nasa loob kami ng garden labyrinth nila. Mismong si Master Kitagawa ang gumawa ng design na ito. Naturo ko na kay BANE lahat ng nalalaman ko sa martial arts at Judo, master na rin niya ang paghawak ng mga baril. Ito na ang huli.

"Nasa last challenge kana BANE. Ang kailangan mo lang gawin ay hanapin ako." Sabi ko. Natawa naman siya.

"Yun lang pala eh! GAME." Nagsimula siyang maglakad pero natumba agad siya dahil tumama siya sa part ng labyrinth. Napailing na lang ako. "Aray! Loko ka. Hindi mo sinabing nasa labyrinth tayo" parang batang sabi niya habang hinihimas yung noo niya.

"That's the challenge. Use your senses. Wag mong ipahamak ang sarili mo. You can find me without hurting yourself" Sabi ko at mabilis na lumabas ng labyrinth. Pumwesto ako sa exit ng labyrinth. Bawat sulok ng labyrinth may camera kaya nakikita ko kung nasan na si BANE.

Nakatayo lang si BANE. Wala pa siyang 5 minuto sa loob ng labyrinth nagsimula na siyang maglakad. Hindi na siya tumatama sa labyrinth.

Paglabas niya ng labyrinth tinanggal niya agad yung blindfold at ngumiti sa'kin. Hindi ko maintindihan pero may kakaiba akong naramdaman. Parang lumiwanag yung mukha niya. Parang sasabog yung dibdib ko. Hindi ko alam kung anong words ang pwede kong gamitin para madescribe yung nararamdaman ko.

"Paano ba yan nahanap kita" sabi niya na nakangiti parin sa akin.

"Yeah. You got me" mukhang hindi niya narinig yun dahil inupakan na niya yung ice cream na hawak ko.

Doon nagsimula. Sa ngiting yun, ngiting nagpaliwanag sa mga mata ko.

Kaya kong isuko ang sarili kong buhay para lang iligtas si BANE. Kaya kong gawin yun kung kinakailangan.

Mabilis na naglakad si BANE papunta sa harapan. Tinutukan niya agad ang target. Nagulat ang marami, ang iba'y napasigaw pa. Mabilis ko namang shinot down ang kuryente sa buong kwarto para hindi na lumabas pa sa TV. Hinarangan ko na din yung frequency para sa internet at signal.

Parang hindi na naman si BANE ang nakikita ko.

Oo, sanay akong nakikita siyang may misyon pero hindi parin ako sanay na nakikita siyang nawawala sa sarili lalo na when she's in the mission. Parang mga takot na aso ang mga tao sa loob ng kwarto. Alam na siguro nilang makikita na nila si kamatayan.

Sinusubukan ko paring i-contact si BANE pero katulad parin kanina puro ingay lang ang naririnig ko. Ano ba kasing naisipan niya at tinapon niya yung earphone? Hays! Masisiraan na ako ng bait dito kakaisip kong paano siyang makakausap.

Teka? Oo nga pala.

Kinuha ko yung watch sa bag ko. This is also a pager connected sa watch ni BANE. I can send a message through this.

*toot* *toot* message sent

Napaupo na lang ako sa sahig habang nakatingin sa pager.

Isa isa ko na ding pinabagsak yung mga security na nakatutok ang baril kay BANE.

Nakatingin siya sa direksyon ko, alam niyang ako ang bumaril sa mga ito.

"BANE, Kaya kong pumatay ng kahit sino para lang sa kaligtasan mo. Kaya sana ingatan mo ang sarili mo."

BANETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon