BANE - Five

4.7K 156 3
                                    

KRIIIIIIIINGGGGGGG....

Pagkalabas ng professor namin ay inayos ko na agad ang gamit ko. Gusto ko na makauwi ng Mansion dahil magpapasama akong mag ikot sa kabilang City kay Kyohei.

"Sama ka sa amin Maizi." Sabi ni Sophie na nakatayo sa harapan ko habang hawak hawak yung pink niyang hermes bag. Si Ube naman nakasandal sa may table at nakatingin lang samin. Di ko pa nakikitang ngumiti ang Ubeng yan. Sayang yung maganda niyang mukha dahil lagi siyang seryoso pero dahil narin siguro sa kakayahan niya kaya ganyan siya makitungo sa iba.

She built a wall to protect herself.

"Saan ba? Don't waste my time. " kunwari kong pagtataray at sinabit yung backpack sa may balikat ko. Ngumiti na lang siya at hinawakan yung wrist ko. Nagsimula nang lumakad si Sophie kaya sumunod na lang ako. Si Ube naman sumunod na rin.

Paglabas namin ng school nakaabang na agad ang bodyguards ni Sophie. Isang government official ang Dad niya kaya ganyan ang seguridad kay Sophie.

Pumasok na kami sa kotse at sinalubong naman kami ng mga alagang aso ni Sophie. Yung isa Shih Tzu na black and white, yung isa naman may poodle mix.

Sa isang ice cream store niya kami dinala. Una na siyang pumasok, sumunod na lang kami ni Ube. Tumabi si Ube kay Sophie. Natawa na lang ako dahil tiningnan niya ko ng masama.

Naka order na pala si Sophie nung pumasok kami. Hindi ko talaga malabas ang 'bitch mode' ko pag kasama ko sila.

Maybe BANE is different from Maizi?

"Ayoko ng inorder mo" pagmamakdol ni Ube habang nakatingin kay Sophie.

"Ano ka ba, masarap yun." Tumingin siya sa akin "Hehehe.. hinulaan niya lang yung order ko" Ngumiti na lang ako. Hindi ata nasabi ni Ube na alam ko na ang tungkol sa sekreto niya. Mas mabuti na rin siguro na walang alam si Sophie.

Saglit lang kaming nagkwentuhan dahil dumating na ang inorder ni Sophie. It's an ice cream in a bowl with 7 scoops of different flavors. May mga chocolate syrup and chocolate chips din. Isa isa na kaming kumuha ng kutsara at tinikman yung ice cream. Kaming dalawa lang ni Sophie ang nakaubos dahil hindi nga gusto ni Ube yung flavor. Well, I feel heaven dahil doon sa ice cream. Dadalhin ko si Kyohei dito minsan para makapag relax siya.

Nagpaalam muna si Ube na pupuntang CR. Si Sophie naman naglalaro ng cellphone niya kaya inikot ko muna yung mata ko sa buong store. May ibang mga customer din na nandoon pero my instincts telling me na hindi sila good news. Mukhang pinag uusapan nila ako and I HATE IT.

"Grupong mayayaman at maarteng mga babae. Yung nasa gitna anak ng isang drug lord dito sa Marcota." Sabi ni Ube nung dumating siya. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Magaling talaga siyang bumasa ng tao.

"Ah! Oo pero tsimis lang yun Maizi" dugtong naman ni Sophie at siningkitan ng tingin si Ube.

"May iba pa ba kayong alam tungkol sa kanya or sa family niya?" Tumingin muna si Ube sa'kin bago siya sumagot at ibinalik din ang tingin doon sa grupong pinag uusapan namin.

"May casino sila sa kabilang City pero..." nilapit niya yung mukha niya sa'kin. Ngumiti naman ako. Alam kong naiinis siya pag ganoon ang ginagawa ko. "hindi ka makakapasok doon dahil ordinaryong estudyante ka lang. Tama?"

"Oo. Ordinaryong estudyante nga lang ako." Pangangasar ko at nakipagtitigan sa kanya. Palipat lipat naman ng tingin samin si Sophie. Hindi niya nakukuha yung mga sinasabi namin ni Ube.

Umiwas na ng tingin si Ube kaya mas natawa ako. Weak!

"Nakakaawa nga lang yang si Girl kasi minsan lang nandiyan yung dad niya kasi laging out of town. Ang usapan sa office ni Dad marami daw foreigner na kasyoso yan. Chinese, Japanese, Jellyfish hehehe joke" biglang sabi ni Sophie. Foreigner na kasyoso? Hmm... Mukhang may gagawin akong mission mamaya.

After nun, hinatid na ako ni Sophie sa Mansion, si Ube kasi may pupuntahan pa daw.

Pagpasok ko sa Mansion nakita ko yung maid na may dalang box. Lumapit ako sa kanya kaya napatigil siya at yumuko.

"Anong laman nung box?" tanong ko.

"G-galing po yan sa kwarto niyo Lady. Pinapatapon po ni Sir Kyohei." Sagot niya habang nakayuko. Binuksan ko yung box at puro vinyl disc ko ang nandoon. Bakit ipapatapon ni Kyohei?

"Ibalik mo sa kwarto ko." Sabi ko, sumunod naman yung maid. Papaakyat na ako sa kwarto sakto namang papalabas ng kwarto niya si Kyohei. Nakita niyang hawak parin nung maid yung box. Sinenyasan niya yung maid na umalis na. Hinintay ko na lang siyang magsalita.

"Akala ko kasi hindi kana nakikinig ng ganyang music" Panimula niya.

"Bakit itatapon? May problema ba?" tanong ko. Mukhang may hindi sinasabi si Kyohei sa'kin.

"Wala BANE. Basta wag kang makikinig ng music pag nasa bath tub ka. Okay?"

"Lagi ko namang ginagawa yun huh? Wala namang nangyayaring masama sakin." sagot ko. Since nasa Japan palang ako ganoon na ang ginagawa ko at wala pa namang akong naaalala na may masamang nangyari sa'kin. Ano bang nangyayari kay Kyohei?

"Basta. Hindi natin alam, baka napahamak kana pala. Mag ingat ka lang lagi." Sagot niya at akmang bababa ng hagdan.

"Bakit? May nangyari na naman ba na hindi ko natatandaan?" tanong ko.

"Wala. Gusto ko lang na mag- ingat ka." Sabi niya at ngumiti at nagpatuloy sa pagbaba.

"Teka lang Kyohei" humarap naman siya ng nakangiti. "Gusto mong pumuntang Casino mamaya?" tanong ko habang hindi mapigil ang kakaibang ngiti sa labi ko.

BANETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon