BANE'S POV
Inikot ko ang buong casino at may nakita akong hagdanan. Hindi masyadong pansinin yun. Parang hindi talaga siya para sa mga ordinaryong customer.
Dahan dahan akong umakyat. Bawat hakbang ay tinitingnan ko kung may makakakita sakin.
Sa 2nd floor ng Casino puro kwarto na. I tried to open the first room. Pagsilip ko may naglalampungan, mabilis ko namang sinara.
Naku naman BANE, buti na lang at busy silang dalawa sa isat-isa at di lang ako napansin. Naglakad ako palapit sa sumunod na kwarto. Pinakinggan ko muna kung may tao. Mahirap na.
"I heard nawala na si Mana. Malaking kawalan siya in our business." narinig kong usapan sa loob.
So tama nga ang hinala ko. Sila ang business partners ni Mana.
Binuksan ko ang pinto at good thing dahil hindi siya nakalock. Pagpasok ko tatlong matandang malalaki ang tyan ang dumungaw sa akin. Nakaupo sila sa single couch. Yung dalawa magkaharap tapos yung may pinakamalaki yung tyan yung nasa gitna. Merong dalawang bodyguards na nakablack tinted sunglasses na akala mo'y may araw pa.
"Ikaw ba yung stripper?" tanong ng isang bodyguard.
Stripper pala huh? Ngumiti na lang ako at kinuha yung upuan sa gilid at umupo sa tapat nila. Sa lamesa ko na rin pinatong yung paa ko para maiurong ko yung bread knife malapit sa'kin. Hindi nila yun napansin sa halip ay naghiyawan yung mga manyakis na matanda.
Kilala ko mga mukha nila, sila nga yung mga tumakas sa Japan na business partner ni Mana. Sino kaya ang uunahin ko sa kanila?
"Bakit di ka pa sumayaw?" tanong nung nasa kaliwa. Hindi parin ako gumagalaw mula sa pwesto ko. Nagtinginan naman yung bodyguards.
"I killed Mana..." I said. Nanlaki naman ang mga mata nila. Tinutukan naman ako ng baril nung dalawang bodyguard.
"Hindi ako lalaban pero kung balak niyo talaga akong patayin, payo lang, lagyan niyo ng silencer yang mga baril niyo. Ayaw niyo naman sigurong ma-issue itong casino at malugi di ba?" sinenyasan nung nasa kanan na matanda yung dalawa.
Naglakad papunta doon sa likod nung katapat kong matanda yung dalawang bodyguard. Magaling! Sila na rin ang humukay sa libingan nila.
Pagkalagay ng silencer tinutok ulit nila yung baril sa akin.
"Ikaw pala ang inheritor ng Red Dragon, BANE Kitagawa" tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
"Wag ka mag alala ipa-package ko na lang yung ulo mo papuntang Japan." Sabi ni tandang nasa tapat ko. Nginitian ko naman siya, yung ngiting katatakutan niya. Nakita ko sa ekspresyon niya na nagulat siya sa pagiging kalmado ko.
"Let's see kung kaninong ulo ang maiuuwi sa Japan pero bago yan, may kinalaman ba kayo sa pagkamatay ng mga anak ng ka-business partner namin?"
"Bakit naman namin gagawin yun? Tsaka kung kami man ang gagawa nun, wala ka ng pake dun." Sabi nung nasa kaliwa.
Tiningnan ko naman siya. Mabilis kong kinuha yung bread knife at bulls eye sa noo niya. Halata doon sa dalawa ang takot dahil napagalaw sila sa mga kinauupuan nila. Gulat naman ang makikita sa mga bodyguard dahil nanginginig na ang kamay nila.
"Eng. Wrong answer." Sabay balik ng tingin sa 2 pang matanda. "Pinagpahinga ko na siya dahil hindi ko gusto ang tabas ng dila niya" Sabi ko. Napalunok naman si Tandang katapat ko dahil sa takot "One down. 2 more heads." Sabi ko at ngumiti.
"K-kami nga may gawa ng mga yun." Pag amin nung nasa tapat ko. Bingo!
Una palang alam ko na, na sila ang may pakana. That's the same thing na nangyari nung una kong makaharap yung organization nila. They killed people then tatatakan nila ng mga letters to form a message. I also got the autopsy nung mga bata. Lahat sila may naka engrave sa balat ng KI/TA/GA or WA. Which means Kitagawa, my surname, my family.
Pumalakpak ako na kinagulat naman nila. "Very good. Thanks for the info." Sabi ko at ngumiti ulit sa kanila. That will be the last time na makikita nila ang ganyang ngiti.
I kicked the table infront of me kaya tumama yung dulo doon sa matandang katapat ko. Hindi siya makahinga dahil sa sikmura siya tinamaan. Yung dalawang bodyguard na nasa likod niya natumba sa magkabilang gilid. Mabilis kong kinuha yung isang baril at pinutok sa ulo ng isang bodyguard, lalabas pa sana yung isang matanda pero nahuli na siya dahil naasinta ko na yung bungo niya.
Naglakad ako palapit doon sa matandang nahihirapang huminga, tinitigan siya sa mata at ngumiti.
*WANG* WANG*WANG*
Pumikit na lang ako pagkapasok ko ng kotse. Si Kyohei naman nagsimula na magdrive. Di parin nagtatanong si Kyohei tungkol sa nangyari doon sa Casino.
"Wala kang iniwang proof?" Napamulat ako ng mata sa tanong niya.
Sa daan lang siya nakatingin at mukhang malalim ang iniisip. Sabihin mo naman yang laman ng utak mo Kyohei. Mas nakakatakot ka kasi pag ganyan ka.
"You know me. Hindi ako nag iiwan ng kalat. Wala ka na bang itatanung?" tumingin lang siya sakin saglit tapos bumalik na sa kalsada ang tingin.
This is my job, my resposibility. Anong gusto mong gawin ko? Isang bagay na obligado akong gawin... Isang bagay na gusto ko na ring tapusin...
———
Isang email ang pinadala ko kay Tanda ng makarating na kami sa Mansion. Sinabi ko lang yung nangyari sa Casino for sure bukas ng umaga tatawag yung secretary nun.
I laid myself on my bed at tinitigan ang kisame. Masyadong maraming nangyari ngayong gabi.
Nakakapagod.
Dahan dahan ko na lang sinarado ang mata ko at...
nakatulog.
BINABASA MO ANG
BANE
ActionMy name is BANE. When I was a kid, lagi akong nagtatanong kung bakit kakaiba ang pangalan ko. Ano bang meron sa pangalang ito? Dumating sa puntong natuto akong humawak ng baril at pumatay dahil kailangan. When it comes to battle, parang nawawala ak...