(Third Personal POV)
Nang makarating sa kwarto si BANE, kumuha muna siya ng vinyl disc at nagsimula na itong tumugtog. Binuksan rin niya ang gripo ng bath tub at kinumpas ang kamay sa hangin na parang isang conductor sa isang musical concert.
Nang mahubad ang suot na damit ay nilublub na niya ang sarili sa may bath tub. Sunod ang kanyang kamay sa pagkumpas ng kanta. Napatigil na lang siya at napamulat ng mata nang may marinig na kumakatok sa pintuan.
"pasok" sabi niya. Bumukas ang pinto at pumasok ang maid na nakayuko.
"Lady, nasa baba na po yung make up artist na pinatawag ni Sir Kyohei" nakayuko parin ito habang nagsasalita tila isang sumpa ang pagtingin kay BANE. Hindi lingid sa kaalaman nila ang mga nagawa ni BANE sa Japan.
"5 minutes at baba na ako" sagot ni BANE, yumuko naman ang maid kahit hindi niya kaharap si BANE. Nang makalabas ang maid, tumayo na siya at kinuha ang bath robe at sinuot, tiningnan ang sarili sa salamin bago lumabas ng kwarto.
Inayusan na ng make up artist si BANE. Kinulot na rin ang dulo ng buhok nito. Dahil sa mga nagiging mission ni BANE, hindi na siya nagkakaroon ng pagkakataong mag aral para mag ayos sa sarili. Simpleng pony tail at bun lang ang ginagawa niya sa kanyang mahabang buhok.
Matapos siyang ayusan ay dumiretso na siya sa kanyang kwarto. Sakto lang sa oras ng makatapos siyang magbihis. Isang black dress na long back, tube style na may see through ang suot niya. Kinuha muna niya ang gold earings at pair ng heels sa kanyang cabinet at bumalik sa salamin para tingnan ulit ang sarili.
Bago siya bumaba sa hagdanan ay sinuot niya na ang heels. Habang bumababa naman ay sinusuot na niya yung gold earrings.
"Wow. " bungad ni Kyohei kay BANE ng makababa ito sa hagdan.
"kailangan eh." sagot ni BANE na natatawa.
"Paano naman ako?" at inayos ni Kyohei ang suot na tuxedo. Nagsimula namang maglakad si BANE palabas ng Mansion.
"Same. Let's go" sabi ni BANE at dumiretso na sa labas ng Mansion.
BANE'S POV
"So that's the reason kung bakit tayo pupunta doon?" tanong ni Kyohei.
"Yeap. May nakapag sabi kasi sa akin. So I just want to confirm it, wala namang mawawala kung susubukan tsaka matagal narin akong hindi nakakapunta sa casino." sagot ko. Sana nga lang tama yung kutob ko.
Pagpasok palang namin sa parking lot ng Casino makikita agad ang mga mamahaling kotse na naka park. Mukhang big time talaga ang mga nandito. Papasok na sana kami ng humarang yung mga bouncer. Sobra kung mag check ng security pero okay lang dahil wala naman silang makukuha samin ni Kyohei, tanging martial arts skills lang ang dala namin.
Naghiwalay na muna kami ni Kyohei. Sa Roulette muna ako pumwesto dahil wala masyadong tao. 3 lang kaming nakaupo. Isang matandang lalaki na mga 50's ang age, at isang babaeng nasa tingin ko ay 30's. I place my chips on the table. Pinaikot na ng dealer yung wheel.
I'm going to win this game.
"The winner is the lady in black. Congratulations!"
After four more rounds ay umalis na yung dalawa dahil ubos na ang chips nila.
"I've been watching you the whole game. You're so great" Isang lalaki ang umupo sa tabi ko na may dalang two glasses of red wine. Inabot niya naman sa akin yung isa at kinuha ito.
"I know" sagot ko at ngumiti.
"I'm Cyrus... and you are?" Tanong niya.
Nginitian ko na lang siya. Kala mo madadaan mo ako diyan sa charm effect mo? Kahit na sa tingin ko ay 6'2 ka at maganda yang ngiti mo, pinarisan pa ng magagandang ngipin at yang light brown eyes mo na kung makatingin ay parang nakakapang akit, hindi parin uubra yan.
"Win this game and you will get my precious name" sabi ko at ngumiti. Ininom naman niya yung red wine na hawak niya at nag place na ng chips sa table.
All 1 na.
Tiningnan niya muna ako bago siya magplace ng chips. Pinaikot na ng dealer yung wheel.
And...
Bingo!
Lumapit ako ng konti sa kanya then I whisper "Nice to meet you Cyrus... " I chuckled at iniwan siyang di makapaniwala doon. He was about to grab my hand pero mabilis akong nagtago sa mga taong nasa paligid.
Natalo siya. Mali yung calculation niya kaya hindi sa nilagay niyang chip nahulog yung bola. Halatang hindi siya makapaniwala sa nangyari.
Well, enough for that. Kailangan ko ng hanapin yung nagtatagong daga na matagal ko ng hinahanap.
Better luck next time Cyrus...
BINABASA MO ANG
BANE
AzioneMy name is BANE. When I was a kid, lagi akong nagtatanong kung bakit kakaiba ang pangalan ko. Ano bang meron sa pangalang ito? Dumating sa puntong natuto akong humawak ng baril at pumatay dahil kailangan. When it comes to battle, parang nawawala ak...