BANE - Twenty Seven

362 19 5
                                    

Katok ni Kyohei sa aking pintuan ang nag pagising sa akin. Iniwan niya ang tatlong pirasong papel sa aking study table.

"Ha. ha. Funny" I rolled my eyes at lumakad paakyat ng hagdan "I need her background profile. Asap. Thanks" sabi ko at umakyat na.

Agad akong bumangon para tingnan yung laman ng mga papel.

Puro basic information ang nakalagay like her height, weight, blood type and achievements. May mga nakalagay din na articles about her partying, dumped some guys (well, I experienced it yesterday) and endorsements.

She is living a real celebrity life.

With three siblings, she's the oldest and no criminal records of their whole family.

Napaupo ako sa kama habang hawak ang mga papel. She is living a perfect normal human life.

Ako? Ito, tamang libangan ang pumatay at maging puppet ng pamilya ko. Ang mantra nga ni tanda, blood is thicker than water.

Iniwan ko na sa kama ko ang mga papel at dumiretso na sa bathroom. Today is my last day here sa mansion. I called Armand para maset niya yung laban ko sa Japan. Matagal tagal na din yung last na underground martial arts fight ko.

Nauna na kasi siyang umalis kaninang umaga dahil nagkaproblema sa isa sa mga trainees niya doon. Sumabay na din si Dad dahil may importante daw na meeting sila ni Tanda and need na personal pag usapan.

"My lady! Tatawagan pa lang sana kita. Hindi rin ako makapaniwala sa nangyari" bungad sa akin ni Armand. Anong sinasabi nito?

"Ano bang nangyari? Anong sinasabi mo? Tumawag ako para magpaset ng laban sayo."

Katahimikan lang ang sagot niya.

"A-ah! Sige. Ayusin ko yung laban mo. Uhm, about sa sinabi ko, hintayin mo na lang yung tawag sayo ni Head Master" ramdam ko ang pagiging seryoso niya kaya hindi na ako nagtanong pa. Binaba na niya yung tawag at may video call request na nga si tanda.

Bumalik ako sa study table ko at sinagot ang tawag niya sa laptop ko.

Hindi ito katulad ng mga tawag niya noon na ang bubungad sa akin ay pakikipaglandian niya sa kanyang secretaries.

Wala siya sa office niya.

T-teka...

Alam ko kung nasaan siya. Kabisadong kabisado ko ang lugar na yan. Kung tutuusin, parang naging play ground ko na yan nung nasa Japan ako.

Puting puti ang buong kwarto. Wala kang ibang makikita kundi metal chair na may straps na mas matibay pa sa balat ng kalabaw.

Torture room.

May sampung upuan sa loob ng torture room at lahat sila ay nakagapos at nakablindfold ang mga mata ngunit may isang imahe na kilalang kilala ko.

Siyam sa kanila ay puro duguan na dahil sa torture pero tanging siya lang ang walang bahid ng dugo sa katawan. Puro tangis na din yung iba ngunit siya ay kalmado pa din.

Napalunok na lang ako.

Hindi, baka magkapareho lang sila. Posible naman yun di ba? Magkaimahe ang dalawang tao? Oo, tama. Posible yun BANE.

"BANE." tumayo ang balahibo ko sa seryosong pag banggit ni tanda sa pangalan ko. Pinatanggal ni tanda yung blindfold nila upang makita nila ako mula sa malaking screen.

Mas lumakas ang tangis ng siyam. Napansin ko namang nagpapanic na siya.

"Marahil ay nagtataka ka kung anong nangyayari. Tingnan mo ang pinadala ko sayong email" sabi ni tanda.

Email thread ng nag ngangalang Mr. Tan kay...

Napatingin ako kay tanda.

"Tama ka. Email thread yan ni Michael. He is selling us." parang umikot ang paningin ko.

Hindi totoo 'to. Not by him.

"He sold you to our enemies BANE. Every single detail ng pagkatao mo, binigay niya." galit na sabi ni tanda sa akin.

Naririnig ko ang mga sinasabi niya pero walang pumapasok sa utak ko. Parang tumigil ang mundo. Napahawak na lang ako sa masakit kong ulo.

"Ahhhhhh!!!" Sigaw ko dahil sa matinding kirot ng sintido ko. Nagmamadaling pumasok sa kwarto ko si Kyohei. Nakahawak lang ako sa ulo dahil parang sasabog siya sa sakit.

"BANE? Nasan yung gamot mo?" nag aalalang tanong niya.

Umiling na lang ako kay Kyohei.

Hindi. Hindi ko na iinumin yang lason na yan. Patuloy pa din sa pagsakit yung ulo ko pero kailangan kong tiisin ito kung hindi wala na naman akong maaalala.

"K-kelan pa?" Nanghihinang tanong ko. Nasa tabi ko lang si Kyohei habang nakahawak siya sa likod ko.

"For 2 years, I guess? Pinasubaybayan ko siya dahil may mga unrecorded transactions siyang ginawa at hindi nga ako nagkamali..." Walang emosyon na sagot ni tanda.

Kaya pala. Sa mga panahong yun, naging busy na siya. Doon din nagsimula na mag away sila ni mom.

Kaya pala.

Nawala na yung bonding namin. Kaya pala nagbago na siya.

Pero bakit? Anak niya ko 'di ba? Akala ko ba ang mantra ng pamilya na 'to ay blood is thicker than water?

Kaya nga hindi ako makawala sa kanila di ba? Kasi inuuna ko sila pero bakit? Bakit siya pa ang gumawa nito sa akin? Sa amin? Sa pamilya niya?

"Why?" Mariin kong tanong habang nakatingin sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at nagsmirk.

"Why would I give a damn about you? You're his favorite. You stole it from me..." sabay turo kay tanda "Everything I have done for this company, for this family, parang wala lang because of you. Ginawa ko naman lahat ng gusto niya pero bakit ikaw pa din ang magmamana ng Red Dragon? Buong buhay ko binigay ko dito pero wala pa ding silbi dahil sayo BANE..." Galit na sabi niya.

"You know kung anong pinagsisisihan ko? Not killing you when I have the chance na magkasama tayo diyan" isang malakas na suntok ang lumapat sa mukha niya mula kay tanda.

"You're a disgrace to this family" tumatawa lang si dad or should I say Michael?

"I..." napabalik naman sa akin ang atensyon ni tanda.

"I will kill him. Let me kill him" walang emosyon kong sabi habang nakatingin sa mga matang katulad ng sa akin.

"You can't do it BANE. Blood is thicker than water remember?" natatawang sabi ni Michael.

"You are no longer part of my family" I said while showing my deadliest smile. Napalunok naman siya sa sinabi ko.

"BANE..." Napalingon ako kay Kyohei na nasa tabi ko. Nakatingin lang siya sa mata ko na may halong lungkot. Darating din ba yung panahon na pati siya kailangan kong patayin?

Susubukan ba niyang itulak ako sa sarili kong hukay at talikuran ako?

Pinabalik ni tanda ang blindfold nila at umalis siya sa torture room.

"BANE, you will stay there as long as maayos na ang evacuation plan. As much as possible, isolate yourself. No contact sa labas. Kahit sino, kahit kanino. Hayaan natin na isipin nila na wala na kayo diyan. I will do the rest dito sa Japan. Kyohei, tatawagan kita para sa magiging plano." Sabi ni tanda at nawala na siya sa screen.

Tutulungan sana ako ni Kyohei papunta sa kama ko pero pinigilan ko siya. I also asked him to leave me alone. Sumunod naman siya nung nakita niya akong nakahiga na sa kama at nakapikit na.

First, unidentified killer ng tatay ni Sophie.

And now, my biological father selling me because he's jealous of me?

Wow.

Ano pang dadagdag? Alam na kaya ni mom itong nangyari?

I just close my eyes and tried to sleep to escape my misery.

BANETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon