BANE - Twenty Three

1.9K 63 4
                                    

After ng cremation ni Mr.Wilson, umalis na si Sophie papuntang Canada. She's going to stay there with her mom and doon na rin siya magpapatheraphy.

Pagpasok ko ng classroom nakaupo lang si Violet habang nagbabasa ng libro tungkol sa mind reading.

"Kelan ka pa nagkainteres na magbasa ng ganyan?" I asked. Simula nung umalis si Sophie kaming dalawa na yung laging magkasama.

Sa loob ng isang buwan simula nung umalis si Sophie, kami na yung naging magkasama ni Violet. Next week pa ang alis ko pabalik ng Japan pero hindi ko pa nasasabi sa kanya. Pinayagan ako ni tanda na magstay muna. Kinausap kasi siya ni Michael na isasabay na lang ako sa pagbalik niya doon which is next week na nga.

"Finding a new way to read you" Yeah, umamin siya sa akin na gusto niya akong mas makilala dahil ako daw ang lagi niyang kasama. Napangiti na lang ako sa sinabi ni Violet.

She's the first person na nagparamdam sa akin nito. Yung feeling na gusto talaga akong makilala, yung willing malaman kung ano ang bumubuo sa pagkatao ni BANE hindi ni Maizi.

After class, niyaya ko si Violet sa pagmamay-ari naming shooting club. Kasama namin sina Armand, Kyohei at Cyrus. Yeah, unfortunately kasama si Cyrus. Lately, mas naging nakakairita na siya.

"So mahilig ka pala sa baril?" Tanong niya sa akin habang inaayos ko yung baril na hawak ko.

"I love them" I answered and smiled at her.

Hindi naman siguro masama kung bibigyan ko ng chance si Violet na makilala ako as BANE? And hindi naman din siguro masama kung bibigyan ko ang sarili ko ng chance para i-share sa taong ito kung sino talaga ako.

"Kamusta na pala si Sophie?" after kasi nung umalis si Sophie, wala pa kaming balita sa kanya. Ayaw daw niya kaming harapin hanggat hindi pa daw siya okay, yun ang sabi ng mommy niya.

"Ganun pa din. Ayaw pa rin tayong makausap pero sabi ni Tita she's doing great naman na sa therapies niya." Tumango naman ako after hearing what she said. I'm excited to finally meet again yung Sophie na nawala.

"Tikman mo to Maizi, favorite ko 'to" sabi ni Cyrus at nilagay ang isang square ng lasagna sa plato ko.

"I can get my food." sagot ko. Nakita ko namang ngumisi si Kyohei sa sinabi ko.

"How many times should I tell you na mas nagugustuhan kita pag nagtataray ka sa'kin?" sabi niya ng sobrang nakangiti. Nabilaukan naman ako sa sinabi niya. Mas naging prangka na kasi siya lately.

"Ahem! Para akong nasa rom-com movie" Sabi ni Armand. Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso na sa pagkain.

"Violet, susunduin ka pa ba ng daddy mo?" tanong ko habang kinakain yung lasagna na binigay ni Cyrus. Masarap nga siya!

"Yeah, actually nasa parking lot na daw siya so I have to go" sabi niya at tumayo na.

"Text me when you're with your dad" sabi ko sa kanya nung patayo na siya.

"Eww. So clingy" sabi niya na nagpatawa naman sa'kin. Sinamahan na siya ni Kyohei papuntang parking lot. Simula kasi nung may nag pakita daw na matanda sa kanya sa stoplight, ayaw na niyang naiiwang mag isa na naglalakad sa public place.

XXX

"Madam, I contacted Michael. He said that they will be here next week."

"Good. How about that girl?" Sabi ko at inamoy ang wine na hawak ko.

"Don't worry madam. She's being followed by team osami"

BANETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon