BANE - Twenty Six

441 19 2
                                    

Pagkatapos kong patayin si Mr. Wilson at asawa niya ay iniwan ko na si Kyohei para linisin yung kalat, nagpalit na ako sa kotse ko at dumiretso ako dito sa usual ice cream store na tinatambayan namin nila Violet at Sophie dati. I wonder kung ano na kayang nangyari kay Sophie.

Is she getting better? I still don't know kung sino ang pumatay sa tatay niya.

I was about to put my phone sa table after ko itext si Violet para samahan ako dito ng may biglang kumausap sa akin.

"Hi? I know it's weird because you don't know me and I don't know you as well pero can I sit with you for a minute?" Sabi ng nakangiting babae na nasa harapan ko. Tumingin ako sa paligid pero bago pa ako sumagot ay umupo na siya sa bakanteng upuan na nasa harapan ko.

"I know this is crazy pero..." binaba niya yung sunglasses na suot niya and nilapit niya yung mukha niya sa akin para marinig ko ang bulong niya "someone will approach us but please sumakay ka na lang muna ha?" I'm still clueless sa anong sinasabi niya ng biglang may dumating na lalaki sa table namin.

He's panting. Mukhang hinahanap niya talaga 'tong babae.

"So lagi na lang ba tayong ganito ha? Lagi mo na lang akong tatakbuhan? You can't just ignore my calls and texts" sabi ng lalaki na mukhang galit na.

"I told you Patrick, we are so over." at hinawakan niya yung kamay ko "Can't you see? I'm with my girlfriend so fuck off" sabi niya at tumingin sa akin ng nakangiti.

So kanina ang drama na napanuod ko is between a bastard husband and so-called weak turned to witch wife tas ngayon naman ito? AWESOME. DAY. BANE.

Give me a break. This is my place to relax. For Pete's sake.

"Don't fool me babe. I know you. Y-you... this is bullshit you know. Whatever. Babalik ka din sa akin and you will regret this." sabi ni Patrick and I just let my awkward smile go away to my face.

Sinundan ng tingin nung babae yung Patrick palabas ng store bago niya bitawan yung kamay ko.

"Did you see his fuckin' face? So funny" Tumatawang sabi niya.

"I'm really sorry for the inconvenience Miss?" she asked.

"Maizi." cold kong sagot. Nasaan na ba yung Ube na yun? Kung nandito na siya kanina pa hindi mangyayari tong drama na ito.

"You really save me from that a-hole" sabi niya at ngumiti.

"You should have told him the truth. You can't just use someone like that." emotionless kong sagot. Bigla namang nalungkot yung mata niya. Oh, come on!

"I know. My mistake. But, hindi niya ako titigilan kahit sabihin kong ayoko sa kanya. Susunod at susunod pa din siya." Napatingin ako sa likod ng babaeng nasa harapan ko. Sa wakas. Ube is here.

When she saw Ube, binalik niya din yung sunglasses niya "I really appreciate your help Maizi. By the way, Zadie is the name. See you around" sabi niya and she patted my hand, nod and smiled to Ube na nafreeze sa harap ng table namin.

"What? Sundan mo na lang kaya siya? Kung makatingin naman 'to. Bat ang tagal mo?" Mataray kong tanong kay Ube at umupo na siya sa upuan na iniwan ni Zadie.

"Maizi, what happened? Bakit kasama mo si Zadie?" nagtatakang tanong niya. Napakunot noo naman ako sa tanong niya.

"Why? Mas importante pa ba siya sa natutunaw kong ice cream?" tanong ko at bumalik na ulit sa pagkain ng coffee crumble na order ko. She get her phone at parang may tinatype siya at pinakita sa akin ang Wattgram account ni Zadie.

Professional Model. Featured sa isang sikat na clothing brand sa New York. May 15 Million Wattgram followers.

Wow. Sikat pala siya. But still, I don't care.

"Kakapost lang niya last night na babalik siya dito sa Marcota. Don't tell me hindi mo siya kilala?" Nagtatakang tanong niya habang nilalantakan yung bagong dating niyang ice cream.

"Nah. It's not my thing na maghintay ng update about sa buhay ng iba." I said with a smirk.

"Well, it's not my thing also." natahimik na lang kaming dalawa. We both knew na si Sophie ang updated sa mga ganyang bagay. Maybe because they are bestfriends, nakuha na niya yung lifestyle ni Sophie.

"Anyway, anong oras yung flight mo tomorrow pabalik ng Japan?" halata sa mata ni Violet na malungkot siya. Sino ba namang matutuwang maiwanan sa pangalawang pagkakataon? Una, si Sophie yung umalis. Ngayon naman, ako.

Pero ano nga ba yung mas malungkot?

Ikaw na aalis kahit ayaw mo o ikaw na naiwan at naghihintay kung kelan ka babalikan?


"Around 4 pm but aalis ako sa bahay by 2. May dadaanan pa kami ni Kyohei eh." sagot ko.

Pagkatapos naming maubos yung ice cream, dinaan ko muna si Violet sa bookstore. May kailangan lang dawd siyang bilhing libro then magpapasundo na lang daw siya sa dad niya.

Pagdating ko sa mansion, nasa sala si Kyohei. May binabasang papers. Umupo ako sa sofa at napatigil naman siya sa ginagawa niya.

"Hey, may kilala ka bang Zadie? Model? New York? Ring a bell?" tanong ko. 5 years din kasing nagstay si Kyohei sa New York and I don't think na coincidence yung nangyari kanina.

"Hmm... I think I heard about her. Why? Magchange career ka na ba pag dating natin sa Japan?" tumatawang tanong niya.

"Ha. ha. Funny" I rolled my eyes at lumakad paakyat ng hagdan "I need her background profile. Asap. Thanks" sabi ko at umakyat na.

"Yes master" halata sa boses niyang nakangiti siya. I just closed the door at humiga sa kama ko.

I just need to be careful.

My instincts telling me there is something about her.

"I told you Patrick, we are so over." at hinawakan niya yung kamay ko "Can't you see? I'm with my girlfriend so fuck off" sabi niya at tumingin sa akin ng nakangiti.

Maybe I know her in my previous life?

Maybe I killed her?

Maybe she's one of my enemy?

I don't know.

Zadie? Who are you?

Why now?

What do you want?

---------------------------------------------------

Good day!

I know, I know. Ang tagal akong nawala. But I'll try na magpost ng update everyday since ECQ. Hoping na samahan niyo pa din si BANE hanggang dulo.

with love,
Evidxx

BANETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon