BANE - Ten

3.8K 122 3
                                    

Cyrus' POV

Nagtago muna ako sa likod ng isang babae. Paikot ikot lang yung mga mokong habang hinahanap ako. Psh. Weak! Nang makaalis na sila...

"Salamat sa tulong mo" sabi ko at kinuha yung kamay nung babae. Mukha namang nawala siya sa sarili niya dahil sa ginawa ko. Iba talaga ang karisma mo Cyrus. Tsk! Pogi na yummy pa.

Bakit kasi di ka na lang mag artista? Pero dahil nga sa mabait ako hayaan na lang natin sila sa Showbiz. Baka malaos sila pag nakilala ako. Yeah boy! *winks*

Dire-diretso lang ako ng lakad. Sinuot ko ulit yung shades na hawak ko. Lahat ng madadaanan kong babae nagtitinginan. Relax lang mga girls. Feel free to watch me just don't bite me. Fafa Cyrus at your service!

Pumasok ako sa isang store at bumili ng ilang damit. Ipapadeliver ko na lang ito sa Condo na tinutuluyan ko. Kinuha ko naman yung cellphone kong kanina pa tumutunog. Si Matt parin yung tumatawag.

"Ano bang-"...kailangan dapat yung kasunod na sasabihin ko pero pinutol niya na ako.

"BALIW KA CYRUS!! ALAM MO BANG SA AKIN KA HINAHANAP NI TITO ANTON? NOONG ISANG LINGGO KA PA PALA DITO SA MARCOTA PERO HINDI KA DUMIRETSO SA BAHAY NIYO.HINAYUPAK KA!!!! BAKIT KASI NAGKAROON AKO NG PINSANG ABNORMAL"

"Tsaka mo ko tawagan pag hindi kana nakasigaw" sabi ko at pinatayan siya.

Lokong Matteo yun, sakit sa tenga ng boses. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang tumunog ulit yung cellphone ko. Sinagot ko naman pero hindi ko muna nilagay sa tenga ko.

"Nasan ka ba kasi? Alam mo bang binigyan na ng taning ni Tito Anton ang buhay ko kung di ka pa pupunta sa Mansion niyo?" natawa naman ako sa sinabi niya. Lakas din ng takot nito kay Dad. Umupo muna ako sa isang bench.

"Malapit lang naman ako sa Marcota, ilang steps lang nandiyan na ako." sabi ko at tinanggal yung shades na suot ko at kinindatan yung dalawang chix na nasa harapan ko na kanina pa nakatingin sa'kin. Nagtawanan naman sila habang nagbubulungan.

"Bakit kasi di ka dumiretso dito? Lagot ka talaga sakin pag nakita na kita. Yung mga bodyguard mo kahapon ka pa hinahabol." muntik na nga nila akong makita kanina buti na lang nakapagtago ako.

"Nagiikot ikot lang naman ako tsaka baka may mahanap na akong lead kung nasaan si BANE. The last info I got is she's back here in Marcota. Gusto ko na siya makita ulit. Sige na, call you later." sabi ko at binabaan siya.

Nilapitan ko naman yung dalawang babae. Magsasalita sana ako ng magsalita yung isa.

"Hi pogi" kumindat naman ako paglapit ko sa kanila at kinuha yung iced coffee na hawak niya.

Nagtawanan naman silang dalawa. Napatili sila sa sumunod kong ginawa.

"How dare you? Louis Veit itong damit ko. Ugggh!!!" Binuhos ko kasi sa kanya yung iced coffee. Nakita ko kasi kung paano niya saktan yung maid na kasama niya. Wag ganun!

Hindi talaga mabibili ng pera ang ugali.

Patuloy lang sa pagtili yung babae. Sakto namang dumaan yung isang bodyguard ko.

"Nandito si Master..." sigaw niya sa mga kasama niya. Tinulak ko yung dalawang maarteng babae doon sa mga mokong na bodyguard ko para makatakas.

Lumabas na ako ng mall at sumakay sa kotse ko. Dumaan na ako sa one way para di nila ako masundan. Buti na lang walang dumaan.

*Calling Armand*

"Hello? Talaga? Sige... be there at 10." sabi ko at tinanggal yung wireless headset sa tenga ko. Dumiretso na ako sa lugar na sinabi ni Armand.

———

BANE'S POV

Arrgh! Ang sakit ng ulo ko. Bigla ba naman akong nagising. Bwiset na Armand ito. Bigla ba namang pumasok sa kwarto ko at dinaganan ako. Tapos nung hindi niya ako nadaan sa ganung paraan pilit niya akong pinabangon, pinasok sa shower at binasa. Tinatanong ko kung saan kami pupunta, hindi naman sumasagot.

"Hoy, alam mo ba kung saan tayo pupunta?" Inis na tanong ko kay Kyohei pero mukhang di niya rin alam. Napataas na lang ang kilay ko ng tumigil kami sa isang gym. Baliw itong si Armand, dito lang pala.

"Sana sinabi mo na lang na dito tayo pupunta para naayos ko yung isusuot ko." T-shirt at short kasi ang suot ko, ang pangit naman ata kung ito gagamitin ko. Duh!

"Don't worry may binibenta naman silang sports clothes diyan sa loob" sabi niya at inakbayan si Kyohei.

"Basta ba pera mo" natatawang sabi ko at sumunod na sa kanya papasok.

Kinausap na ni Armand yung receptionist at binigyan niya kami ni Kyohei ng damit.

Sando at short for Kyohei and sports bra at yoga pants yung sa akin. Ano kayang itsura ni Kyohei sa ganitong damit? Mehehehe...

Utak mo BANE... utak mo!!!

"Dito muna ako sa rowing machines" sabi ni Armand. Tumango na lang ako at pumunta sa CR. Di muna ako pumasok ngayon, bahala na si Kyohei gumawa ng excuse.

Paglabas ko ng CR pumunta na ako sa treadmill, nilagay ang headset sa tenga at doon nagpapawis ng konti.

Napatingin na lang ako sa lalaking tumabi sa akin sa treadmill. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon.

"Hi!" Nakangiti niyang bati pero di ko siya nginitian. Umalis lang ako sa treadmill at umupo sa isang couch sa tapat ng treadmil. Sumunod naman siya.

"Do I know you Mister?" mataray na tanong ko. Natawa naman siya sa tanong ko.

"Ang sakit naman ng sinabi mo" at umarte siya na parang nasasaktan. "Kinalimutan mo agad ang gwapo kong pangalan. Well, Cyrus at your service madam" Hindi ko naman talaga siya nakalimutan tsaka imposible yun kasi nagagandahan ako sa ngiti niya at dimple. Trip ko lang talaga na sabihing di ko siya kilala.

"Ah! Yes, yes. Cyrus yung natalo ko sa Casino right?" at humawak ako sa ulo ko. "Pasensya na, di ko kasi tinatandaan yung mga taong di ako interesado at weak." sabi ko at ngumiti.

"Ouch! You hurt my feelings dear. By the way, lagi ka ba dito?" di ko na siya nasagot dahil napatingin na ako kay Armand at Kyohei na palapit sa amin.

"Magkakilala na pala kayo" Sabi ni Armand at nakipagkamay kay Cyrus. I furrowed my brow in thought. 'Magkakilala sila?'

"Sino ba siya Mand?" tanong ni Kyohei.

"Isa siya sa mga naging trainee ko sa Japan. Tinawagan ko siya kanina para ipakilala sa inyo since gusto niyong lumaban ulit. Marami siyang kilala dito." Sabi ni Armand. So galing palang Japan itong si Cyrus.

"Actually, hindi ko pa kilala itong magandang babae sa harapan ko eh!" Sabi niya ng natatawa. Naningkit naman ang mata ni Kyohei ng tumingin sakin. Nagkibit balikat na lang ako.

"Siya pala si BA---" pinutol ko na siya. "Just call me Maizi" Sabi ko. Binigyan ko naman ng mamaya-ko-sasabihin-look si Armand. Nakuha naman niya agad. Mas maganda ng Maizi ang alam niyang pangalan ko kesa sa may makaalam na BANE ang tunay kong pangalan. Sigurista ako, mahirap na.

"So, Maizi pala ang pangalan mo." Sabi niya at ngumiti sa akin.

Napatingin na lang ako kay Kyohei. Mukhang hindi sila magkakasundo.

BANETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon