Isang linggo na akong nasa Marcota. Isang linggo na pero wala parin akong makuhang lead sa mga batang pinapatay. I'm starting to hate myself dahil wala akong magawa.
"Lady narito na yung mga dapat mong ipasa para makahabol ka sa school mo" sabi ni Kyohei ng pumasok siya sa loob ng kwarto ko habang busy akong nakatingin sa laptop.
"Ano ba yang tinitingnan mo?" tanong niya at tumabi sakin.
"Pinag aaralan ko lang yung case nung mga batang pinatay. May hinala akong hindi lang isang tao ang gumawa nito, baka mga seven... to ten sila." he pats my head then tumayo siya.
"Okay. Basta wag mong pagurin ang sarili mo. Kung may kailangan ka nasa katabing kwarto lang ako" sabi niya at ngumiti. Nginitian ko na lang siya bago umalis at binalik ang tingin ko sa laptop.
Hindi nangingialam si Kyohei sa mga mission ko. Mas gusto ko na wala siyang pakialam kesa manghimasok siya. Ayokong nakikialam siya sa plano ko.
On the nth time I examined again the pictures. "Zoom" I said. Automatic namang nag zoom yung mga pictures. May japanese letter na nakatatak sa kamay nung bata. It's WA in english. Nag scan ako ng another picture... meron din siya pero sa hita naman nakalagay. This time it's KI. Tiningnan ko pa yung ibang picture pero hindi na masyadong makita.
Lumabas ako ng kwarto at kinatok si Kyohei. "Bakit? May problema ba?" Tanong niya ng buksan ang pinto.
"Dalhin mo ko doon sa katawan ng mga batang pinatay" Sabi ko habang nakatitig sa mata niya.
Nang makarating kami sa hospital, kinausap ni Kyohei yung isang doktor bago kami pumasok. Sinuot muna namin yung hospital clothes na binigay. Kami lang ni Kyohei ang naiwan sa loob.
Sinimulan ko na lapitan yung bangkay. Tiningnan ko yung magkabila niyang kamay pero walang tatak na katulad doon sa nakita ko. Tiningnan ko rin ang ibang parte ng katawan niya pero wala rin.
Napatingin na lang ako kay Kyohei. Alam niyang nadismaya ako dahil wala yung hinahanap ko. Tinakpan ko na yung mukha nung bata at lumabas na kami ni Kyohei ng Hospital. Hanggang sa makasakay na kami sa kotse ay hindi parin mawala sa'kin yung itsura nung bata.
"Sometimes things happen for a reason" napatingin ako kay Kyohei sa sinabi niya.
Kung ganoon nga, ano namang dahilan nila para ganoong kabrutal ang pagpatay nila sa batang yun? Mukhang pinahirapan talaga siya bago patayin. Pinikit ko na lang ang mata ko at hinintay na makauwi...
Naramdaman ko na lang na buhat buhat ako ni Kyohei at nilapag niya ako sa kama. Nang marinig ko na sinarado na niya ang pinto ng kwarto ko ay saka ko binuksan ang mata ko at tumayo. Naglakad ako papuntang CR, binuksan ang gripo sa bath tub, kinuha ko yung disc ni Mozart na nasa bookshelf at nilagay sa disc player bago humiga sa bath tub.
This is my way to relax. Tanging yung music lang ang naririnig ko... Para akong lumulutang sa hangin habang nakikinig...
"Lady BANE" sabi ng isang babae. Nasa garden kami ng bahay. Parang isang paraiso ang lugar na to.
Nakikita ko ang sarili ko habang masayang nakikipagtawanan sa mga helper sa Mansion. Ang batang ako. Sumasayaw pa ako parang isang ballerina. Nakakatuwa. Lahat sila masaya at giliw na giliw sa batang ako.
Nasan na sila ngayon? Bakit wala na sila sa Mansion? Hindi sila yung mga kasama ko ngayon sa Mansion.
Naglakad ako palapit sa kanila pero isa isa silang natumba. Napalingon na lang ako sa likod ko dahil sa putok ng baril. May baril siyang hawak pero... hindi ko makita ang mukha niya. Sinusubukan ko siyang lapitan pero hindi ko magalaw ang mga paa ko. Nakita ko na lang na naliligo na sa sarili nilang mga dugo ang kaninang masasaya nilang mukha.
Hinahanap ko ang batang ako pero hindi ko siya mahanap. DUGO... puro dugo ang nakakalat sa Mansion. Ang paraisong nakita ko kanina ay nagbago. Naging isang nakakatakot na lugar na ito.
"Maawa ka... Wag mo kaming patayin.. Parang awa mo na" Nakatingin lang ako sa kanila, puro sigaw lang nila ang naririnig ko. Sino sila? Anong nangyayari?
"BANE....BANE..." dumilim ang paligid hanggang sa...
"Wake up BANE!" Naramdaman kong may nakahawak sa pisngi ko. Inikot ko ang paningin ko. Nasa kama na ako at nakasuot na ng bath robe.
"Kyohei?" yan na lang ang lumabas sa labi ko. Pakiramdam ko sobra akong nanghina sa mga nakita ko. Parang totoo... parang sa harap ko talaga nangyari... Hindi ko mapigilang hindi umiyak sa mga braso niya.
Bakit ganoon na lang yung epekto nun sa akin?
"Shh...You're safe now." Yan ang narinig kong sinabi niya. Hindi umalis ng kwarto ko si Kyohei hanggang sa maging okay na ako.
"Ako na bahala dito" seryosong sabi niya sa maids, lumabas naman ang mga ito.
"May nakita akong mga tao. Masasayang tao. Nasa garden sila Kyohei, kami. Nandoon ang batang ako nakikipagtawanan sila sa'kin." Sabi ko. Kinuha niya yung upuan at naupo sa tabi ng kama ko. "Pero may pumatay sa kanila."
"Sinabi ko sayong wag mong papagurin ang sarili mo. Paano kong hindi kita pinuntahan? Edi sana nalunod kana sa---" Halata sa boses niya na galit siya.
"Alam ko naman yun Kyohei. Pero..." Nakatingin lang ako sa mata niya. Mga matang may pag-aalala "Sorry..." sabi ko "Pero sino sila Kyohei bakit ganoon ang nakita ko? Parang totoo..."
"Where is your vitamins? Iniinom mo ba yun?" Tanong niya. Umiling na lang ako bilang sagot. These past few days nakakalimutan ko dahil seryoso ako doon sa mission.
Binuksan niya yung cabinet na nasa gilid nung kama ko at binigay sakin yung vitamins ko. Since bata ako tina-take ko na ang vitamins na ito. Every time na nakakalimutan kong inumin ito, may kung anong bagay ang nangyayari sa'kin. Yung nangyari kanina ay isa lang sa mga yun.
"Matulog kana. Wag mo na isipin yun. I'll stay here until you get sleep" Sabi niya at nakipagtitigan sa akin.
"Tell me, are you mad?" tanong ko habang nakatingin parin sa magaganda niyang mata.
"No. I will never get mad at you. I'm just... I'm worried." this time medyo kumalma na yung boses niya.
"Good night BANE" and he kissed my forehead kasabay noon ang pag pikit ng mga mata ko.
"Good night and... thank you" at unti unti na akong nakatulog.
"There are no secrets that time does not reveal."
BINABASA MO ANG
BANE
ActionMy name is BANE. When I was a kid, lagi akong nagtatanong kung bakit kakaiba ang pangalan ko. Ano bang meron sa pangalang ito? Dumating sa puntong natuto akong humawak ng baril at pumatay dahil kailangan. When it comes to battle, parang nawawala ak...