BANE'S POV
Mabilis akong naglakad palabas ng Airport. Mas maaga akong nakarating kaysa sa inaasahan ko.
"Good job BANE" sabi ni tanda habang nakikipagharutan sa MGA secretary niya.
"I know" walang gana kong sagot. Natawa naman siya sa pinakita kong pagkairita. Kahit laging ganyan yung matandang yan, di parin ako sanay.
Sinenyasan muna ni Tanda yung mga secretary niya na lumabas. Naramdaman kong naging seryoso ang presensya niya.
"Your next mission... Philippines..."
That's the reason why I'm here in my second home. Yeah, I'm a half Filipino. Si Mom ang Filipino. She worked to Red Dragon for 15 years at doon nga sila nagkakilala ni Dad.
Pumasok ako sa isang coffee shop near the aiport. I want to try their coffee since I haven't drink my first coffee for today and wala pa yung susundo sa akin. Nakahanap naman ako ng mauupuan at umorder na.
May lumapit na babae sa'kin "Mabuhay! Welcome to Philippines." Masiglang bati niya. Sa ayos ng pananamit niya mukha siyang mayaman. Mamahalin ang bag at accessories. Sa tingin ko hindi siya pure Filipino dahil sa feature ng mukha niya. Ngumiti na lang ako bilang sagot.
"Where are you from? Also, do you have any place to stay here? Have you heard about Marcota?" Nakangiting sabi niya. The way na makipag usap siya sa'kin parang matagal na kaming magkakilala. Napatingin kaming parehas sa cellphone kong tumutunog.
I get my phone "Excuse me" I said. The old man's secretary is calling me. Again.
"Mr. Kitagawa wants to know if you receive the email BANE." Napatingin naman ako sa babaeng katabi ko bago sumagot.
Siguro naman di niya maiintindihan ang sasabihin ko kung magtatagalog ako di ba? Mukha kasi siyang foreigner baka tourist siya.
"Not yet. I will check it later... Yes... And please, paki sabi sa matandang yun AKO NA ANG BAHALA" binabaan ko na siya ng phone.
Haharapin ko na sana ang babaeng katabi ko pero isang hampas sa braso ang sumalubong sa'kin.
"Walangya 'to. Pinalabas mo pa yung natitirang english sa utak ko marunong ka naman palang magtagalog "
Hindi ko mapigilang mapataas yung isang kilay ko "Sino ba kasing nagsabi sayong mag-english ka?" mataray kong tanung. Gezz. Sapakin ko kaya 'to? Lakas ng loob na hampasin yung braso ko.
Tsaka close ba tayo para ganyanin mo ko?
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa "Sa porma mo kasi para kang galing sa ibang bansa. Tsaka mukha kang koreana." sabi niya.
"I'm half Japanese and full blooded bitch. So back off! " I said. Isang ngiti naman ang gumuhit sa labi niya. Baliw ata itong babaeng 'to eh.
"I like yaaa. Wow. Kaya pala may pagka chinita ka." Magsasalita pa sana siya pero may lumapit na lalaki samin.
"Let's go." Sabi ng lalaki na nakatingin sa babaeng nasa harapan ko. Tumango naman siya dito "Bye. Nice to meet you Chinita" sabi nito at umalis na kasama nung lalaki. What a start for this day. Ugh!
—-
Isang mahigpit na yakap ang sinalubong ni Kyohei sakin pag dating ko sa mansion. Pinipilit kong kumawala pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap.
"Kyohei nasasakal na ako. Parang anim na buwan lang tayo di nagkita. OA mo naman" unti-unting lumuwag ang pagkakayakap niya. Kala ko mamamatay na ako sa sakal.
"Sorry Lady. Nagulat lang ako. Ang alam ko bukas ka —— " pinutol ko na ang sasabihin niya. Alam ko namang mahaba haba pa ang ikwe-kwento niya.
Nakasama kong lumaki si Kyohei pero mas matanda siya ng 3 taon sa'kin. Dahil na rin sa kagustuhan ni Tanda naging body guard ko siya. Siya rin ang naging sensei (teacher) ko sa Judo. Siya ang una kong naging kaibigan.
"Masyadong nagmamadali si Tanda tsaka maaga kong natapos yung mission ko doon. By the way, naayos mo na ba yung kwarto ko?" Parang naging alarm sa kanya yung huli kong sinabi.
"Oo naman Lady" sabi niya at yumuko. Inikot ko ang paningin ko sa buong mansion. Naka locate ang Mansion namin sa sikat na city. The Marcota City.
Ganito parin siya since umalis kami nung 8 yrs. old ako. Walang pinagbago. Iba talaga ang nagagawa ng pera at kapangyarihan.
Nandito parin yung mga paintings na gawa ko noon. Di ko nga ma-imagine na gawa ko ang mga yan. Nasa dati parin niyang pwesto yung Family Picture ng Kitagawa. From the oldest picture ng great-great-great-great grandfather ko hanggang kay Tanda.
Isang pamilyar na baril ang nakita ko. Nakalagay siya sa isang glass na may security alarm.
"Kyohei, kaninong baril 'to? Parang pamilyar siya sa'kin." Tanung ko habang tinititigan yung baril.
"Ah! Sa Lolo mo yan Lady" Sabi niya. Pamilyar pero bakit hindi ko matandaan na meron siya nito. Kelan niya binili 'to?
"Kelan 'to ginawa?" tanong ko ulit.
"Galing pa yan sa pinaka ninuno niyo Lady " Sabi niya. Inalis ko na ang paningin ko sa baril at hinarap si Kyohei.
"Nasa labas yung gamit ko. Paki sunod na lang sa taas" sabi ko at ngumiti. Umakyat na ako sa kwarto ko.
Dito talaga ako lumaki pero sabi ni Tanda may nangyari daw nung 8 years old ako kaya umalis kami dito. Masyado pa akong bata noon para matandaan ang mga bagay na hindi ko naman priority.
I open my laptop and set the voice commanding system. I went to my bathroom to freshen up.
"Good day BANE. I received a message from Japan ." voice from my laptop. Exclusively made ang laptop na yan.
"Read it partner " I said while I'm in the bathroom.
"Your mission is to know who are the responsible behind the crime in this city. Based on the latest report, there are 4 kids of different Japanese businessman died and no one knows who did that. That's all BANE."
Lumabas na ako ng bathroom at humarap sa laptop. "Show me the attached file partner" Lumabas ang iba't ibang picture ng mga batang babae na sa tingin ko ay 10 yrs. old below.
I noticed na pare-parehas ang dahilan nang pagkamatay ng mga bata. It's like they suffer from an intense torture.
"P.S. from tanda.. Solve it BANE as soon as possible" Psh. May nalalaman pang P.S yung matandang yun.
Yeah! I set this laptop na tawagin ding tanda yung matandang yun. Di naman niya napapakilamanan tong laptop ko. Subukan lang niyang pakialamanan gamit ko at gyera ang abot niya.

BINABASA MO ANG
BANE
ActionMy name is BANE. When I was a kid, lagi akong nagtatanong kung bakit kakaiba ang pangalan ko. Ano bang meron sa pangalang ito? Dumating sa puntong natuto akong humawak ng baril at pumatay dahil kailangan. When it comes to battle, parang nawawala ak...