Nagsimula na nilang pakiramdaman ang isa't-isa, tila naghihintay kung sino ang unang susuntok. Tahimik namang nakaupo si BANE sa tabi ng boxing bell, excited na ito sa resulta ng laban.
Unang sumuntok si Cyrus gamit ang kanyang kanan pero iniwasan lang ito ni Kyohei. Ngumiti naman si Cyrus upang maasar si Kyohei pero hindi ito umepekto sa matipuno niyang kalaban. Si Kyohei naman ang sumuntok, tinamaan sa kaliwang parte ng labi si Cyrus.
"Nice" bulong ni BANE sa sarili. Alam naman niya kung sino ang lamang sa dalawa. Tumayo na si BANE sa kinauupuan niya at naglakad palapit sa pinto na nagpahinto sa dalawang binata.
"Hey! Where are you going? Hindi pa kami tapos." protesta ni Cyrus at lumakad sa gilid ng boxing bell.
"May pupuntahan pa ko. Ciao" sabi ng dalaga at tuluyan ng lumabas.
Mabilis na tinanggal ni Cyrus ang kanyang boxing gloves "This is useless, umalis na siya. Ayoko na." parang bata na nagmamakdol.
Inalis na rin ni Kyohei ang gloves niya "Weak. I'm the winner" sabi nito, sinuot na rin niya ang damit nito sabay labas ng kwarto.
Sumakay na si BANE sa kotse ni Kyohei at nagpahatid ito sa kanyang mansion upang magpalit ng damit. Ngayon kasi ang usapan nila ni Sophie na pupunta ito sa kanila.
"Uy!! Galit ka pa rin?" tanong ni BANE kay Kyohei pero buntong hininga lang ang sagot nito. Hanggang sa makaabot sila sa mansion ay hindi pa rin sila nag uusap.
'Bahala ka nga sa buhay mo.' sa isip ni BANE. Mabilis itong lumabas ng kotse at nagpalit ng damit. Kinuha na rin niya ang susi ng kotse niya dahil ayaw niyang magpahatid kay Kyohei at baka kung ano na naman ang pag awayan nila.
BANE'S POV
Hindi ko maintindihan kung bakit galit pa rin siya. I mean, hello? Sobra mag inarte? Hindi ba't ako dapat ang magalit dito? Tapos kanina kahit nakasalubong niya ko paalis hindi man lang tinanong kung saan ako pupunta. Kala mo kung sino. Kung galit siya, mas galit ako. Aba! Sobra siya.
Nasa gate pa lang ako ng bahay nila Sophie, mapapansin muna agad yung higpit ng security. Todo check pa sila sa kotse ko. Don't worry iniwan ko sa mansion yung explosive devices ko.
"Cupcake!!! Naku sorry ha? Alam mo na kailangan yan dito. Sorry talaga. Utos kasi ni dad eh. Naku nakakahiya" salubong sa'kin ni Sophie pagbaba ko sa kotse. Kahit naman siguro ako mag iingat kung sino mga papasok sa bahay ko.
"Anyway, where's Violet? Akala ko ba nandito na siya? Nagmadali pa naman ako" Walang tigil sa kakakwento si Sophie about sa gowns, color ng table linens, carpets at marami pang maliliit na detalye sa kanyang birthday habang papunta kami sa kinalalagyan ni Ube.
And because I'm a very good friend, nagkukunwari akong hindi nakikinig at syempre hampas na naman siya ng hampas sa'kin. Nadatnan namin si Ube na naggigitara sa kwarto ni Sophie.
Kumakanta si Ube with matching gitara pa. Oo, magaling siyang kumanta. Ako pa ba magpapatalo? Syempre hindi, sinabayan ko rin siya sa pagkanta. Maganda yung blend ng boses namin or ako lang yung nagagandahan?
"You guys got the perfect blend of voices eveeeh!" sabi ni Sophie na pumapalakpak pa.
"Well, thanks to my golden voice" Napairap naman si Ube sa sinabi ko.
"What the heck Maizi, don't ruin my day. Please" sabi niya at nilapag ang gitara sa kama.
"By ruining your day makes my day sweetheart" I said then she just roll her eyes again.
"Hey, Sophie baby where's the gown? I wanna see it." sabi ko.
Mukhang nagulat siya "OMG! I forgot. Come. Nasa kabilang kwarto. By the way, you're not allowed to see my gown. Di bale, yung gown niyo lang yung makikita niyo" sabi niya at naglakad na palabas ng kwarto.
"What? I thought you want us to..." Ube interrupt me "Nakalimutan mo naman yung sinabi ko?"
"Yeah, I know. She wants me, US to surprise." Sabi ko.
"Gusto din niya na siya lang ang may kakaibang gown kaya nga every birthday niya siya ang sumasagot sa susuotin ng guests niya." Naputol na lang yung pag uusap namin ni Ube ng sumigaw si Sophie.
"Hey gals come here!!" Lumabas na kami ni Ube ng kwarto. Pumasok kami sa kabilang kwarto na parang boutique.
Mapapa 'wow' ka na lang. Mula sa floor mat hanggang ceiling, mukhang pinag isipan talaga ang design. Magkahiwalay ang mga damit according to their colors.
"Gals, here's your dresses" sabi ni Sophie at pinakita sa akin ang isang Red dress na nakahigh neck at sobrang kinang.
"Real golds?" tanong ko.
"Yas. But don't worry 14k lang naman yang golds na nandiyan" sabi niya. Napa-facepalm na lang ako. In pete's name, sobrang gastos ng birthday niya. Lahat ng damit na pinakita niya samin ni Ube ay may golds.
"...and this is for you my dearest Violet" isang super cute and simple na dress pero mukhang babagay nga siya kay Ube. After ipakita ni Sophie ang nakakalulang dresses ng kanyang guests, inikot niya ko sa bahay nila.
"Sophie, bakit bawat sulok ata ng bahay niyo may cctv?"
"Oh! Nice question. May nagpanggap kasing isang tubero dito dati para makapasok and he wants to kill my dad. OA right? Well, no doubt dahil maraming talagang kalaban sa politika" napatigil ako sa kwento ni Sophia. Politics?
"Sophie, ano nga ulit name ng dad mo?" tanong ko. Sana hindi naman...
"Rodolfo Wilson, Why Maiz?"
Rodolfo Wilson, 65, may isang anak, sangkot sa nakawan ng kaban ng bayan, isa sa mga may pinakamalaking nakurakot noong nakaraang election, sinasabing patatakbuhin ulit sya at susuportahan ng kanyang partido para may mas malaki silang makuha.
This can't be.
Bakit hindi pumasok sa isip ko ang posibilidad na to? Ang tanga tanga mo BANE.
Parang nanghina yung mga tuhod ko.
Daddy ni Sophie... ang next target ko.

BINABASA MO ANG
BANE
ActionMy name is BANE. When I was a kid, lagi akong nagtatanong kung bakit kakaiba ang pangalan ko. Ano bang meron sa pangalang ito? Dumating sa puntong natuto akong humawak ng baril at pumatay dahil kailangan. When it comes to battle, parang nawawala ak...