Malapit na matapos ang exhibit. Pagkatapos mag usap ni BANE at Kyohei, dumiretso na agad si Kyohei sa plano habang ang dalaga naman ay nakamasid pa din sa mag asawa at kung magsisilapitan ang buyers sa kanilang dalawa.
Paminsan minsan ay lumilingon ang matandang babae kay BANE. Ngumingiti naman ito sa matanda.
Sa pag signal ni BANE, ay inapuyan na ni Kyohei ang hawak niyang pamphlet. Bawak sulok ng kwarto ay nilagyan nito. Nag simula ng tumunog ang fire drill at magsilabasan ang nagpapanic na guests.
Agad namang sinabayan ni BANE si Mrs. Salcedo sa pag labas. Si Kyohei naman ang sumunod kay Mr. Salcedo.
"Sir, this way please" sabi ni Kyohei na nakadamit pang waiter na kay Mr. Salcedo. Sumunod naman ang matandang lalaki.
Dinala niya si Mr. Salcedo sa kalapit lang na luxury suite ng exhibit.
"This is ridiculous. Where's my wife?" galit na tanong ni Mr. Salcedo pagdating sa kwarto. Agad namang tinakpan ni Kyohei ang ilong nito gamit ang panyong may pantulog. Sinusubukan pa nitong pumalag ngunit umipekto na ang pampatulog.
Katulad nga ng plano, chineck ni Kyohei ang bawat bulsa ni Mr. Salcedo. Kinuha niya ang phone, susi at baril na nakatago sa coat niya. Dinala niya ito sa loob ng bedroom at doon ginapos sa upuan. Sinigurado din niyang may takip ang bibig nito kung sakaling magising ito at mag ingay.
Bumukas naman ang pinto ng suite at pumasok si BANE na katabi ang matandang babae. Umupo ang matandang babae na hindi pa din makapaniwala sa nangyari.
"Nakita mo ba si Jose? Bakit ba nangyayari ito?" naiiyak na namang sabi ng matanda.
"Wag ka mag alala Michelle. Nasa loob lang siya" sabay turo ni BANE sa bedroom "Sabi ko naman sayo di ba, tutulungan kita?" sabi ni BANE sa matanda at inabutan ito ng tubig.
"Sino ka ba? Bakit mo ko gustong tulungan?" naguguluhan na tanong ng matanda.
"Hindi na mahalaga kung sino ako. May hindi magandang nagawa ang asawa mo. Nandito lang ako para kausapin siya."
"Okay. Hindi mo naman siya sasaktan di ba?" tanong ulit ng matanda kay BANE.
Ngunit hindi na sumagot ang dalaga at ngumiti na lang. Iniwan niya muna si Michelle at pumasok kung saan nakagapos si Jose. Tulog pa din ito.
Kinuha ni BANE ang ice bucket na nasa side table ng kama at binuhos sa matandang lalaki dahilan para magising ito.
"Siguro naman ay kilala mo ako." sabi ni BANE sa galit na matandang lalaki na nakatingin sa kanya. Ibinaba naman ni BANE ang sleeve ng kanyang suot kaya nakita ang Red Dragon na tattoo nito sa kanyang braso. "Sasabihin mo lahat ng nalalaman mo sa RD at kung kanino mo ibebenta ang mga nalalaman mo kay Kyohei. Kung hindi... " sabay kuha ng dalaga sa grass scissor na nasa table sa tabi nito. "Puputulin ko isa isa yang mga daliri mo. Kung ubos na ang daliri mo, ibang parte naman. Hindi naman ata lingid sa kaalaman mo ang kaya kong gawin" sabi ng dalaga habang nakangiti ng nakakatakot.
Tumango tango naman ang matandang lalaki sa takot.
BANE's POV
Palabas na ako ng kwarto upang balikan si Michelle ngunit napahinto ako sa narinig ko.
"Nasan ka na ba ha? May kasama akong babae. Hawak nila si Jose. Oo, ikaw pa din ang nanalo sa bidding. Ikaw pa din ang makakaalam ng about sa RD. Wag kang mag alala. Hindi alam ni Jose ang ginagawa ko. Akala niya isang iyaking may bahay lang ako na susunod sunod sa kanya. Magkita tayo sa pinag usapan nating lugar. Sige na, baka bumalik na yung babae." nag madali itong itago ang cellphone at umayos ng upo.
So si Michelle pala ang nagleleak ng info? So anong ginagawa ni Jose?
Lumabas na ako ng kwarto na may hawak na baso ng tubig. Iniabot ko ito kay Michelle at kinuha naman niya agad.
"Tapos na ba kayo kay Jose? Pwede ko na ba siyang makita?" naiiyak na namang tanong nito. Wow! Mukhang kumuha ng acting workshop itong babaeng 'to.
"Sa ngayon, ayaw ka pa niyang makita. Naalala ko yung nangyari kanina? Baka saktan ka ulit niya dahil bukang bibig niya yun." Pag sisinungaling ko. Uminom naman siya ng tubig.
"Ewan ko ba, napakaseloso niya. Hindi ko naman siya iiwan eh. Ano ba naman ako pag wala siya?" sabi nito at uminom ulit.
Hinawakan ni BANE ang mga kamay ng matanda.
"Wag kang mag alala. Ligtas ka na." sabi ko at ngumiti.
Iniwan ko na siya muna. Hindi ako natatakot na makakaalis siya dahil may pampaantok yung tubig niya. Any moment, makakaramdam na siya ng antok pero hindi siya makakatulog. Mahihirapan lang siyang kumilos pag tatayo siya.
Ayokong isipin niyang may alam na ako. Kailangan ko lang munang malaman kung alam ni Jose ang ginagawa ng asawa niya sa ganun, parehas ko silang mapatay.
Bumalik na ako sa kwarto at may mga sugat na sa mukha si Jose. Mukhang nabigyan na siya ni Kyohei ng ilang suntok.
Tumigil naman si Kyohei pag dating ko.
"Ano bang gusto niyo? Matagal akong nanahimik para sa inyo pero ito gagawin niyo sa'kin?" galit na sabi ni Jose habang nakatingin sa akin.
Yumuko ako sa harapan niya at tinitigan siya sa mata. Hawak ko na din yung Grass scissor. "Talaga bang hindi ikaw ang nagleleak ng info namin? Isang tanong, isang sagot." Walang emosyon kong tanong.
Halata sa mata niya ang takot. Naihi pa ito. "O-oo. Alam ko ang kaya niyong gawin. Hindi ko kayang isugal ang buhay ko. Mahal ko ang asawa ko. Gusto ko pang mabuhay kaya kahit madaming gustong bumili ng impormasyon na alam ko, tiklop ang bibig ko" sabi ng matandang nasa harapan ko.
"Pwes, asawa mo ang gumagawa."sabi ko na nagpalaki ng mata niya.
"S-si Michelle? P-pero hindi niya kaya yun. Isa siyang mahinang babae. Hindi niya kayang wala ako. Mahina siya" pagkasabi niya nun ay isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya.
"Dahil sa ugali mong ganyan, sa pagtrato mo sa kanya ng ganyan, nagpalaki ka ng ahas na siyang tutuklaw sayo." sabi ko at tinusok ang grass scissor sa kanyang leeg. Pilit niyang hinahabol ang kanyang hininga at pawang pinipilit ng kanyang mga kamay na nakagapos na alisin ang gunting na unti-unting kumukuha ng kanyang lakas.
Umayos ako ng tayo at pinunasan ng towel ang dugong napunta sa kamay ko. Nagsimula ng tumulo sa sahig ang mga dugo niya. Hindi na ko nagsalita pa at dumiretso na para lumabas ng kwarto.
Naiwang nakatayo malapit sa malamig na bangkay si Kyohei habang nakatingin sakin na naglalakad palabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
BANE
ActionMy name is BANE. When I was a kid, lagi akong nagtatanong kung bakit kakaiba ang pangalan ko. Ano bang meron sa pangalang ito? Dumating sa puntong natuto akong humawak ng baril at pumatay dahil kailangan. When it comes to battle, parang nawawala ak...