Pagpasok ko sa Mansion may mga maletang nakalagay sa sala. Binigyan ko naman ng kanino-yan-look si Kyohei pero nag shrug lang siya.
Isang pamilyar na tao ang nakita kong nakaupo sa may sofa. "Dad?" sabi ko at lumapit sa kanya. Nginitian naman niya ako at niyakap.
"What are you doing here? I thought you're busy." sabi ko. President si Dad sa Red Dragon kaya alam kong busy siya kaya nakapagtataka lang na nandito siya.
"May ilang transaction lang tayo dito, besides you're here kaya ako na ang pumunta dito" sabi niya at naupo naman kami.
"So you're here for a business. AGAIN. " pag uulit ko.
Ano ka ba BANE hindi kana nasanay. It's been 2 years since naging workaholic si Dad. We used to be so much close that time pero nawala na yun.
Magsasalita pa sana si Dad pero napatingin na ako sa lalaking nagmula sa kitchen. Napatakbo ako palapit sa kanya at yumakap.
"Armand!" sabi ko at humiwalay na sa pagkakayakap. Tumingin naman ako kay Dad. "Di niyo sinabing may kasama kayo" ngumiti lang siya sa'kin.
"How are you milady?" Tanong niya. Si Armand ang tinuturing kong second dad. Siya ang nag introduce ng boxing sa akin. Sinuntok ko naman siya ng mahina sa braso.
"Well, mags-stay ka ba dito?" Tanong ko.
A/N Si Armand yung nasa Prologue
"Of course nandito ang best trainee ko eh." naexcite naman ako sa narinig ko. Ibig sabihin may laban ako dito sa Marcota? Hooray for that! Matagal na din akong walang stretching.
"Sama ka sa amin ni Kyohei, iikot kami sa Marcota." sabi ko at tiningnan si Dad. May kausap na siya sa phone. "Are you going with us Dad?" tanong ko.
Sumenyas lang sya ng 'ok' at naglakad na papuntang kwarto niya. Sumunod naman si Kyohei sa kanya dala yung mga maleta. Psh. Trabaho ng maids si Kyohei ang gumagawa.
Hinila ko na lang paakyat si Armand. Doon kami nagstay sa living room. May living room din sa baba pero ayoko doon. Baka nandun si Dad at may kausap na naman sa phone, di ko na ini-expect na sasama siya samin. Lagi naman siyang ganyan eh, sasabihin niyang pwede siya tapos pag aalis na, wala na.
Nagkwentuhan lang kami ni Armand. Nung wala daw ako sa Dracfield marami na daw mayayabang na naghaharian doon. Psh. Humanda sila pag bumalik ako don, makikita nila.
After namin mag kwentuhan ni Armand, bumalik na ako sa kwarto. Pinagpahinga ko muna siya para may powers siya sa pag iikot namin.
It's already 9 PM ng umalis kami ng bahay. Si Kyohei ang nagmamaneho tapos katabi niya si Armand.
"Mand, set mo din ako ng fight. 1 taon na rin akong walang laban sa ganyan." sabi ni Kyohei habang nagddrive. Pumunta kami sa isang private shooting club. Nagpaunahan kaming tatlo sa pagbuo ng baril at tsaka babarilin yung target.
"Ang weak naman Kyohei." sabi ko. Siya kasi yung pinaka huling nakabuo ng baril. Nagtawanan na lang kami hanggang sa makaalis kami doon.
Sunod na pinuntahan namin yung basketball gym na sarado. Ako ang umakyat sa bakod. Pinipigilan ako ni Kyohei pero di niya ako kaya eh. Sumunod naman silang umakyat sa bakod. Pagpasok namin, nagyaya ako ng basketball. Sakto namang may mga bola. 3 on 3 ang laban namin.
"Ang matalo manlilibre ng pagkain" hamon ko. Nagtinginan naman si Kyohei at Armand.
Tumango na lang sila. Si Kyohei ang may hawak nung bola, inagaw naman ni Armand pero binantayan ko siya kaya ako yung nakaagaw tapos shinoot ko agad. Dinilaan ko na lang silang dalawa.
Habang naglalaro tawa rin kami ng tawa. Ilang beses kasing nadulas si Armand. Signs of aging nga naman o-oh! Nasa akin na yung bola pero nung isho-shoot ko na biglang hinarang ni Kyohei.
Napaupo na lang kami sa sahig sa sobrang pagod at biglang may nagtapat ng flashlight sa mukha ko. Yung guard ng gym.
"Shit. Takbo." sigaw ni Kyohei. Mabilis kaming tumakbo papunta sa kotse. Tawa parin kami ng tawa kasi hingal na hingal si Armand. We decided to get our food sa isang burger diner dito sa Marcota. Buti na lang until 12 midnight sila.
Sinagot na ni Armand yung mga order namin. Sa may malapit na tulay kami ng Mansion umupo at kumain. Nagtatawanan pa din kami sa mga nangyari kanina sa gym.
Nakakatuwang isipin na nakakaranas ako ng ganitong kasiyahan. Pakiramdam ko isang normal na tao lang ako...
Walang responsibilidad.
Walang pananagutan.
Sana laging ganito...

BINABASA MO ANG
BANE
ActionMy name is BANE. When I was a kid, lagi akong nagtatanong kung bakit kakaiba ang pangalan ko. Ano bang meron sa pangalang ito? Dumating sa puntong natuto akong humawak ng baril at pumatay dahil kailangan. When it comes to battle, parang nawawala ak...