BANE - Eight

4.2K 139 8
                                    

Isang video call ang nakapagpagising sa'kin. Tumayo na ako kahit ayoko at humarap sa laptop kong nasa side table lang.

Bumungad ang mukha ni Tanda na nakikipagharutan sa mga secretary niya. Bakit ba sa tuwing nagkikita o nagkakausap kami lagi siyang may kaharutan? Coincidence lang ba o sadyang malandi lang tong si Tanda?

"You disturb me just to show how you flirt with your secretaries?" poker face kong tanong. Nakakainit naman kasi ng ulo. Ikaw ba naman ang magising ng 4 AM tapos hindi pa matino yung makikita mo.

"Hindi ka na nasanay sa lolo mong gwapo." Sabi niya habang tumatawa.

Binigyan ko naman siya ng walang ganang tingin. Hinalikan niya muna sa leeg yung babae bago niya paalisin sa pagkakaupo sa lap niya. Ang tanda na manyak parin. Aysus! Kahit na matanda na kasi malakas pa rin ang karisma. Nasa dugo na ata ng Kitagawa yan eh.

"Okay,pag usapan na natin yung nangyari kahapon."

Nakapalumbaba parin ako.

Papikit pikit na rin yung mata ko.

Inaantok parin ako.

Nagsasalita siya pero di ko na naiintindihan...

"MAKINIG KA SA SINASABI KO!!!" Ay anak ng... napaayos ako ng upo dahil sa sigaw ni Tanda. Tumango tango na lang ako at inayos yung buhok ko.

"Katulad nga nung sinabi ko kanina, UULITIN ko nanaman..." may diin talaga yung uulitin eh "Bakit ganun yung nangyari sa Casino? Pinapahanap ko lang yung may gawa di ba?" Napataas naman ang kilay ko sa tanung ni Tanda.

"Bakit may UNFINISHED business ka pa sa EX-FRIEND / BUSINESS PARTNERS MO?" sarcastic kong tanung pero katulad kanina seryoso parin yung reaksyon niya.

Minsan talaga napakahirap intindihin ng matandang ito. Well, matanda na nga eh intindihin na lang BANE. Okay, okay.

"I need to talk to them... " nakakabinging katahimikan ang nangyari. Ako na ang unang nagsalita.

"Hindi ko naman talaga sila papatayin..." Napatingin si Tanda sakin dahil sa sinabi ko.

"Hindi ko alam. Nakaramdam lang ako ng kasiyahan na makita silang naliligo sa sarili nilang dugo. Nakakatawa nga kasi parang kusang kumikilos ang katawan ko. They deserve it. I can still remember kung anong itsura nung mga bata" Sabi ko at natawa.

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Pag sinimulan ko nang pumatay sa isang mission sunod sunod na yun hanggang sa masatisfy ako.

"Nangyari na ang dapat mangyari.... Just wait for your next mission tatawagan na lang kita. Gotta go" sabi niya at nag flying kiss pa bago namatay na yung call. Ow yes! Wala akong mission ngayon.

Tumingin ako sa relo ko and 5:00 pa lang. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at pumasok sa kwarto ni Kyohei. Alam ko namang hindi nakalock yung kwarto niya dahil sinabi niya sakin yun dati, para daw pag may mangyari mabilis akong makakapasok sa kwarto niya.

Yung ilaw lang mula sa labas ang nagsisilbing liwanag dito sa loob. Ganun parin yung kwarto niya black and white lang tapos nasa tabi nung malaking glass window yung kama niyang black ang bed sheet. Nandun parin yung malaking painting ng black and white parin na abstract sa taas ng kama niya.

Humiga ako sa topless na likod ni Kyohei.

Ang laki pala ng pinagbago ng katawan nya. Sinundot sundot ko yung balikat niya. Mas lumaki yung triceps at biceps niya. Mas nag broad din yung shoulders niya. Pero yung amoy ni Kyohei ang pinaka gusto ko. Ganun parin siya, walang pinagbago.

"Pinagnanasaan mo ba ako?" napababa ako sa likod niya dahil sa gulat. Litseng Kyohei ito.

Humarap siya sa'kin kaya magkaface to face na kami. Mas naging singkit yung mata niya pero kita parin yung blue eyes niya. Nilagay naman niya yung shoulder niya sa likod ng ulo niya kaya mas nag form yung ABS niya.

Anong balak mo Kyohei? Magmukhang model diyan sa position mo?

"KAPAL. Matagal ko naman ng ginagawa to ah? Tsaka ang tigas nang katawan mo di tulad dati na malambot." sabi ko habang nagpipigil ng tawa. Naging sobrang toned na yung katawan niya dahil sa trabaho.

Pinitik niya yung ilong ko kaya napahawak ako doon. "Bakit sa lahat ng babaeng nakakita ng katawan ko ikaw lang ang may reklamo? Yung iba nga diyan tuwang tuwa pag nakikita yung makisig kong katawan tapos ikaw wala lang?" napaupo naman ako sa sinabi niya.

May pinapakitaan na siya ng katawan bukod sa akin? Aba, malanding Kyohei ito ah!

"Ang landi mo. May nalalaman ka pang ganyan" sabi ko at tumayo na.

Tumayo na rin siya "Saan ka naman pupunta? Ayaw mo na akong tabihan?" natatawang tanung niya.

Minsan talaga may nakuha din siyang kamanyakan kay Tanda. Tsk... tsk... dapat talaga hindi sila nagkikita ni Tanda eh.

"Feeling nito. Bumaba kana at nagugutom na ako." tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa. " Uso din mag damit, tsaka ang cute nung pajama" sabi ko at bumaba na.

Narinig ko na lang yung tawa niya. Kalalaki kasing tao may bears yung pajama niya. Parang gusto ko tuloy hiramin o hingin ko na lang kaya?

Pagbaba ko sa kusina wala pang maid. Binuksan ko muna yung ilaw at kinuha yung stool sa tapat ng kitchen countertop at umupo.

"Ano gusto mong almusal?" Nakangiti niyang tanung nang makarating siya sa kitchen countertop. Nakasando na siya. Ayan, ayan! Iwas sa tukso at disgrasya.

"Pancake ang hinihingi ng panlasa ko."

"Okay, just wait for a minute princess" sabi niya at tumalikod na.

Sinuot niya na yung apron niya. Bakit ang cute ng likod niya? Parang ang sarap kumagat.

OMG! Ano bang mga sinasabi ko? Epekto ba ito ng maagang nagising o epekto nung maagang pagkakakita ko kay Tanda? Hindi kaya polluted na hangin ng pilipinas kaya nagiging shrek na utak ko? Oh no!

Binuksan ko na lang yung radio na nasa dulo ng kitchen countertop para mawala yung concentration ko sa katawan ni Kyohei.

My mind is telling me no but my body my body's telling me yes 🎶

Ano ba? Nanunukso ba talaga?

Nilapag na ni Kyohei yung plate ng pancake. Umupo siya sa harapan ko. Kinuha ko naman yung peanut butter at chocolate syrup tapos gumawa ng 3 layers tsaka kumain. Perfect breakfast evehhh!

"Oh! Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko habang sarap na sarap paring kumakain ng pancake.

"Bakit hindi ka tumataba kahit ganyan ka kalakas kumain?" tanong niya.

Natawa na naman ako doon. Ewan ko din eh, kahit anong kain ko wala talagang nangyayari. Siguro dahil na din sa training at workout. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. After kong kumain, dumireso na ako sa kwarto ko at naligo. Si Kyohei na yung naghugas ng kinainan namin.

Hinatid na niya ako sa school at susunduin niya rin daw ako mamaya. Well, yun naman lagi niyang ginagawa. Sinalubong naman ako ni Sophie at Ube sa may hallway.

"Anong meron Sophie? Bat ganyan makatingin?" mataray kong tanong ng makaupo na ako sa table ko.

"Sino yung kasama mong pogi?" excited na tanung niya. Si Ube naman nakatingin lang samin.

"Bodyguard ko?" sagot ko. Pero parang hindi ako sigurado sa sagot na yun.

"Wow! Pakilala mo naman ako Sissy!" sabi niya at nagpuppy eyes pa. Eh? Ano bang meron dito?

"Seriously, gusto mo siyang makilala?" tumango tango naman siya na parang bata. Naku naman! Dapat pala hindi na ako nagpapahatid kay Kyohei.

After class,  pinahintay ko na lang sa may kanto si Kyohei. Hindi ko pa alam kung paano ko siya ipapakilala kay Sophie o ayaw ko lang talaga siyang ipakilala? Hay ewan, basta di muna ngayon.

BANETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon