Violet's POV
"Mas makakabuti kung hindi niyo muna siya panuorin ng TV or pabasahin ng newspapers about what happpened to her father. Kailangan niya munang ilabas lahat nang bigat ng nararamdaman niya para hindi siya mapuno. Ang tao kasi parang tubig ng balde yan. Kailangan mong kontrolin yung tubig which is our emotion. So let her cry until mapagod siya and I advice magtherapy na rin siya for her fast recovery" Sabi ng doctor ni Sophie sa 'min.
8 hours na kaming nasa hospital pero ganun pa rin si Sophie. Titigil siya saglit sa pag iyak tapos matutulala lang tapos iiyak ulit at magwawala. Pinatulog muna siya ng doctor dahil gusto na niyang lumabas at makita ang daddy niya.
She even tried to harm herself at paulit ulit siyang sumisigaw na gisingin na siya sa bangungot na ito.
"I decided na dalhin sa ibang bansa si Sophie at doon na sisimulan ang therapy niya. Maraming nagpapaalala sa kanya dito ng nangyari. " - Mommy ni Sophie.
"Kung anong makakabuti para sa kanya gawin niyo po." Sabi ko.
Bilang taong laging nakakasama ni Sophie, nahihirapan akong makita siyang nagkakaganyan. Nahihirapan din ako tulad niya. Pag ikukumpara ko ang Sophie-ng masayahin, kalog, pag sadya niyang mag-conyo, yung pagiging maarte niya na hindi nakakainis sa Sophie-ng tulala, iyak ng iyak, parang patay ngayon ay parang sinasaksak ang puso ko.
I want to help her. Gusto kong ako na lang ang umiyak para sa kanya. Gusto kong akuin yung bigat ng nararamdaman niya. Gustong gusto ko siyang tulungan pero wala akong magawa and I fucking hate it. I hate this feeling na wala akong magawa para sa kaibigan ko. Napakawala kong silbi dahil hindi ko man lang siya matulungan.
Napatingin ako sa babaeng humawak sa balikat ko "Violet" For the first time tinawag rin niya ko sa pangalan ko. Halata sa mata niya na bagong iyak din siya pero hindi niya pinakita sa 'kin yun. Pinapanagutan niya talaga na matigas siyang babae.
"Gising na si Sophie... samahan mo ko sa loob" sabi niya. Tumango lang ako at nauna nang pumasok sa loob.
BANE'S POV
Pagkapasok namin sa loob kitang kita ko kung paano naapektuhan si Sophie. Ang dating babaeng sobra kung mag ayos sa sarili ngayon ay parang wala nang pagpapahalaga sa katawan. Naka-ponytail lang ang magulo niyang buhok at wala man lang siyang lip tint sa labi niya. Hindi na si Sophie 'to nasabi ko na lang sa sarili ko.
Umupo kami ni Violet sa tabi ng kama niya. Tiningnan naman niya kami. "I want to see my daddy" sabi niya na may pagmamakaawa sa kanyang mata.
Nagkatinginan kami ni Violet.
"I'm sorry Sophie pero hindi pwede" pagkasabi ni Violet nun ngumiti si Sophie, ngiting mapait, ngiting walang buhay.
"I want to see him Maizi" This time sa 'kin naman siya nakatingin.
"No Soph---" Hinawakan ko sa braso si Violet.
"Okay. Sasamahan ka namin ni Violet." Sabi ko at nginitian naman ako ni Sophie. Sinabihan muna naming magpahinga siya bago kami lumabas ng kwarto ni Violet.
"Are you crazy? Bakit mo sinabi yun? Pinapaasa mo lang siya. Kaibigan ka ba talaga niya? Bakit gusto mo pa siyang masaktan?" Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya kaya nasandal ko si Violet sa pader at hinawakan siya sa braso niya.
"Hindi mo alam ang nararamdaman ko kaya wala kang karapatan kwestyunin yun. Oo, mas matagal kayong nagkasama pero may naiisip ka bang solusyon dito?" Umiwas siya ng tingin sa 'kin "Ito ba gusto mo? Ang tumagal ang sakit na nararamdaman niya? Sige. Anong gagawin natin? May naiisip ka?Gagawin ko ito para matanggap niya agad at matapos na yang sakit sa puso niya. Only this fucking truth can set her free" binitawan ko na siya. "Kung ayaw mo, mag isip ka ng ibang paraan." Sabi ko at pumasok sa loob.
![](https://img.wattpad.com/cover/5465349-288-k377279.jpg)
BINABASA MO ANG
BANE
ActionMy name is BANE. When I was a kid, lagi akong nagtatanong kung bakit kakaiba ang pangalan ko. Ano bang meron sa pangalang ito? Dumating sa puntong natuto akong humawak ng baril at pumatay dahil kailangan. When it comes to battle, parang nawawala ak...