BANE - Seventeen

3.2K 108 13
                                    

BANE'S POV

"Magandang umagaaaaaaaa" Pagbulat palang ng mata ko ay magaan na agad ang pakiramdam ko. Feeling ko ang ganda ganda ng araw na ito.

Tinali ko muna yung buhok ko bago pasayaw na bumaba sa hagdan.

Parang gusto kong lumipad sa sobrang gaan ng pakiramdam ko.

Nasa pintuan pa lang ako ng kusina, may naaamoy na akong mabango. Ano kaya yung niluluto ni Kyohei? Excited na akong kumain. Ang alam ko hindi ako nakakain kagabi eh.

Hindi ko din maalala kung paano ako nakauwi after ng mission ko. Basta ang alam ko lang umalis na ako doon bago sumabog yung bombang nilagay ko.

Naglakad na ako papasok ng kusina and he's here with that apron again. Tinitigan ko muna siya dahil seryoso siyang nagluluto "Good Morning Kyohei" Sabi ko. Nagulat ata siya dahil hindi niya napansing nandoon na ako.

Aysus! Kahit nagugulat siya nandoon parin yung hotness. Ay, ano ba yung nasabi ko? Erase! Erase! Itigil mo yan BANE.

"Bakit seryoso yang mukha mo? Wala ka bang tulog?" Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung dalawang pisngi niya. Mukhang wala siyang tulog oh.

Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa.

Confirmed!

INLOVE siya.

Binitawan ko na yung mukha niya at umupo sa stool chair "Hoy! Kayo na ba ni Sophie?" Poker face kong tanong. Is this PMS? Kanina lang ang ganda ng mood ko tapos ngayon poker face na?

"Kumain ka na. Umalis na si Mr. Kitagawa. Si Armand naman pinuntahan yung manyak" Ano ba yan ang aga aga nagtataray agad itong matandang 'to. Manyak? Sinong Manyak ba sinasabi nito?

"Sinong manyak? May kilala palang manyak si Armand. Well, hindi nakakapagtaka yun." Natatawang sabi ko.

"Yung manyak na pinakilala sayo nung nakaraan" sabi niya na hindi parin tumitingin sakin. Feeling ko masarap ulit yung niluluto niya. Gutom na ako.

Teka, edi yung manyak si Cyrus? Oh! Smells fishy hohoho

"Ahem! Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko" hindi ko alam pero hindi ko mapigilang ngumisi.

Nilagay na niya yung pancake sa plate ko pero hindi parin siya sumasagot. Kinalabog ko na yung table kaya napatigil siya sa paglalagay ng chocolate syrup.

"Tinatanung kita. Hays! Naku naman. KA.YO. NA. BA. NI. SO.PHIE?" with matching taas kilay na. Naiinis na ko ayaw pa sagutin. Yes or no lang naman sasabihin niya ayaw pa.

"Hindi." Matipid niyang sagot at umupo na rin sa stool chair na nasa tabi ko.

"Kung ganun bakit wala kang tulog? Mukhang puyat ka oh. Sinong iniisip mo aber?" Tanung ko ulit.

Nakakapagtaka naman kasi di ba? Bihira siyang maging ganyan. Kahit nga walang tulog dati yan hindi ganyan itsura niya eh bat ngayon parang sobrang problemado niya? Bakit? Bakit? bakit?

"Wag ka ngang makulit BANE" Saway niya at nagsimula ng kumain. Aba'y anak ng pusang pula.

"Bahala ka nga diyan matanda ka. Nagtatanung lang eh. Hindi ako papasok. Hmp! " sabay kuha sa plate ko at umalis doon.

Boset na Kyohei 'to. Ayaw sagutin tanong ko. Magsama sila ng damuhong iniisip niya. Hay naku, panira ng umaga.

Dumiretso na ko sa sala at tinawagan si Armand.

"Nasan ka?" tanong ko habang nilalamon na itong niluto ni grumpy old man.

"Good morning Lady. Kamusta tulog natin?"

"Pwedeng sumagot na lang? Daming tanong eh" then I rolled my eyes as if naman na makikita niya.

"Easy young lady hahaha May ginawa na naman ba si Kyohei? Anyway, I'm here at Cyrus' house" Pagkasabi ni Armand nun sakto namang nag lakad papunta sa sofang katapat ko si Kyohei.

"Oh! Great. Sabihin mo kay CYRUS pupunta ako dyan. Of course, it's a DATE. Send me the address. Ciao." I just heard Armand's chuckle. Tumingin si Kyohei sa'kin. Sumubo lang ako ng pancake.

Pagkatapos ko kumain, umakyat na ko sa kwarto. Nakasunod parin yung tingin niya sa'kin. Bahala ka sa buhay mo tanda. Ako pa hinamon mo sa asaran huh. Ikamatay mo yan.

Nang makaayos na ako, I get my keys then lumabas na ako ng mansion. Look who's here, Kyohei while putting a bag inside the trunk of his car. Aalis? Whatever.

Naglakad na lang ako palapit sa kotse ko habang nilalaro yung keys. Bubuksan ko na dapat yung pinto nung car nang bigla niyang agawin yung susi sa'kin.

"Get into the car" He said with a very serious voice.

Tingnan mo ito. Siya na nga itong may kasalanan sa'kin, ako pa sinusungitan. Langya naman oh. Pumasok na lang ako sa kotse niya. Sa back seat ako syempre. Ayoko siya makatabi. Nakakainis siya. Malakas yung pagkakasara ko kaya tumingin siya sa front mirror niya pero sa labas lang ako nakatingin.

Sa bahay din pala ni Cyrus pupunta itong masungit na 'to. Hindi naman siya masyadong malayo sa mansion ko. Nauna na ako bumaba sa kotse at naglakad papasok. Sinalubong agad ako ni Cyrus na naka topless and hot. Oo, HOT as in H.O.T!!!

Naka-open arms pa ang loko. He's ready to hug me buti na lang nakaiwas ako. Aba! Di porket hot siyang tingnan ngayon pwede na niya akong mayakap.

"Oh! Bakit mo ko iniwasan? Ayaw mo ba ng hug muna sa gwapong tulad ko?" Sabi niya tapos inayos yung buhok niya.

"Anong klaseng oxygen ba meron kayo rito at ganyan ang nasasabi mo? Oh! Wait. Anong brand ng aircon niyo?" Umupo ako sa sofa. He gave me a confused look. Siguro kasi tinanung ko kung anong aircon nila. Si Armand naman nakangisi lang habang inaayos yung mga boxing gloves niya.

"Wala yan dito eh. Ang alam ko international brand. Why?" Tanong ni Cyrus.

"Kakaiba kasi yung hangin. Sobrang lakas. As in kakaiba yung lakas. Feel mo Armand? Parang tatangayin ako eh"

Lalapit sana si Cyrus sa akin pero napatingin kaming pareho kay Kyohei na binagsak yung bag. TAKE NOTE: BINAGSAK!

"Nandito ka rin pala. I don't remember na nag invite ako ng ibang tao dito" He said then smirk. Parang may invisible kuryente na naman sa pagitan nilang dalawa. Hindi ko alam pero natutuwa akong panuorin sila.

Lumapit ako kay Armand at bumulong. Tingnan natin kung ano mangyayari.

"Chill lang mga bata. Yan na ba yung pinapadala ko Kyohei?" Tumango lang si Kyohei at mukhang halatang wala sa mood. Ang cute talaga niyang tingnan pag ganyan siya. Ang sarap lalo asarin.

"Pwede bang ikaw na rin ang makasparing ni Cyrus? Alam mo na, medyo bata na ako" paki usap ni Armand.

"What? Siya? Baka hindi nga makatagal ng isang round sa akin yan eh" Pagmamayabang ni Cyrus. Mas lalo namang hindi madrawing yung mukha ni Kyohei. Boset. Nahihirapan na ako. Gusto ko ng ilabas yung tawa ko.

Hindi na nagsalita si Kyohei, tinanggal na niya agad yung t-shirt niya at kinuha yung gloves kay Armand.

Sabay sabay na kaming pumunta sa home gym room nila Cyrus. Well, not bad. May boxing ring sila kaya tamang tama sa balak kong laban nila.

Yes, ako nga ang nag-suggest kay Armand. I just want to know kung sino ang mas matibay sa kanila. Umakyat na sila sa ring.

"Okay. Rules are rules. This is a friendly match." Saktong pag sabi ni Armand I tap the boxing bell to start the match.

"Let's start the game." I said then smirk.

*Insert eye of the tiger tone here*

BANETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon