Isang tawag ang natanggap ni Mr. Wilson. "Please excuse me" Sabi niya sa kanyang mga kaibigan at lumabas ng kwarto dala ang kanyang cellphone at isang baso na may laman na mamahaling wine. Masyado kasing maingay sa loob kaya hindi niya marinig ang kausap.
"Sorry for not attending your daughter's birthday kumpadre" Sabi ng kanyang kausap.
"No problem. I understand, alam kong busy ka sa kompanya mo."
Saktong nasa labas ng kwarto si Mr. Wilson, ang paglabas din ng kwarto ni Sophie. Sumenyas lang ito sa anak na pumasok na sa kwarto dahil may kausap sya. Nag okay sign lang ang anak at pumasok na ulit sa kwarto kung nasaan pa ang iba niyang bisita.
Pagbaba ng kanyang cellphone "Mr. Wilson" Napalingon siya sa kanyang likod.
"Yes? May kailangan ka iha?" tanong nito.
"Ayoko po sanang makialam pero... may nakita po akong pumasok sa office room niyo. Ang alam ko si Mr. Alvarez po yun." Si Mr. Alvarez ang isa sa mga hindi pinagkakatiwalaan nito sa kanyang kapartido. Alam niyang isa ito sa may mga gustong malaman ang baho niya sa gobyerno.
"Stay here iha." Sabi niya.
"No sir. Sasama po ako. Baka anong mangyari may... dala kasi siyang baril"
"Stay at my back okay? Whatever happens call the police." At naglakad na sila papuntang office room. Tulad ng inaasahan nasa likod nga lang niya ang dalaga. Pagpasok nila sa loob ay nilapag niya ang cellphone at ang basong hawak sa kanyang desk.
"Mukhang nahuli na tayo" Sabi ni Wilson at tiningnan kung may nawawala siyang mga papeles.
Sinarado ng dalaga ang pinto habang abala ang matandang lalaki sa pag tingin sa mga files niya kung may nawala. Kinuha na rin niya ang baril sa kanyang likod at tinutok sa matanda. Napatigil ito sa pagkalkal sa kanyang desk.
"Sit down" marahang sabi ni BANE. Sumunod naman ito at naupo.
"Wag kang gagawa ng kahit anong ingay. Wag ka na ring lumaban, ayoko maging marahas pa 'to" Walang emosyon nitong sabi. Parang isang robot ito umasta dahil sa wala kang makikitang emosyon sa kanyang mukha at mata.
Binaba ni BANE ang baril sa desk "Confess now" Kinuha ni BANE ang upuan sa kanyang gilid at umupo kaharap ni Mr. Wilson.
"What's the meaning of this?" Naguguluhang tanong ng matanda.
"Hindi ba't dapat ako ang magtanong niyan sayo? Anong ginawa mo at gusto kang ipapatay?" Napalunok si Mr. Wilson sa narinig.
"Kung ganun..." pinutol na siya ni BANE "Kung ano man ang iniisip mo ay tama ka. Ngayon sagutin mo ang tanong ko. Anong ginawa mo at gusto ka nilang mamatay?" Kinuha ni Mr. Wilson ang kanyang baso at ininom ang wine.
"Nakita mo ba?..." napakunot ang noo ni BANE "Yung ngiti ni Sophie ngayon ang pinakamaganda kong nakita sa buong buhay ko" Naramdaman na naman ni BANE ang kakaibang kirot sa kanyang dibdib. "My beautiful daughter, walang siyang alam sa mga nagawa ko." Sabi nito at tumayo. Hinawakan naman ni BANE ang baril.
Natawa si Mr. Wilson at tumungo sa kanyang bookshelf para kunin ang isang file at isang bote ng alak. Nilagyan niya ang kanyang baso na parang nakikipag usap lang sa isa sa kanyang mga kaibigan.
"Tingnan mo" Sabi nito kay BANE at tinuro ang file. Kinuha naman ito ni BANE at binitawan ulit ang baril sa desk.
"Nandiyan lahat ng perang nakukuha ko sa mga kapartido ko. Nandiyan lahat lahat ng perang nakukuha ko sa suhol at sa marami pang bagay."
![](https://img.wattpad.com/cover/5465349-288-k377279.jpg)
BINABASA MO ANG
BANE
ActionMy name is BANE. When I was a kid, lagi akong nagtatanong kung bakit kakaiba ang pangalan ko. Ano bang meron sa pangalang ito? Dumating sa puntong natuto akong humawak ng baril at pumatay dahil kailangan. When it comes to battle, parang nawawala ak...