BANE - Fourteen

3.4K 110 4
                                    

3 leaders ng ibang bansa ang target ko ngayon.

May isang malaking event dito sa Pilipinas kaya nandito ang leaders ng kalapit na bansa. Mabuti na lang at malapit lang sa Marcota kaya hindi hassle pumunta doon.

'May balak bang tumakbo si Tanda?' Napailing na lang ako sa iniisip ko.

Naglakad ako papunta sa aking walk-in closet at pinindot ang switch na malapit lang sa switch ng ilaw. Automatic namang lumabas ang mga baril ko. I have 100 different kinds of gun pero ang pinakagusto ko ay ang Beretta Px4 Storm, Glock 26, and P239. Malilit lang sila pero sila ang pinakagusto kong gamitin.

Lumapit ako sa intercom para kausapin si Kyohei. Nagpagawa ako ng ID sa kanya.

Pagkatapos ko siyang kausapin kumuha ako ng isang backpack sa drawer at nilagay ang mga baril na dadalhin ko. Naglagay na rin ako ng iba't-ibang klaseng damit. Bumalik na ako sa kama at umupo. Hinilera ko ang mga baril na gagamitin ko. Isang katok ang dahilan kaya napatingin ako sa pinto.

Si Kyohei lang pala. Pumasok siya at nilapag sa kama ko yung mga ID.

"Anong oras?" Tanong niya. Kinuha ko muna yung mga ID bago sumagot sa kanya. "Hapon" matipid kong sagot. Nilapag ko na yung mga ID at nilagyan ng bala yung P239 at kinasa. "I'm ready" sabi ko with a evil grin on my face.

---

After class, humiwalay na ako kina Sophie at Ube. Nagyaya pa si Sophie sa bahay nila pero sabi ko na next time na lang dahil masama ang pakiramdam ko.

Dumiretso na ako sa isang malapit na store kung saan pinark ni Kyohei ang kotseng gagamitin ko. Pagpasok ko ng kotse, I set the window to tinted before ako magpalit ng damit.

Black long sleeve blouse at leggings ang suot ko, sinuot ko na rin yung ID na may "Media Press" na nakalagay. Sinuot ko na rin yung reading glass, belt, watch at wireless earphone na parang hikaw lang kalaki. Nasa pockets ko naman yung notebook at ballpen.

Lahat ng gadgets na dala ko ay galing sa Red Dragon. Hindi pumapayag si Tanda na gumamit kami ng ibang gadgets from other company tsaka hindi rin kami nagpapagawa sa iba. Lahat ng ito ay sariling version ng Red Dragon. Kami lang meron nito.

"Nasan ka na?" Tanong niya. Nasa kalagitnaan na ako ng pagdri-drive nang makareceive ako ng tawag kay Kyohei.

"Near the Hotel. Why?" kalmado kong tanong. Pinark ko na yung kotse 2 blocks away from the hotel. Marami na kasing nagkalat na security sa paligid.

"Nasa taas ng S3Y Building." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Yung building na yun is adjacent lang nung hotel. Anong ginagawa mo Kyohei?

"Bakit ka nandyan? Wag mo sabihing nagpapahangin ka lang? This is my mission Kyohei" narinig kong tumawa siya. Kinuha ko yung telescope na nasa loob ng bag. Lokong Kyohei kumaway pa.

"Tumawag yung secretary ni -- " di ko na siya pinatapos dahil hinagis ko na yung cellphone sa labas ng kotse sa sobrang inis.

Bakit di ako sinabihan ni Tanda na may kasama ako sa misyong ito? Paano na lang kung may mangyaring masama at madamay si Kyohei? Ays! Humanda yung matandang yun sa'kin pag natapos ko na ito.

--

Walang hirap akong nakapasok sa hotel. Sa isang private room nila inipon lahat ng media. Tahimik lang akong nakaupo nang may lumapit sa aking lalaki na may hawak na camera. Cameraman ng ECT network.

Nakalagay sa ID niya, wag kayong mahadera hindi ako tulad ni Ube na nakakabasa ng tao at hindi ko pinangarap na maging tulad niya.

"Ngayon lang kita nakita ah! Bago ka lang ba?" napalunok ako sa tanong niya. Hindi dapat siya makahalata kundi ay mabubuko ang cover ko.

Pinakita ko na lang yung ID na gawa ni Kyohei. "Ay, sorry ma'am." sabi niya ay umalis. Isang senior reporter kasi ako ngayon.

Ilang minuto lang ang lumipas ay pinatawag na kami at dinala sa isang session hall. Lahat ng leaders ng bawat country ay nasa harapan. May kanya-kanya silang podium. Umupo na kami sa bawat table na naka assign samin. Nagsimula na ang forum.

Halos antukin na ako dahil hindi ko maintindihan mga sinasabi nila. Kesyo dapat daw ganito, ganyan. Mas matutuwa ako kung ginagawa nila mga sinasabi nila. Politicians. Hay ewan!

Kinuha ko na lang yung notebook at ballpen at kunwaring nagsusulat. Napansin ko namang kanina pa tumitingin yung nasa likod ko. Tinignan ko siya ng masama.

"Pati ba naman dito mangongopya ka? Wala kang pake sa sulat ko dahil may sarili akong font. CHURA nito" sabi ko at binalik ang tingin sa harap.

Halata namang di siya makapaniwala sa sinabi ko. Pinipilit ko lang na di tumawa ng malakas. Perks of being bored. Sorry. Huminga muna ako ng malalim. Focus BANE! Pasensya na kailangan ko lang ng pampagising ng dugo.

Nasa harap na yung tingin ko, mas maningkit yung mata ko dahil nakita ko na yung isa sa mga target ko.

Let's start the game baby!

Pasimple kong tinukod yung braso ko sa table at inikot yung relo ko, nagsimula ng gumalaw yung timer ng watch na suot ko. It contains a virus. Napahawak na lang sa may leeg niya yung inasinta ko.

10 minutes. 10 minutes lang at magsisimula nang maparalyze ang buong katawan niya at mamamatay siya nang hindi malalaman ang dahilan.

This virus is designed to paralyze the target then pag namatay na ang target mawawala na rin ang virus. Kailangan ko nang isagawa ang second move.

Inilagay ko muna sa ilalim nung table ang isang bomba. Nakaset din ito ng 10 minutes.

Tumayo na ako at naglakad palapit sa harapan. 10 minutes lang ang oras ko para pabagsakin yung 2 pang leaders. In 10 minutes, kailangan ko ring makaalis dahil kung hindi sabay akong matutupok ng malakas na pagsabog.

BANETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon