BANE - Twenty Four

1.2K 42 5
                                    

Pagkahiwalay ni BANE sa binata ay agad naman nitong hinanap ang target. Maraming mga foreigner na bisita. Bawat isa ay busy sa mga mamahaling alahas na nasa exhibit.

Agad naman niyang nakita ang target, si Mr. Salcedo. Wala itong kaalam alam na nalalapit na ang kanyang katapusan.

Sinusundan lang ng tingin ni BANE ang target. Parang tiger na naghihintay na masunggaban ang usa na kanyang magiging pagkain. Hinihintay na mapag isa ito, bago lapitan at sakmalin ng buo.

Ngunit, sa kanyang pag iikot sa exhibit ay may nakapukaw sa kanyang mata na nagpahinto sa kanya.

"Well, my husband got this precious stones at London and I'm a lucky to have this..." paliwanag ni Mrs. Michelle Salcedo sa harapan ng mga bisita nito habang tinuturo ang isang mamahaling kwentas na kasama sa kanyang collection.

"Would you mind if I ask where in London? You know, just wanna ask my boyfriend to buy me one" sabat ni BANE sa usapan.

"Oh, dear! It's priceless. You can't easily get it like the ordinary people." sabi nito at ngumiti. Nagtawanan naman ang mga foreigner na nakikinig.

"Blue spider?" bigkas ni BANE. Code ito ng isang organization na may mga access sa mamahaling alahas at mamahaling bato.

Nanlaki naman ang mata ni Mrs. Salcedo sa narinig pero hindi nito pinahalata na natuwa siya sa narinig.

"Maybe we can have a talk somewhere?" tanong niya kay BANE at niyaya ito palayo sa mga foreigner na kausap nila. Ngunit bago umalis, ay nakipagbeso muna ito sa lalaking katabi niya. Napansin naman ni BANE na nag iba ang itsura ni Mr. Salcedo sa nakita. Ngumiti lang si BANE at sumunod sa matandang nauuna sa kanya.

"Are you one of them? Do you have my money? " tanong nito sa dalaga. Hindi pinahalata ni BANE na hindi niya alam kung anong tinutukoy ng matandang babae. Sasagot na sana ito ngunit biglang dumating si Mr. Salcedo.

"Ano, yun ba yung lalaki mo? Nakipagbeso ka pa? Sa harapan ko pa?" galit na tanong nito habang mahigpit ang hawak sa braso ni Mrs. Salcedo. Hindi alintana na nasa harapan si BANE.

"Ano ba Jose, nasasaktan ako. Sa tingin mo ba magagawa ko sayo yun?" naiiyak na tanong ni Mrs. Salcedo.

"Malaman ko lang na iniiputan mo ako sa ulo, makikita mo ang hinahanap mo" sabi nito at binitawan ang kanyang asawa at lumayo.

"Okay lang po ba kayo?" tanong ng dalaga sa matandang babae.

"I'm okay. Ganun lang talaga siya. Sobrang seloso pero mahal niya ako. Mabait na tao si Jose." pagpapaliwanag nito sa dalaga.

"Lagi niya bang ginagawa yan sa inyo?" tanong ni BANE sa matandang babae ngunit hindi ito makatingin sa kanyang mga mata. Tila naghahanap pa ng ibang rason ang dalaga upang mas mapatunayan niya na dapat lang niyang patayin ang kanyang target.

"Ganun lang talaga siya pag nagseselos. Hindi ko naman siya maiwan kasi mahal ko siya at..." may pag aalangan sa kanyang mata na ituloy ang kanyang sasabihin ngunit nararamdaman niyang handang makinig ang dalaga sa kanyang sasabihin "kahit binabantaan niya ko na papatayin ako pag umalis ako, alam kong hindi niya naman magagawa yun"

Muli, nakaramdam si BANE ng awa sa matandang babae. Naramdaman na naman niya yung pakiramdam na dapat may gawin siyang tama.

"May alam ka bang ginagawa yung asawa mo na hindi maganda?" tanong niya dito.

"Hindi maganda? Wala. Hindi ganung tao si Jose. Bakit? Isa ka ba sa mga katrabaho ng asawa ko? " tanong ng matanda na nakatingin na sa mata ni BANE.

Alam ni BANE na may tinatago ito sa kanya at nakikita niyang takot ang matandang babae.

"Kaya kitang tulungan. Kaya kitang ilayo sa kanya." sabi ni BANE at hinawakan ang kamay ng matandang babae. Magsasalita pa sana si Mrs. Salcedo ngunit lumapit ulit si Mr. Salcedo at hinatak ito papunta sa maraming bisita. Tila hindi nangyari ang usapan nilang mag asawa kanina at masiglang nakikipag usap sa mga bisita habang hawak ang kamay ni Mrs. Salcedo.


BANE'S POV

Alam kong may mali sa mga nangyari kanina. Mula sa malayo ay pinagmamasdan ko pa din ang mag asawa na nakikipag usap sa mga bisita.

Una, may alam siya sa mga ginagawa ni Jose ngunit takot siyang iwan ito dahil sa pagbabanta nitong papatayin siya. Sino nga naman ang hindi matatakot? Isang mayamang housewife but despite her fortune, hindi siya makalaban sa asawa niya.

Pangalawa, ano yung tinanung ni Michelle sa akin about sa pera niya? One of them? Sinong "them"?

Nilapitan na ako ni Kyohei na kaninang pang nakatingin sa akin simula pa lang na kausap ko si Michelle.

"I think you need my help." umpisa niya ng makalapit sa akin. Tumingin naman ako sa kanya kaya nagpatuloy lang siya sa pag sasalita.

"That guy from your 3 PM, he's one of the buyer ng info ng Red Dragon. This is not a jewelry exhibit. Ginamit lang ito ni Jose para pagtakpan ang pagbebenta niya ng info ng RD." Sabi ni Kyohei habang tinitingnan ang alahas na nasa harapan namin.

Agad ko namang tiningnan ang lalaking tinutukoy ni Kyohei, pamilyar nga ang mukha niya sa akin. Kasama siya sa pictures na binigay na possible buyers sa akin ni Natsume.

"Hindi lang yang lalaki na yan ang gustong bumili, may mga nakita pa akong umaaligid kanina sa labas. You can use me. I can help you, BANE." sabi ni Kyohei habang nakatingin sa mata ko at naghihintay ng magiging sagot ko.

Can you really help me?

Sincere ka ba sa sinasabi mo?

What if tanungin kita kung para saan yung gamot, kung bakit kailangan kong inumin yun, matutulungan mo kaya ako, Kyohei?

"Okay, fine. Here's the plan." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

BANETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon