BANE - Eleven

3.4K 112 4
                                    

Pagkatapos namin sa Gym dumiretso kami sa isang Japanese Restaurant, libre daw lahat ni Cyrus.

Magkatapat kami ni Cyrus sa upuan.

Nawe-weirduhan na nga ako sa kanya dahil kanina pa siya ngiti ng ngiti. Ang creepy lang.

Inabot na nung waiter yung menu sa amin.

"Sagot ko na. Order anything you want" Sabi ni Cyrus at ngumiti na naman. Order anything pala huh! Mamumulubi ka ngayon.

"Give me your best dishes." Tumango tango naman yung babaeng waiter. "Tska... ito... ito... ito pa... hmm... ito rin pala... tsaka 3 nito... at nito din..." Pag tingnin ko sa mukha nila ay gulat lang ang expression nila. Nakakagutom lang kasi ang mag gym tsaka mas masarap pag libre.

"Masyado bang madami?" taas kilay kong tanong.

"No. Okay lang basta ikaw" sabi ni Cyrus at kinindatan ako.

"Okay!" Sabi ko at tumango.

Sila naman yung nagsabi ng order nila. Iuuwi ko na lang siguro yung hindi ko mauubos o di kaya dadalhan ko bukas si Sophie at si Ube. For sure, magtatanung yung mga yun or si Sophie lang kung bakit ako absent.

Nang dumating na ang pagkain una na akong kumain.

"Oh bakit? Ngayon lang ba kayo nakakita ng magandang kumakain? Di niyo ba alam na ang pagtitig sakin is a big crime?" mataray kong tanong. Well, the pag titig part is true naman.

Nakakairita naman kasi, ang sarap ng kain ko tapos sila kung makatingin sa'kin kala mo may ginawa akong kasalanan. Masama bang kumain? ha? ha? Kainis.

"Ang cute mo palang kumain." Si Cyrus.

Aysus! Mga istilo mo Cyrus.

Nag smirk lang ako at nagsimula na ulit kumain. Ganun na rin naman ang ginawa nila. Nasa kalagitnaan parin ako ng pagkain nang hawakan ni Kyohei ang mukha ko.

Anong problema nito? Tiningnan ko lang siya. Dumapo ang kamay niya sa gilid ng labi ko at ramdam ko ang mainit niyang kamay.

"Hinay hinay kasi. Parang di kita nilulutuan sa lagay na yan eh." tapos bumalik siya sa pagkain.

Si Kyohei talaga. Pwede naman niyang sabihin na may dumi ako sa mukha. Pakiramdam ko tuloy nasa labi ko parin yung kamay nya. Eeeee? Ano ba BANE, tigil tigilan mo muna yang iniisip mo mag focus ka muna sa pagkain. Oo tama, mag fofocus muna ako sa pagkain.

"Bakit? Cook ka ba niya?" tanong ni Cyrus na nakatingin kay Kyohei.

Ahm... parang di ko na gusto yung nangyayaring titigan nila.

Ngumisi muna si Kyohei bago sumagot "Hindi. Pero magkasama kami sa bahay. Grabe nga humilik ito eh!" sabi niya at tumingin sa'kin.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Lagot ka sakin mamaya sa Mansion.

"Kumain na lang kayo" pag iiba ng usapan ni Armand.

Wooh!

Saved by Armand.

---

Pinabalot ko na lang yung mga di ko naubos na pagkain. "Ahm, Maizi sa sabado pala may laban ako. Punta ka ha!" sabi ni Cyrus at humiway na sa amin.

Pagpasok ko palang sa kotse kantyaw na agad ni Armand ang narinig ko. "Mukhang malakas tama sayo nun BANE hahaha"

"Malakas kamo ang tama sa utak" sabi ni Kyohei na nakasimangot ang mukha. Aysus! I smell jealous scent here.

"Siya nga pala, bakit yung false name mo yung binigay mo?" tanong ni Armand. Ay, oo nga pala.

"Mas maganda na mag ingat. Galing siyang Japan, so in my perspective baka kilala niya ako or alam niyang may BANE na nag eexist. " tumango tango lang si Armand.

"You're right. Sorry, dapat nag iingat ako." Sabi ni Armand at nagdrive na.

Nakarating na kami sa Mansion. Wala si Dad which is natural naman.

Bakit ko pa siya hahanapin kung alam ko naman na busy siya sa "TRABAHO" niya. Minsan di ko talaga maiwasang ikumpara yung ibang magulang sa kanya. Yung iba naman kahit busy they can still manage their time.

Pero ganun nga talaga siguro ang buhay....

Magkakaiba...

Walang magkaparehas.

BANETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon