Violet's POV
1 PM na pero tuloy tuloy parin ang ulan sa labas.
"Come with me Violet" Dad interrupt me while thinking. Naibaling ko ang tingin ko sa kanya na kanina ay nasa labas ng bintana.
"Dad, wag mo nang ipilit please." I said. Gusto kasi niyang sumama ako sa kanya sa dinner niya with his business partner para ipakilala sa anak nito.
This is the 3rd time for pete sake. Napa-sigh na lang siya. Remember, I'm a mind reader kaya kahit hindi niya pa nasasabi alam ko na.
"Okay, okay. Hindi ko na ipipilit. Aalis ka ba?" tanong niya habang hinahanap yung susi ng kotse sa table.
"Sasabay ako Dad" I smiled. Binaba ako ni Dad sa intersection katapat ng Bookstore.
Hindi na ako nagpahatid sa mismong store dahil mapapalayo pa siya ng ikot. Habang hinihintay kong mag red ang stoplight mas dumadami yung mga tatawid.
Tatawid na sana ako nang may humawak sa kanang kamay ko. Isang matandang babae na kakaiba ang mata. Hindi siya katulad sa atin. Walang iris yung mata niya.
"Alam ko kung ano ang kaya mong gawin" Sabi niya habang kinakapa ang palad ko. Nakatitig siya sa'kin. Titig na tagos hanggang kaluluwa.
"Nakatatak na sa kanyang pagkatao ang kamatayan. Ikaw ang pumigil sa kanya. Tulungan mo siya" Hinila ko na ang kamay ko dahil parang napapaso na ako sa init ng hawak niya.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Natatakot na ako sa kanya dahil hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Hindi ko mabasa kung sino siya dahil nakasara ang pintuan ng kaluluwa niya at yun ay ang kanyang mata.
"Hindi mo ako mababasa Violet dahil sinadya kong gawin ito sa aking mga mata. Alam kong magkikita tayo kaya ko sinarado ang pintuan ng pagkatao ko. Isang babala ang nais kong iparating. Wag na wag kang titingin sa mga mata niya dahil kamatayan ang mangyayari" biglang nag-iba ang paligid, nawala yung mga tao sa paligid ko. Wala na ring mga sasakyan. Tanging kami na lang ng matandang ito ang natira. Sa isang pikit lang napunta na ako sa isang conference room.
May babaeng tumayo at pumunta sa harapan. Hindi ko makita yung mukha niya. Malabo. Nagsigawan ang mga tao.
Isa, dalawa, tatlo, apat... sunod sunod na putok ng baril. Lahat ng nasa harapan niya, isa isang bumagsak... Wala siyang tinirang buhay.
Takot at galit ang namamayani sa'kin. Bakit niya ito ginagawa? Para siyang halimaw... Hindi. Isa siyang demonyo. Wala siyang awa. Isang malakas na tawa ang dumagundong sa buong kwarto.
Nag eenjoy siya sa pag patay ng tao? Anong klaseng nilalang ka?
Sunod kong nakita ay mga apoy at usok. Lahat... Lahat sila ay humihingi ng tulong. Puro iyak at pagmamakaawa.
Pero...
tanging halakhak lang ang naririnig ko mula sa kanya.
Nasan ba ako? Gusto ko ng lumabas. Ayoko na, tama na. Sigaw ako ng sigaw pero walang nangyayari.
Tama na. Ayoko na.
Napaupo na lang ako sa sahig at napansin ko na lang na umiiyak na ako.
Nawala ang apoy, usok at mga tao.
Naglalakad palapit sa'kin ang halimaw.
Napalunok na lang ako dahil sa akin na pala nakatutok ang baril niya.
Ito na ba ang katapusan ko? Ito na ba?
Pumikit na lang ako.
"Oo, ito na nga ang katapusan mo Violet."
Unti unti...
Naramdaman kong tumama sa ulo ko ang bala...
Pag bulat ko ng mata, kisame kaagad ang nakita ko. Medyo malabo pa kung sino ang mga kasama ko pero alam kong si mommy yung nasa tabi ko at si daddy yung kausap nung doctor.
"Mommy? Paano niyo ko nahanap?" nanghihinang sabi ko.
"Nahanap? Wala ka bang naaalala?" Ang alam ko nasa kalsada ako, may lumapit na matandang babae at... kinapa ko yung noo ko pero wala akong tama ng bala. Imposible. I know what happened there. Naramdaman ko.
"Remember hinatid ka ng dad mo? Ang sabi niya sa'kin hindi pa daw siya nakakalayo sayo bigla ka na lang hinimatay." Pumasok si Daddy at tumabi kay mommy.
"Nahimatay? Pero may lumapit sa aking matanda" Nagkatinginan si mom at dad sa sinabi ko. Imposibleng wala lang yun. Alam kong totoong nangyari yun.
"Violet, walang matanda. Nagulat na nga lang ako dahil bigla kang natumba sa daan." Hindi. Sigurado talaga ako. Sigurado ako sa nangyari pero bakit hindi nakita ni dad? Ano ba nangyayari sa akin? Bakit pinakita niya sa'kin yun?
"Magpahinga ka na muna Violet" Sabi ni mom. Tumango na lang ako at pumikit pero hindi ko kayang matulog dahil sa mga nangyari.
Ilang minuto na rin akong nakapikit at iniisip kung ano yung nangyari. Wala paring akong ideya kung bakit nangyari yun.
Nainip na siguro si mom kaya binuksan na yung tv "Isang sunog ang tumupok sa K-Square Conference. Walang nakaligtas sa aksidente. Sinasabing narito ang leader ng iba't-ibang bansa. Sinusubukan pa naming kumuha ng iba pang impormasyon." Napabangon ako sa narinig ko.
Yun yung place...
Yun yung nakita ko...
Totoo siya...
"Violet may problema ba?" tanong ni mom.
"Mom, nakita ko yan. Alam ko kung sino may gawa niyan" Sabi ko habang tulutulo ang luha ko habang nakatingin parin sa TV.
Oo tama ako, yan nga yun. Totoo siya. Anong ibig sabihin nito?
"Calm down Violet. Don't cry baby. I'm here" Naramdaman ko na lang yung yakap ni mom sa'kin.
Sino siya? Bat niya ginawa yun? Bakit tuwang tuwa siya habang pumapatay?
Kaya ko na rin bang makita ang mga mangyayari? Pero bakit? Paano? Ayoko nito. Hindi ko ito gusto. Bakit ako? Bakit sa akin pinakita ito?

BINABASA MO ANG
BANE
ActionMy name is BANE. When I was a kid, lagi akong nagtatanong kung bakit kakaiba ang pangalan ko. Ano bang meron sa pangalang ito? Dumating sa puntong natuto akong humawak ng baril at pumatay dahil kailangan. When it comes to battle, parang nawawala ak...