Paglabas ko ng school nakita ko agad si Kyohei. Naalala ko bigla yung sinabi ni Sophie na gusto niyang makilala si Kyohei.
Pagbigyan ko kaya siya? Birthday naman niya next week.
Ngumiti ako kay Sophie na nasa tabi ko bago lumapit kay Kyohei na nakatayo sa harap ng kanyang pulang Aston Martin One-77, pinaka favorite niyang sasakyan.
"Let's go?" tanong niya sa'kin. Tiningnan ko naman siya ng masama.
"May kasama ako, hello?" mataray kong sabi, natawa naman siya.
"Sorry. I'm Kyohei, you are?" sabi niya at naglahad ng kamay kay Sophie. Tumingin naman ako kay Sophie, nagblush siya. Naku, naku, naku!!!! Yan na nga ba ang sinasabi ko.
"S-sophie" sabi niya at nakipagshake hands pero kinuha ni Kyohei yung kamay niya at hinalikan.
Anak ng. Inagaw ko na yung kamay ni Sophie. Narinig ko namang tumawa si Kyohei kaya siniko ko siya ng malakas sa tyan. "Sissy, we have to go. Bye!!!" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.
---
Nasa biyahe na kami papuntang Mansion pero tawa parin ng tawa si Kyohei. Naiinis na ako, para siyang tanga sa ginagawa niya. Di na ako nakatiis kaya hinarap ko siya.
"Ano ba? Naiinis na ako sa kakatawa mo." napatingin naman siya sa akin pero binalik lang niya yung tingin sa kalsada.
"Bawal ba maging masaya? " nakangising tanong na naman niya.
"May sinabi ako? Para ka nang baliw diyan. Wala namang nakakatawa, tawa ka ng tawa. Baliw!" sabi ko at umirap sa kanya kahit di siya nakatingin sa akin. Tawa na naman ang sinagot niya sa'kin.
Bahala ka sa buhay mo. Nagcross arms na lang ako at tumingin sa labas ng bintana.
"Tigil mo diyan" sabi ko. Tumingin lang siya at sumunod naman. Mabilis akong bumaba at malakas na sinara yung pinto ng Aston Martin niya. Sana masira.
Pumasok na ako sa Ice cream store. Bahala siya kung susunod siya. Nag order na agad ako pero sa'kin lang. AKIN LANG.
Nakita ko na lang siyang pumasok ng store at umupo sa harap ko. Tinitigan ko lang siya ng matalim pero ngisi lang ang sagot niya.
Bwiset. Naiinis na talaga ako. Sapakin ko kaya ito? Hmp. Wag na lang sayang ang face. Hays. Nakakainis talaga!
Sinabi kong wag na siyang tumawa pero ginawa niya parin tapos concern na nga ako sa kanya (na hindi naman talaga LAGI) pero wala parin siyang reaksyon. Balak ko sana siyang dalhin dito dahil alam kong mahilig siya sa ice cream pero mukhang di parin siya magrereact. Sinong hindi maiinis di ba? Sayang effort! Porket nilandi niya lang si Sophie kanina ganyan na siya. Teka nga, bakit ba ganito ako makareact?
Napatingin na lang ulit ako sa kanya dahil nagpipigil siya ng tawa.
Napansin kaya niya yung pagbabago ng expression ko? I cleared my mouth at umayos ng upo. Dumating na rin yung order ko. It's chocolate flavor with nuts on top. Pinalagyan ko din siya ng maraming chocolate syrup.
Seriously, kelan ko pa nagustuhan ang ganitong flavor? Bahala na. Di ko naman siguro ikakamatay ito. Kinuha ko na yung kutsara at kinain yung ice cream.
Hinayaan ko lang siyang panuorin ako habang kumakain. MAINGGIT ka please!
Hindi siya umorder. Pero hindi ko pa nakakalahati yung ice cream tumigil na ako. Tumingin ako sa kanya at tinulak yung ice cream sa harap niya. Hindi ko naman kasi gusto yung flavor. Naiinis lang ako kanina kaya kinain ko.
"Alam ko namang para sa'kin itong ice cream. You don't like this flavor. You're a mocha girl" sabi niya at kinuha yung kutsarang ginamit ko at kinain yung ice cream. Aagawin ko sana pero mabilis siyang umiwas. Inirapan ko na lang siya. Pagkatapos niyang kumain nagbayad na ako. Tahimik pa rin akong pumasok sa kotse niya. Ikamatay mo sana ang awkwardness.
"Ako naman ang manglilibre next time" kahit hindi ako nakatingin sa kanya alam kong ngumiti siya. Di ko na lang yun pinansin hanggang sa makarating kami sa Mansion.
Mukha ba akong nagseselos? Ako nagseselos? Bakit naman ako magseselos? Duh!
Si Kyohei lang ito. Ano ba naman kung makipagharutan siya kay Sophie di ba? Sus! Wala lang sa akin ito. I saw him doing the same thing sa ibang babae.
Mas naiinis lang ako ngayon kasi si Sophie ang involve? Tama. Dahil si Sophie yung nilalandi niya kaya naiinis ako. She's my friend. I mean, Maizi's friend.
Napabuntong hininga na lang ako at binagsak ang sarili ko sa kama.

BINABASA MO ANG
BANE
ActionMy name is BANE. When I was a kid, lagi akong nagtatanong kung bakit kakaiba ang pangalan ko. Ano bang meron sa pangalang ito? Dumating sa puntong natuto akong humawak ng baril at pumatay dahil kailangan. When it comes to battle, parang nawawala ak...