BANE - Nineteen

2.4K 73 2
                                    

Maaatim mo bang kunin ang kaligayahan ng isang tao lalo na kung malapit na siya sayo?

Hindi close si Sophie sa mommy niya, at dahil sa mission kong 'to... maaaring mawala ang daddy niya.

"Hey, BANE will you stop walking around kanina pa ko nahihilo diyan sa ginagawa mo" sabi ni dad.

"Dad, can I ask you a question?" tanong ko.

"Of course you can. Sit down. Here" naglakad ako palapit kay dad at naupo sa tabi niya.

"Can you take away someone's happiness? Hope? and... life?" I ask him while straightly looking in his eyes.

"What are your reasons?" He asked while patiently waiting for my answer.

"Kasi... obligado ka. Whether you like it or not you need to do it."

"Is it about your mission to the Red Dragon?" Tumango naman ako bilang sagot.

"I think, I already explained this to you BANE." He said and patted my head and leave me in the sala.

For the 3rd time, I got the same answer. Kapag nakakaramdam ako ng pag aalangan sa mission ko, ganyan ang sagot niya.

Ano nga ba ang sinagot niya sa'kin? "Na kung para sa RD gawin mo. Nakakabuti ito para sayo at sa lahat" but damn. Would it be valid and right kung ako lang ang makikinabang? Hindi ba selfishness na yun?

The issue is not only for me, the real issue here is kung aalisin ko ba ang isang importanteng tao sa buhay ng isang taong tinuring akong kaibigan...

Hindi BANE, hindi lang basta isang kaibigan kundi...

Isang kapamilya rin.

Pinagkatiwalaan niya ako...

Ano bang tama? Ano bang dapat kung piliin? Mukhang mababaliw na ko kakaisip.

"Do what do you think is right" seryosong sabi ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Inabot niya ang isang cup of coffee sa akin. Kinuha ko naman yung coffee, sayang din. Umupo siya sa tabi ko.

"Minsan mahirap talagang gawin kung anong tama lalo na kung kilala mo o importante sayo yung maaapektuhan" kasabay ng paghigop niya sa coffee na hawak niya ay ang pagbuntong hininga ko.

"May tiwala ako sayo BANE. You know what to do" he smiled. He really know how to make me feel better.

"Thanks Kyohei" yun na lang ang nasambit ko. Well, I guess okay na kami ng mokong na ito.

************

Ito na ang huling practice namin para sa cotillion ni Sophie at sa bawat araw na yun, isa isa ko na rin siniset-up ang mga gamit ko sa bahay nila. Kaya ko nang patigilin ang mga cctv nila at kabisado ko na rin ang bahay nila.

"Maiz, I'll wait you at the sala okay?" sabi ni Sophie at iniwan ako sa CR. Binuksan ko ang kisame ng cr niya kung saan ko tinago ang iba ko pang gamit. Sinarado ko na ulit ito pagkatapos kong ilagay ang baril at silencer ko.

Ilang minuto ko rin tiningnan ang sarili ko mula sa salamin at naghilamos.

Sana maintindihan ni Sophie ang gagawin ko.

Lumabas na ko ng cr at sinuot ang maskarang ngiti.

Maskarang lagi ko ring suot pag kasama ko sila. Maskarang tinatago ang totoo kong nararamdaman. Maskarang gusto ko nang tanggalin at sirain. Maskarang nagtatago sa tunay na si BANE.




BANETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon