Violet's POV
May mga bagay na natatago ang isang tao. Mga sekretong ayaw mabunyag. Mga ugaling tinatago. Mga kahapong pilit nililimot. Pero para sa isang tulad ko lahat yan ay nalalaman ko.
"Violet" tawag ng isang lalaki sa'kin habang naglalaro ako sa playground. 8 yrs. old palang ako nung malaman kong nakakabasa ako ng isip ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang mata. Segundo lang akong tititig sa kanya, mababasa ko na siya.
"Mr. Lee ikaw po pala" mukhang nagulat naman siya na kilala ko siya dahil ito ang unang beses naming pagkikita. Business partner siya ng Dad ko pero balak niyang traydorin si Dad, yan ang nababasa ko sa mga mata niya.
"Kamusta na po yung anak niyo sa isa niyong asawa?" Nakangiti kong tanong.
Napaka inosente ko pa noon para malaman na mali pala ang mga nasabi ko. Wala akong alam na isang sekreto pala ang naibunyag ko.
Sinabi na lang sa'kin nila mommy na naghiwalay sila Mr. Lee at ang asawa niya dahil sa sinabi ko. Nabunyag din na meron pang ibang anak si Mr. Lee.
"Dad, di ko naman alam na secret pala yun. Tsaka may isa pa akong nalaman, he wants to get our company." umiiyak kong sabi. Nagkatinginan naman sila mommy nung sinabi ko yun.
"Violet." kinarga ako ni Dad habang si Mommy naman katabi niya. "You're special baby. Kahit anong malaman mo sa ibang tao keep it as your secret too. Ayokong yan ang magpapahamak sa prinsesa ko" then Dad kissed my forehead.
Present day.
"VIOLEEEEEEET" sigaw ni Sophie ang bumungad sa'kin ng makarating ako sa corridor ng university namin. She's my bestfriend. Family friends ang dahilan kaya nakilala ko siya nung bata palang ako. Alam din niya ang kakayahan ko na makabasa ng identity ng isang tao.
Lumapit siya sa'kin at akmang hahampasin ako sa braso pero nakaiwas ako. "Psh. Oo na, alam ko naman na alam mo na ang sasabihin ko." Sabi niya at sumimangot.
Ngumiti na lang ako at sumunod sa kanya papuntang classroom.
Hanggang ngayon di ko parin tanggap ang kaya kong gawin. Habang tumatanda ako lalong nadedevelop tong abnormality ko like nababasa ko na yung susunod na ikikilos ng isang tao. Yeah, I called it abnormality and you can't blame me.
Lahat ng surprise birthday sa'kin nalalaman ko agad. Nagpapanggap lang akong hindi ko alam para hindi sila malungkot. Lalo na tong si Sophie na mahilig gumawa ng surprise.
Umupo na kami ni Sophie. Ngayon kasi ipapakilala ng head master yung bago naming classmate.
Pumasok na si Mr. Lao, isang babae from Japan ang transferee. Yan ang nababasa ko sa mata niya. Mukhang natutuwa si Mr. Lao sa estudyanteng ito, malaki kasi ang contribution ng pamilya nitong babae sa university.
Sinenyasan niya na ang babae para pumasok.
Isang babaeng hanggang bewang ang buhok at may pagkachinita ang mata ang pumasok sa pinto.
"I'm Maizi Kitagawa. Nice meeting you all" at nag bow siya.
Tumahimik naman ang buong klase. Parang may dumaan na isang anghel. Nakakamangha naman talaga ang presensya niya. Para siyang anghel na pinadala ng langit para patigilin ang pintig ng puso mo.
Pinaupo na siya ng professor namin sa upuang nasa harapan ko. Nang matapos ang discussion lumapit agad si Sophie sa upuang nasa harapan ni Maizi kaya napahinto ito sa pagtayo.
"Hi! Remember? Ako yung sa coffee shop!" Masayang sabi ni Sophie.
"Small world. Dito ka rin pala nag aaral." Nakangiting sagot niya pero halata ang sarcasm.
Napatingin naman siya sa akin na nakapwesto sa likod ni Sophie.
Nagkatitigan kami.
Nabigla ako sa mga nakita ko.
Pero bakit ganun? Bakit iba?
Binalik na niya yung tingin niya kay Sophie at nagsimula na silang lumakad palabas.
Simula nung 8 yrs. old ako, lahat ng good traits ng tao sa right side ng mata ko nakikita. Nasa left naman ang mga sekreto at pangit na traits.
Pero kakaiba yung kay Maizi, nasa left side yung good traits niya. At ito ang mas nagpapataka sa'kin, biglang naging blangko yung mata niya.
Nawala yung nakita ko kanina.
Kinilabutan ko sa nangyari. Ngayon lang nangyari sa akin ito.
"Hoy, Violet tara na! Gutom na ako." Sigaw ni Sophie na nagpabalik sa katinuan ko.
Sumunod na lang ako sa kanila habang nagtatawanan sila.
Sino ka ba Maizi?
Bakit ganito ang pagka-curious ko sayo?
Anong pinagkaiba mo sa kanila?
May tinatago ka rin ba?
———
BANE'S POV
Si Kyohei ang naghatid sa'kin sa bagong school ko. Kahit naman may mga mission ako sa Japan, hindi parin pinapabayaan ni Tanda yung studies ko.
Yun nga lang home study lang ako pero minsan naman sinasama nila ako sa regular class pag wala akong mission.
Kasama ko si Sophie. Biruin mo yun, yung babaeng humampas sa braso ko ay classmate ko pala. Napakaliit na talaga ni Earth.
Pati yung bestfriend niyang tagos kung laman makatitig ay kasama din namin. Siya si Ube!
"Mga Sis, CR lang ako. Babush!" Sabi ni Sophie at umalis na. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. Kahit na di ako nakatingin sa kanya ramdam ko ang tagos butong tingin ni Ube.
"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko habang patuloy parin sa pagkain ng fried rice, fried egg and adobo. Matagal na din akong di nakakatikim ng Filipino food.
"Who are you?" Napatingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin.
She's trying to read me. AGAIN.
"Can I ask you something?" Tumango naman siya habang nakatitig parin sa mata ko. "Are you pure Filipino?"
"My parents are both half Japanese." Mabilis niyang tugon.
Tama nga ang hinala ko. She's from the family in Japan who can read one's identity. Sorry na lang Ube, I know how to hide my identity.
I was trained to hide it.
Magsasalita na sana ako pero "Don't worry. Malalaman ko rin ang identity mo. Aalamin ko yun." She said in a very serious way.
"Okay Ube!" I said while grinning.
"It is VIOLET" Nakakunot noo niyang sabi.
Mukhang magkakasundo ko itong si Ube. Tatayo na sana siya para umalis nang dumating si Sophie.
"Mukhang magkasundo na kayo ah?" Tanung niya at umupo sa tabi ni Ube.
"Oo. Makakatawa kasi tong si Ube eh." Mas lalo namang naging miserable ang mukha niya.
"Wow! May endearment na rin" natatawang sabi ni Sophie.
bzzzt....bzzzt....
I received a message from Japan.
Tumayo na ako "Guys, I need to go. See you tomorrow" at nagmadaling dumiretso sa gate ng university.
Exciting things are coming....
BINABASA MO ANG
BANE
ActionMy name is BANE. When I was a kid, lagi akong nagtatanong kung bakit kakaiba ang pangalan ko. Ano bang meron sa pangalang ito? Dumating sa puntong natuto akong humawak ng baril at pumatay dahil kailangan. When it comes to battle, parang nawawala ak...