BANE - Three

5.9K 191 6
                                    

Pagkalabas ko ng University nakaabang na si Kyohei sa may gate dala yung kotse niya.

Lahat ng babaeng madadaanan ko nakatingin lang sa kanya. Meron pa nga akong nakitang nakanganga eh.

Grabe!

Pero kahit ganoon ang nangyayari, sa'kin lang nakatingin si Kyohei.

Parang ako lang yung nakikita niya.

Kyohei is handsome. Yeah, no doubt. 6'1 ang height, medyo tan ang skin complexion, his hair color is brown with a pair of beauty hazel eye color.

Sino ang hindi mapapatingin sa kanya?

Mas lalong lumabas yung hubog ng muscles niya because of the tuxedo he's wearing right now. Di na ako magtataka kung merong mahimatay dito dahil kay Kyohei. Just kidding.

Isang ngiti ang sumalubong sa'kin nung nasa harapan na niya ako.

"Buti di ka late?" Tanong ko habang nakangiti.

"Gwapo kasi ako" then he chuckled.

"Edi pangit ka dati?" natatawang tanong ko.

"Gwapo naman talaga kasi ako eh" pagpupumilit niya.

"Anong connect? Yan ba ang epekto ng hangin ng Pilipinas sayo Kyohei?" sabi ko at pumasok na sa kotse.

Narinig ko pa ang pagtawa niya bago pumasok ng kotse. Nagdrive na siya pauwi sa Mansion. I get my phone and read the message again.

Meron na namang batang dinukot, 2 days na itong nawawala. Huling nakita malapit sa school ko.

Minamadali na rin ako ni Tanda. He wants me to get some evidence tungkol dun sa krimen. Yun din ang dahilan kaya maaga akong umuwi.

Tumigil na ang kotse at bumaba na si Kyohei.

Pinagbuksan niya ako ng pinto na lagi naman niyang ginagawa kahit nung nasa Japan palang kami.

Paakyat na sana ako sa kwarto ko ng magsalita siya.

"Pupuntahan nalang kita pag okay na yung dinner natin" Sabi niya at ngumiti bago pumunta sa kusina.

Isa sa mga hobby ni Kyohei ang magluto. Last 3 years nga ay nag aral naman siya ng Italian at Filipino food. Bukod sa pagluluto, parehas kaming nag aral ng iba't -ibang lenggwahe kaya walang problema kung saan man kami mapunta.

Nang makarating na ako sa kwarto ko, I get my laptop and put it on my bed.

"Who is Kizi Miroku?" I said while changing my clothes.

"Good day BANE. Based on the information that I have, Kizi is the only child of Miroku family. 15 years old and supplying of imported bags in Japan is the main business of the family. " Humiga na ako sa kama habang nakikinig.

"They also owned the 2nd Largest plantation of grapes in Japan" Mayaman nga ang pamilya nila pero bakit dito sila tumira?

"They migrated here in the Philippines because of some family issues."

"Walang ibang info?" tanung ko.

"Wala na BANE" sagot niya. Ang galing ng partner ko diba? Thank you developers!

"Sabihin mo nga kay Tanda na kailangan ko ng info sa Miroku family doon sa Japan"

"Ayay Captain!" then she giggled. I turned off my laptop and close my eyes.

Sino kaya ang gumagawa ng mga ito? Anong motibo niya?

Lahat naman tayo may rason sa lahat ng ginagawa natin. I killed people to protect our family business and to help them. Take note, I only killed bad people. BAD. Pero kung ako ang tatanungin, wala talaga sa balak ko ang maging ganito.

Yeah, given na ang masabihan ka ng 'COOL' at 'ASTIG' ng iba pero gusto ko rin maranasan yung buhay na normal lang. Normal, simple.

Ano kaya mangyayari sa'kin kung normal na tao lang ako? Ano kayang pakiramdam maging normal? Mas maganda bang maging ganito na lang?

Nagambala ang pagmuni-muni ko ng may kumatok sa pinto.

"BANE, ready na ang food" Sabi ni Kyohei mula sa labas ng kwarto ko.

"Susunod na ko" tumayo na ako at lumabas ng kwarto.

Inabutan ko siyang naglalagay ng plato sa mesa. Inabot naman niya sa maid yung apron na suot niya. Tanging maids and butlers lang ang kasama namin.

Umupo na ako sa upuan ni Tanda, the center. Ako ang umuupo dito pag wala siya. Umupo na rin si Kyohei sa upuan na nasa kaliwa ko. Isang mahabang mesa at labing dalawang upuan ang meron. Pang 13 pa yung inuupuan ko. Ewan ko ba kay tanda kong bakit sobrang haba at dami ng upuan. Balak ata pakainin ang buong Marcota pag umuwi siya.

Nakahilera ang maids at butlers sa magkabilang side namin ni Kyohei. Diretso ang mga tingin nila sa isa't-isa. Parang isang malaking kasalanan ang pagtitig nila sa'kin habang kumakain.

Una kong tinikman yung sinigang na niluto ni Kyohei.

SARAAAAAAAAP!!!!!

"Kumain na ba kayo?" Out of nowhere kong tanong habang tinitingnan yung butlers and maids na nasa gilid namin. Napatingin naman si Kyohei sakin.

"Sumabay na kayo samin" Sabi ko. Isang babae ang naglakas loob na magsalita para sa kanila.

"L-lady B-BANE, Hindi po dapat kami sumabay—-" Pinutol ko na yung sasabihin niya. Bakit ba takot sila kay Tanda? tapos sakin hindi? Aba! Aba! Aba!

"Wala naman si Tanda dito. As long as nandito ako, AKO muna ang sundin niyo. Naiintindihan niyo?" then I slightly show my deadliest smile. Mabilis naman silang kumilos at umupo na sa mga upuan. Napailing na lang si Kyohei at pinagpatuloy ang pagkain niya.

Naniniwala kasi ako sa kasabihan na 'MAS MASARAP KUMAIN PAG MARAMI KAYO' and for pete's sake, nakakailang kumain habang may mga taong naghihintay sa paligid.

Nauna na akong natapos sa kanila. Sabay sabay naman silang tumayo at nagbow nung umalis ako. Dumiretso muna ako sa garden para magpahangin. Merong mga bench dito kaya doon muna ako umupo.

"Anong mission mo ngayon?" tanong ni Kyohei mula sa likuran ko. Naglakad siya palapit sa tabi ko at umupo. Inabot niya sakin ang isang juice tapos sa kanya wine.

"DISKRIMINASYON? Anong kabaduyan yan Kyohei?" taas kilay kong tanong. Natawa naman siya. Wine vs Juice? Aba! Pantay na karapatan dapat.

"May pasok ka pa kasi bukas." Tumawa siya.

"Nakakalasing na pala ang isang baso. Weakling ako?" natawa naman siya sa pero naging seryoso na ang mukha. "Tungkol saan nga pala ulit yung mission mo?"

"Ah! yun ba? May mga japanese na bata kasing dinukot. Gusto malaman ni Tanda kung bakit anak ng mga business partner niya yung kinukuha" Sagot ko habang nakatingin sa buwan.

"May lead ka na ba?" Tanong niya ulit habang nakatitig sa'kin. Kahit hindi ko siya tinitingnan alam kong sa'kin siya nakatingin.

Umiling na lang ako at ininom yung juice na binigay niya. Tumayo na ako dahil naiirita na ako sa pagtitig niya. Papasok na ako sa loob ng magsalita siya.

"tener cuidado BANE" napangiti na lang ako habang nakatalikod sa kanya.

Isang half japanese at filipino mag sasalita ng Spanish. Ang cute niya pakinggan pero yung sinabi nya hinding hindi ko kakalimutan...

BANETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon