BANE - Twelve

3.4K 109 1
                                    

Pagkauwi sa Mansion dumiretso na ako sa kwarto ko. May balak pa atang maglaro ng chess sina Armand at Kyohei. I get my laptop from the side table near the bookshelves and lay down on my bed. I activate the voice commanding system. Tinatamad akong magtype ngayon.

"Kailangan ko ng info about Cyrus na kakilala ni Armand" I said. Automatic namang naglabas ng documents si Laptop.

"Anak ng isang Scientist at Business Tycoon. Nag aral sa Nokahara Academy noong elementary siya. Noong 2010, nakapasa siya sa Tokyo University. Sa ngayon ay kumuha siya ng business course sa Japan pero nag drop out siya at lumipad dito sa Marcota. May ilang mga properties sila dito pero hindi ganoon kasikat." Kahit mukhang easy-go-lucky pala siya e, mukhang seryoso naman siya sa pag aaral. Imagine, nakapasa siya sa isang magandang school sa Japan.

"Paano sila nagkakilala ni Armand?" Tanong ko habang nakatitig sa kisame.

"Sa isang boxing competition sila nagkita. Inalok siya ni Armand na maging trainee niya." Tumango tango na lang ako. Ganun talaga si Armand, kung may nakikita siyang potensyal sayo walang pasubali ka niyang kakausapin para maging trainee niya.

"Kilala niya ba ako?"

"Kilala ka niya dahil sa title mo as the undefeated queen in Dracfield. Aside from that, wala na." I close my laptop at binalik ang tingin sa kesame.

Kilala niya pala ako pero mukhang wala siyang ideya sa itsura ko. Too bad Cyrus, napaikot na rin kita.

---

"Si Kyohei daw ang susundo sayo" Kay Armand ako nagpahatid papuntang school since he insist. Tumango na lang ako at pumasok sa loob.

Isang ngiti ang sinalubong ko kay Ube ng magkasalubong kami sa hallway. Napatingin naman siya sa hawak kong plastic.

"Japanese Food huh!" sabi niya. Magaling talagang magbasa itong si Ube. Nakabalot na sa tupperware yung food pero alam parin niya.

Meron kayang scanning device din yung mata niya? Tinakpan ko naman yung katawan ko.

"May scanner ka ba sa mata mo?" pabirong tanong ko.

"Di ka nakakatawa." Sabi niya at nauna na maglakad sa'kin. Sus! Sungit nitong Ube na to.

"Uy, Ube!" tawag ko sa kanya pero di niya ako nililingon. "Wala ka sigurong boyfriend dahil sa sobrang taray mo" napatingin naman siya sakin at mukhang umuusok ang ilong.

"A-anong sabi mo? Aba!? Tumigil ka Maizi baka pag nalaman mo kung sino nanliligaw sakin baka mainggit ka" nagulat ako sa sinabi niya at ngumiti. May nanliligaw kay Ube? Huwaw. Namula naman siya at dumiretso sa paglalakad.

"Sino yun? Ayiie." Pangangasar ko. Huminto siya at hinarap ako gamit ang poker face niya.

"Malapit na ang birthday ni Sophie. For sure, iimbitahan ka niya. Bukas, sumama ka sa'kin para malaman mo mga gusto niyang regalo" sabi niya at naglakad na ulit. Sumunod na lang ako. Mukhang kilalang kilala na talaga niya si Sophie.

Pwede ko kaya siyang pagkatiwalaan din? Mukha namang kaya niyang magtago ng sekreto lalo na sa kalagayan niyang ganyan (nakakabasa ng tao).

Paano kung hayaan kong basahin niya kung sino talaga ako? Kung sino talaga si BANE. Huhusgahan niya kaya agad ako?

Napangiti na lang ako sa nakatalikod na si Ube.

Pagpasok namin sa classroom nandoon na si Sophie. Binigay ko na yung Teriyaki sa kanya. Mukhang natuwa naman siya.

Sinusubuan niya si Ube pero hindi siya ngumanganga pero dahil mapilit si Sophie kinain din niya yung Teriyaki. Nakakatuwa silang tingnan. Unang beses kong makakita ng kaibigan na katulad ni Sophie.

'Ang swerte mo Violet' yan na lang ang nasabi ko sa isip ko.

---

Papunta na kaming Cafeteria nila Sophie nang may nagtext sa akin. Di ko alam pero kinabahan ako ng makita ang number ng secretary ni Tanda. Wala pang isang linggo nung nangyari sa Casino pero mukhang may mission na ako.

"Check your email BANE. - Your loving and handsome Lolo :* " yan ang nakalagay sa text.

Napa facepalm na lang ako sa isip ko. Anak ng! May kiss pa. Kadiring matanda sana hinintay na lang niyang i-open ko yung email ko hindi yung nagtext pa siya. Mahal kaya ang bayad sa overseas text. Sana binigay na lang niya yung pera niya sakin hindi yung inaaksaya niya.

"Maizi, next saturday na yung birthday ko and I want you to be there" naalis lang yung tingin ko sa cellphone ko nung magsalita si Sophie. Tumango naman ako at ngumiti "Then this friday, punta kayong dalawa ni Violet sa house para i-critic niyo yung gown ko" sabi niya at ngumiti.

"Kahit naman anong sabihin namin, yun parin naman ang pipiliin mo" sabi ni Ube.

Napasimangot naman si Sophie at tumingin kay Ube na katabi niya. "You're so bad Violet " parang batang sabi ni Sophie.

Pagkatapos naming kumain dumiretso na ulit kami sa class. Parang aso't pusa rin pala yung dalawang ito pero halata namang parehas nilang inaalagaan ang isa't isa.

Paano kung katulad rin ako ni Sophie na may simpleng buhay lang? Magkakaroon din kaya ako ng kaibigan na ganyan? That was the thought at the back of my mind.

Habang tumatagal, mas inaayawan ko ang buhay na meron si BANE dahil kay Sophie at Violet. I wish I was normal.

Napailing na lang ako at pilit na iniintindi yung sinasabi nung teacher na nasa harapan ng klase.

BANETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon