BANE - Twenty Two

1.7K 54 2
                                    

Tinawagan ko si Violet na uuwi muna ako dahil sumasakit ang ulo ko. Doon din daw muna sila matutulog ni Sophie. Simula daw noong umalis ako ay hindi pa rin siya tumitigil sa pag iyak.

Pag pasok ko, sinalubong naman agad ako ng katulong. Pinaakyat ko muna yung bag ko at dumiretso ako sa kitchen para kumuha ng tubig.

"Nandiyan ka na pala BANE. I talked to your grandpa" salubong niya sa'kin pero hindi ko siya pinansin at naglakad na palapit sa hagdanan.

"What's wrong with you BANE?"

"Not now Dad. Please. " sabi ko at hahakbang na sana ako paakyat pero hinawakan niya ko sa braso ko dahilan para mahulog at mabasag yung hawak kong baso.

"Don't you dare na talikuran ako. Ano bang nangyayari sayo ha?" mas sumakit yung ulo ko dahil sa pagbagsak ng hawak kong baso, parang binibiak at pinapalo.

"Bitawan mo ko" marahan kong sabi dahil ayoko nang makipagtalo dahil sumasakit na talaga ang ulo ko.

"I'm still your dad and I have the authority para pagsabihan ka" hindi ko alam pero natulak ko siya at tumama siya sa pader.

"MY dad? Come on Michael, since naging workaholic ka last 2 years ago, parang wala na akong daddy. Wag na tayo maglokohan. Alam nating pareho kung anong meron tayo, sa inyo ni Mom. Alam kong you're cheating. So don't talk like a saint Michael" he slapped me. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Parang may apoy sa loob ko na gusto lumabas. Tinitigan ko siya.

Sinira ko yung security box nung baril at pinagbabaril yung lalaking nasa harapan ko. Tuwang tuwa ako habang ginagawa yun.

Napahawak ako sa ulo ko na sobrang sakit pa rin. Hindi, iniisip ko lang yun. Hindi mangyayari yun

"You're not my dad anymore MICHAEL. I know that you and mom got divorce a year ago so this is my life and I am responsible for this. I'm so fucking tired to be your puppet. Gagawin ko na kung anong gusto ko." mabilis akong umakyat at pumasok sa kwarto. Binagsak ko ang sarili ko sa kama at nakatulog.

Pag gising ko ay wala na ang sakit ng ulo ko.

Dumiretso ako sa mga baril ko at kinuha yung file tungkol sa criminal records sa Marcota. Bago ako bumalik dito Pilipinas, pinakuha ko na ito kay Kyohei.

Kinuha ko ang isang backpack at nilagay ang mga gagamitin kong baril. Pagbaba ko sa sala, walang ibang tao kundi maid at butlers.

"Anong oras uuwi si Kyohei?" Tanong ko sa babaeng nagva-vacuum sa sala.

Yumuko muna siya "mga 7 pa daw po Lady" sagot niya. Napatingin ako sa baril na nasa security box. Napailing na lang ako sa nangyari sa'kin kanina.

XXX

Hating gabi nang makauwi si BANE sa Mansion. Napasigaw ang katulong na nakakita sa kanya. Mabilis namang lumabas ng kwarto si Kyohei at Armand patungo sa pinanggagalingan ng sigaw

"Shhh... Wag kang sumigaw ano ba" natatawang sabi ni BANE.

Hindi makapaniwala si Kyohei sa nakikita. Puro dugo ang damit ni BANE, pati sa pisngi nito ay may bakas ng dugo.

"What happened to you?" nagtatakang tanong ni Kyohei habang hawak hawak niya ang braso ni BANE. Tinulak lang siya nito pero hindi naman kalakasan.

Inabot ni BANE ang criminal files at backpack na puno ng baril kay Kyohei. "I tortured them" tumatawang sabi ni BANE "may rapist, murderer, kidnaper, oh may nagtangka pa ngang lumaban kaya ayan" sabay turo sa damit niya "kumalat dugo niya" natatawang sabi ni BANE kaya napailing na lang si Kyohei.

BANETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon