Chapter 13 - Gentleman

43K 762 57
                                    

This chapter is for itsLoraineJHen. Hi sis! As promised, eto na ang dedic mo! Thank you! :*

Maraming salamat po sa mga comments at vote sa previous chapter. Pinapalakas niyo ang loob ko. Nakaka-GV! You readers always make my day. Thank you so much!

Again, I apologize kung medyo sabaw ang update na ito. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa utak ko. May hangover pa yata sa concert ni DJ. T_T But I still hope you like it, kahit konti lang... :))

Nga pala, for videos sa Concert ni DJ, feel free to visit my YouTube channel. Nasa External Link po..

Enjoy!

========================================

CHAPTER 13

 

“Uy, Gino. Hindi ka pa rin papasok?” pasigaw na tanong ni Mikay habang kasalukuyan itong nasa kusina at nagluluto. Si Gino naman ay nasa mesa at nagkakape.

 

“Hindi,” maikling sagot ng binata nang hindi inaalis ang mata sa binabasa pahayagan.

 

Hinarap ito ni Mikay at pinameywangan. “Hindi ka ba papagalitan ng boss mo sa resort? Dalawang araw ka nang ‘di pumapasok. Tinatamad ka yata?”

 

Mula kasi nang dumating ito galing Maynila ay hindi pa ito muling pumapasok sa resort. Labis niya iyong ipinagtaka. Sa nakita niya kasi kay Gino, parang napaka-importante para rito ang trabaho. 

 

Nagpakawala ito ng buntong-hininga, pero patuloy pa rin sa pagbabasa. “Wag mo na ngang problemahin yun. Tsaka, hindi ako tinatamad. Kailangan lang talagang nandito ako.”

 

“Bakit? Akala ko ba okay na tayo? Wala ka na naman bang tiwala sa’kin?” may himig na pagtatampong sabi ni Mikay.

 

Tinupi na ni Gino ang dyaryong binabasa at nilapag ito sa mesa. Pagkatapos ay tiningnan siya at pinag-krus ang braso sa dibdib. “Hindi yun.”

 “Eh, bakit nga?”

“Ang kulit mo naman eh. Basta yun na yun. Tapos.”

 

Mikay rolled her eyes at him. ‘Bipolar. Baliw.’

 

“Kailan mo planong bumalik sa trabaho?” tanong ulit ni Mikay.

 

“Kelan ba balik ni Jao sa Maynila?” balik-tanong naman nito.

 

His question confused her again. Ano ba ang kinalaman ni Jao sa usapan nila? Bakit bigla-bigla na ang nitong nababangit?

 

“Bukas yata,” sagot ni Mikay.

 

“Okay. Bukas na rin ako papasok kung ganun,” sabi nito at muling binuksan ang dyaryo.

 

‘Ano raw?’

 

“G-gino?”

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon