Chapter 19 - Curiosity Killed the Cat

35.9K 620 59
                                    

This chapter is dedicated to yanah15! Thank you so much! Please keep supporting.. :*

Thank you sa mga nag-comment at vote sa Chapter 18. Nag-eenjoy talaga akong basahin ang mga comments niyo. Nakaka-GV lang! Labyu guys!

Nahirapan ako sa chapter na 'to, pero sana magustuhan niyo..

Enjoy!

=============================

CHAPTER 19

Nakatunganga sa kawalan si Mikay. Kasalukuyan niyang inihahanda ang agahan nila ni Gino, pero kanina pa siya wala sa sarili. Actually, ilang araw na siyang wala sa sarili. Hanggang ngayon, nagpapaulit-ulit pa rin sa utak niya ang mga narinig noong nakaraang gabi.

“Mikay, ba’t parang amoy sunog?” wika ni Gino na kakapasok lang sa kusina.

“Ha?” wala sa sariling tugon niya.

“Yung niluluto mo!” sigaw nito.

Saka lang niya napunang nasusunog na pala ang piniprito niyang itlog. Agad niyang hinawakan ang kawali, ngunit dahil sa mainit ito at nakaligtaan niyang gumamit ng pot holder ay napaso siya.

“Ouch!” bulalas niya at hinipan ang kamay.

Gino was beside her in a second. Ito na ang pumatay ng stove. Pagkatapos ay kinuha nito ang kamay niya.

“Di ka na naman nag-iingat. Patingin,” sermon nito sa kanya.

Hindi siya umimik at tinitigan na lang ito habang nakikipag-karera na naman ang tibok ng puso niya. Nahihirapan na siyang itago rito ang nararamdaman niya, lalo na kung ganito ito kalapit.

‘Why did I have to fall in love with you?’

Nanghihinayang na binawi na lamang niya ang kamay. “Okay lang ako.”

“Sigurado ka?”

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon