Chapter 31 - Cryptic

37.3K 660 26
                                    

Dedicated to annelucky. Maraming salamat!

I'm baaaaack... *Chichay's Tone*

Kamusta na po kayo? Sorry for the long wait...

Anyways, here is the next chpater. Hope you like it!

Enjoy!

============================

CHAPTER 31

Hindi na nagtaka pa si Mikay nang maabutang nakaupo si Gino sa reception area ng opisina nila nang sumunod na Lunes. Isang buntong-hininga na lamang ang pinakawalan niya. Ayaw talagang paawat nito.

Hindi pa nga siya handang humarap rito pagkatapos ng nangyari sa kanila noong weekend. Wala pa rin kasi silang napag-uusapan tungkol doon. Wala naman siyang lakas ng loob na magtanong kung ano nga ba ang ibig sabihin ng halik na iyon. Kaya pinili niyang huwag na munang ungkatin ang tungkol doon, unless kung si Gino ang magsimula ng usapan.

Lumapit siya at tumayo sa harapan nito. Napaangat naman ito ng tingin ng mapansin siya. Then he smiled. Gustong magmura ni Mikay. Bakit nakakaya pa nitong magpa-cute sa kanya gayong siya ay litong-lito na? Hindi na niya alam kung saan siya lulugar.

“Let’s go,” matigas na sabi niya rito.

Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. Hindi na niya pinansin iyon at nauna nang umalis. Agad namang nakasunod si Gino sa kanya. Sabay nilang hinintay ang pagbukas ng pinto ng elevator.

“You don’t seem surprised to see me,” basag nito sa katahimikan sa pagitan nila.

Nilingon niya ito. “I expected it. Alam ko namang walang makakapigil sa’yo kung gusto mong sumama.”

He grinned again. “Good thinking.”

“Whatever,” mataray niyang sabi.

Tumawa ito ng mahina. Siya namang pagdating ng elevator. Tahimik lang sila sa loob. Sumunod ito sa kanya sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya.

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon