Dedicated to @YsabelleLimco! Maraming salamat sa'yo! ^_^
Sorry po kung medyo natagalan ang update.. Dami kasing nangyayari sa buhay ko...
But here it is! Enjoy!
===============================
CHAPTER 4
Magdidilim na nang marating nila ang bayan ng Aberin. Mula sa terminal ng bus ay kinailangan pa nilang sumakay ng jeep papunta sa bahay na tinutuluyan ni Gino. Ngayon lang siya nakasakay sa ganito ka siksikan. Halos magkakadikit na ang mga mukha nila sa loob at may mga pasaherong nakasabit pa pero matulin pa rin ang pagpapatakbo ng driver. Medyo kinakabahan na nga siyang maaksidente sila.
Hindi rin nakatulong sa nararamdaman niyang pagod ang kasama niya sa biyahe. Ni hindi man lang siya nito tinulungang buhatin ang napakabigat niyang maleta. Ang bilis-bilis pa nitong maglakad kanina kaya naman hiningal talaga siya para hindi nito maiwan.
Hindi yata nito alam ang salitang 'gentleman' eh!
Saglit na nilingon niya ito. Pasipol-sipol lang si Gino habang tumatakbo ang jeep. Hindi na sila masyadong nag-uusap simula pa kanina. Hindi niya naman alam kung ano ang sasabihin dito. She felt they had nothing to talk about, they had nothing in common. Pero kahit ganun ay malaki pa rin ang pasasalamat niya rito. At least ay nabawasan kahit paano ang alalahanin niya.
Habang nasa bus kanina ay tinawagan niya ang bangko. Mabuti na lamang at hindi nakuha sa kanya ang phone niyang nasa bag din. They confirmed her fears. Mapapalitan ang card niyang nawala, pero matatagalan pa bago niya ito makuha. Idagdag pang kailangan niyang pumunta doon ng personal, at nasa kabilang bayan pa ang pinakamalapit na branch.
Tiis-tiis na lang muna, Mikay. This will pass.
"Brad, para!" biglang sabi ni Gino.
Tumalima naman siya at sumunod ditong bumaba. Siyempre pa, dahil masikip at mabigat ang dala niya, ay nahirapan siyang madaliin ang gagawin. Napatingin siya sa mukha nitong naiinip habang naghihintay na makababa siya ng jeep. He was tapping his foot impatiently.
Eh kung tinulungan sana ako nito, edi hindi siya naiinip?! Grrrrr...

BINABASA MO ANG
Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)
FanficPara matakasan ang plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa isang lalakeng hindi niya kilala ay naglayas si Mikay. Sa kasamaang-palad ay minalas siya. She found herself suddenly penniless and without anywhere to go to. Enter Gino, ang masungit, bugn...