Hi mangocielo! This chapter is for you! Salamat sa consistent votes and comments... :*
Thank you po sa mga nag-vote and comment sa previous Chapter. Wow! 40+ votes! Kahit na konti ang reads nun I'm so happy pa rin because of all the votes at comments. Thank you po talaga.
Hope you like this chapter! Enjoy!
=============================
CHAPTER 14
Nang sumunod na Sabado ay maagang lumakad sina Mikay at Gino papunta sa resort kung saan nagtatrabaho ang huli. Kasama rin nila sina Billy at Carlo na inaya ni Gino para naman daw makapag-swimming.
Halos kalahating-oras din ang byahe mula papunta rito mula sa bahay ni Gino. Nasa medyo tagong lugar kasi ang beach na ito. Kaya naman pala maaga pa ito kung umalis at late na kung umuwi.
But Mikay thought the long time spent for travel was worth it. Pagkababa pa lang nila mula sa sasakyang nirentahan ni Gino ay napanganga at namangha na siya sa sobrang ganda ng lugar. It really was a hidden paradise. Hindi niya inakalang may ganito pala sa Aberin.
"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Gino sa kanya habang tinutulungan nito ang mga bata na ibaba ang mga gamit nila mula sa sasakyan. Para ngang outing ang ipinunta nila rito at hindi trabaho.
"Wow! This place is beautiful. Matagal na ba ang resort na 'to dito?"
"Mag-iisang taon pa lang simula ng maging fully operational siya. Pero halos tatlong taon din ang ginawang pag-develop nito," sagot ni Gino sa kanya.
"Ba't parang ang dami mong alam?" nagdududang tanong niya ulit.
"Natural. Dito ako nagtatrabaho," kibit-balikat na sagot naman nito. He gestured for her to follow him. Nauna itong naglakad kasabay ang dalawang bata. Pero habang nakasunod siya rito ay hindi niya pa rin maiwasang magtaka. Para kasing masyadong weird lang ang mga nangyayari.
Una, naging napakadali para sa kanya ang paghingi ng permiso para kunan ng litrato at gawan ng article ang resort. She received the confirmation sa pamamagitan ng isang liham, from the resort's manager isang araw pagkatapos niyang banggitin ang plano kay Gino. Ang kundisyon lamang daw nito ay ipakita niya ang draft ng article pati na rin ang mga pictures bago iyon i-publish. Hindi niya pa nakikilala ang nasabing manager.
Pangalawa, libre lahat ng accommodations nila sa resort ngayong araw. Ang sasakyang ginamit nila kanina ay shuttle service ng resort. Sinabi rin ng manager sa sulat na ipinadala nito na libre nilang gamitin lahat ng amenities sa araw na iyon. Sa sobrang excited ng mga bata, nakumbinsi nila silang dalawa ni Gino na magpalipas ng gabi sa resort. Pati yata ang villa na gagamitin nila ay libre.
Nang tanungin niya si Gino tungkol rito ay sinabi nitong masyado raw malaking opportunity para sa resort ang gagawin nilang pag-feature nito sa magazine. He even said it was "free publicity". Dapat pa nga raw ay siya ang binabayaran ng resort.
Napagisip-isip din niyang may punto naman ito. Kaya imbes na magreklamo ay i-eenjoy na lamang ni Mikay ang pambihirang pagkakataong ito.
"Nandito na tayo," anunsiyo ni Gino.
Napatigil din siya sa paglalakad at sumunod rito papasok sa isang kwarto. Actually, para siyang maliit na bahay overlooking the beach. May living room, sariling kusina at maliit na dining table. Sa tingin niya ay para ito sa mga VIP guests ng resort.
'All this for free?' ang tanging naisip niya. Something fishy is going on, but she can't place a finger on it.
"Wow! Ang laki naman," namamanghang sabi ni Billy.
"My thoughts exactly," segunda naman ni Mikay. "Sigurado ka bang dito tayo, Gino? Ba't parang ang rangya naman yata."
Napatingin ito sa kanya. "Ayaw mo?"
BINABASA MO ANG
Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)
FanfictionPara matakasan ang plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa isang lalakeng hindi niya kilala ay naglayas si Mikay. Sa kasamaang-palad ay minalas siya. She found herself suddenly penniless and without anywhere to go to. Enter Gino, ang masungit, bugn...