This is dedicated to InnocentPen. Thank you so much for supporting this story! :)
Sa mga nagpapa-dedicate, I just wanted let you know na nakikita ko pa ang mga request niyo sa MB at sa Inbox ko and I already have a sequenced list. Pero, hindi lang ako sigurado kung lahat kayo maaabutan dahil malapit nang matapos ang kwentong ito. I hope you understand. :)
I also apologize for the delayed update. Bumawi naman yata ako sa update na ito kasi pang dalawang chapter siya. HIHIHI.
Hope you like it! Enjoy!
==================================
CHAPTER 33
“Mikay, nandun na si Gino sa baba,” pagbibigay-alam sa kanya ng Yaya Diday niya.
“Ano po? Ba’t ang aga niya? Hindi pa ako tapos!” natatarantang sagot naman niya.
Tumawa ng mahina si Diday bago tuluyang pumasok sa loob ng silid niya. Tinulungan siya nitong ayusin ang buhok niya. Kahit na naisipan niyang maghanda ng mas maaga para sa charity ball na pupuntahan nila, magagahol pa rin pala siya sa oras.
“Excited yatang makita ka,” panunudyo nito sa kanya.
“Si yaya talaga,” naiiling naman niyang sagot at minadali na ang pagkilos.
Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin. She made sure not a strand of hair was out of place. She wanted to look perfect. Nang makuntento siya ay napangiti siya sa sariling repleksiyon.
“Ang ganda-ganda mo,” sabi ni Diday.
Lumingon siya rito at ngumiti. “Thanks ya.”
Kinuha na niya ang clutch na nakapatong sa kama niya at nagmamadaling lumabas. Baka naiinip na si Gino sa kahihintay sa kanya. Habang pababa sila ng hagdan ay panay ang bilin niya sa yaya niya.
“Ya, yung sinabi ko sa inyo ha. Pakitingnan niyo si papa. Kapag nagka-problema, ‘wag kayong magdadalawang-isip na tawagan ako. Tsaka, kailangan niyang uminom ng gamot mamaya. You have to wake him up. At huwag na huwag niyo siyang hahayaang uminom ng kape o alak, nakakasama yun sa kanya,” sunod-sunod na sabi niya rito.
![](https://img.wattpad.com/cover/4158093-288-k512140.jpg)
BINABASA MO ANG
Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)
FanficPara matakasan ang plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa isang lalakeng hindi niya kilala ay naglayas si Mikay. Sa kasamaang-palad ay minalas siya. She found herself suddenly penniless and without anywhere to go to. Enter Gino, ang masungit, bugn...