Chapter 35 - Best Day Ever

32.1K 622 26
                                    

Pasensiya na po sa paghi-hibernate ko. Ngayon lang talaga nagka-oras.

Regalo ko po sa inyo! Merry Christmas!

========================================

CHAPTER 35

Magkahawak-kamay nilang tinungo ni Gino ang silid kung saan naghihintay ang lolo nito. Hindi man nito aminin, alam ni Mikay na nag-aalala ang binata. Maging siya ay kanina pa rin nagtataka sa kung ano ang dahilan kung bakit sila ipinatawag ng abuelo nito. Ang nagpapalakas lamang ng loob niya ay ang kamay ni Gino na mahigpit na nakahawak sa kanya. They were finally okay. Everything made sense again.

Ilang sandali pa ay nasa labas na sila ng pinto. Lihim siyang huminga ng malalim. Ayaw niyang ipahalata kay Gino na natatakot din siya. Pakiramdam talaga niya, may mali.

Nadatnan nila sa loob nag buong pamilya into. Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito. Priam had an apologetic look on his face. Ang Tita Alicia naman niya ay parang kinakabahan. Nasa isang sulok ng silid sina Behati na umiwas ng tingin sa kana, at si Maddie na may kakaibang ekspresyon sa mukha into.

She looked smug and was smirking at her na para bang nanalo ito sa kung ano. Huli siyang napatingin sa don. Magkasalubong ang dalawang kilay nito at nakasimangot na nakatingin sa kanila. Kamukha nito si Gino kapag galit o naiinis. Lalo siyang kinabahan.

Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Gino sa kamay niya. Nang mapatingin siya rito ay ngumiti ito sa kanya, na para bang sinasabing ayos lang ang lahat.

"You wanted to talk to us?" tanong nito sa abuelo.

"Dapat siguro ako ang magtanong niyan, Gino. May gusto ba kayong sabihin sa akin?"

Lumakas kaagad ang tibok ng puso niya. Nagkatinginan sila ni Gino. Nakita niya ang pagkabahala sa mga mata nito. Nagsimulang mag-panic si Mikay. Ano ang alam ng lolo nito?

"Ano po ang ibig niyong sabihin, 'Lo?" pagmamaang-mangan ni Gino.

"Wag mo akong gawing tanga, Gino. May nakarinig sa pag-uusap ninyo ni Mikaela kanina. Nagpapanggap lang kayong magkasintahan sa harap ko? Ano'ng kalokohan ito?" galit na sabi nito sa kanila.

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon