Chapter 26 - Endearment

39.3K 719 78
                                    

Dedicated to rianenichelle. Ito na yung request mo! Please continue to support this story. :)

As promised, here's the next chapter. Agad-agad!

Enjoy!

=====================

CHAPTER 26

“Ba’t kaya ang tagal nila sa loob?” hindi mapakaling tanong ni Mikay sa Yaya Diday niya.

“Huwag ka nang masyadong mag-alala. Wala naman sigurong gagawing masama ang papa mo kay Gino,” sabi naman nito sa kanya.

Kasalukuyang kausap ng papa at kuya niya si Gino sa study nito.  Nang dumating ito kanina ay wala na silang pagkakataon para mag-usap dahil agad na ipinatawag ito ng ama at siya naman ay pinalabas ng silid. Sasabihan na lang daw siya ng mga ito kung pwede na siyang pumasok.

Magta-tatlumpung minuto na siyang naghihintay, kaya naman medyo nag-aalala na siya. She knew her father could be intimidating if he wanted to. Idagdag pa ang kuya niya.

Sinubukan niyang kumalma habang pinaglalaruan ang pagkaing inihanda ng mga kasambahay para sa kanya. Wala rin naman siyang gana kaya nakakailang subo pa lamang siya.

Matapos ang ilang minuto ay lumitaw na ang bulto ng kuya niya sa kusina. Agad na napatayo si Mikay.

“Tawag ka na ni papa,” sabi nito sa patag na boses. Hindi tuloy niya masabi kung ano ang iniisip nito. Sumunod na lamang siya rito pabalik sa study ng ama.

Naabutan niya si Gino na nakaupo sa puwesto niya kanina. Ngayon ay may isa pang upuan sa tabi nito. Lumapit siya at umupo doon.

Medyo nakahinga siya ng maluwag nang makitang nakangiti si Gino. Mukhang hindi naman ito nasaktan kaya nabawasan din ang pag-aalala niya.

“Is everything okay?” pabulong na tanong niya rito.

Kinuha nito ang isa niyang kamay and intertwined their fingers. Nagulat man siya sa ginawa nito ay hindi niya iyon ipinahalata. She did her best to act normal, even though her stomach was suddenly full of butterflies.

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon